Search Header Logo

AP 10 2nd Quarter Summative

Authored by Christopher Cinense

Social Studies

10th Grade

Used 1+ times

AP 10 2nd Quarter Summative
AI

AI Actions

Add similar questions

Adjust reading levels

Convert to real-world scenario

Translate activity

More...

    Content View

    Student View

20 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Ang malayong distansya ng mga bansa ay hindi na balakid sa mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, impormasyon, produkto at serbisyo. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakatumpak na paglalarawan tungkol sa globalisasyon?

Ang globalisasyon ang susi upang magkaroon ng maunlad na ekonomiya ang bawat bansa sa daigdig dahil nabibigyan nito ng pagkakataon na magkaroon ng ugnayan sa isat-isa ang mga bansang may pangangailangan.

Ang globalisasyon ang tumutugon sa mga suliraning pang-ekonomiya ng mga bansa dahil nasosolusyunan nito ang kakulangan o kakapusan sa mga produkto at nabibigyan ng hanapbuhay ang mga taong nangangailangan.

Ang globalisasyon ay tumutukoy sa malaya at malawakang pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa daigdig sa mga gawaing pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan, panteknolohiya at pangkultural.

Ang globalisasyon ay tumutukoy sa ugnayang pampolitika ng mga bansa na nakatutulong upang masugpo ang banta ng terorismo sa isang bansa o rehiyon na magdudulot ng matinding pinsala sa lipunan.

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Ang teknolohiya ay tinukoy na pangunahing dahilan sa paglago ng globalisasyon. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na magandang dulot ng teknolohiya.

Lumilikha ng oportunidad sa maraming tao.

Mabilis na naipararating ang mahahalagang impormasyon.

Nagagamit sa iba't-ibang uri ng krimen.

Napabagal ang serbisyong medikal ng mga doktor

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Paano nakatulong ang globalisasyon noong panahon ng pandemya?

Kumalat ang virus dahil malayang nakapaglalakbay ang mga tao sa iba't-ibang panig ng mundo.

Lumakas ang sektor ng serbisyo dahil maraming tao ang hindi makalabas sa kanilang mga tahanan.

Maraming mga dayuhang negosyante ang nagbigay ng donasyon sa ating pamahalaan upang labanan ang hamon ng pandemya.

Naibahagi sa iba't-ibang mga bansa ang naimbentong bakuna na lunas sa kumakalat na covid-19 virus.

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Ano ang patunay na may naganap na globalisasyon ng relihiyon sa Pilipinas?

Pagiging aktibo ng mga katoliko sa mg gawaing simbahan.

Pagkakaroon ng pagkakaisa sa mga kasapi ng Iglesia ni Kristo.

Pagkakaroon ng iba't-ibang pananampalataya ng mga Pilipino.

Pagrespeto ng mga Pilipino sa pananampalataya ng bawat isa.

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Maraming naging impluwensiya ang mga dayuhan sa ating mga Pilipino isa na rito ang pagdiriwang ng mga kapistahan na talaga namang mababakas pa rin hanggang sa kasalukuyan. Anong dimensiyon ng globalisasyon ito maiuugnay?

Economic

Environmental

Political

Socio-cultural

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Ang Pilipinas ay kasapi ng iba’t-ibang internasyunal na organisasyon tulad ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Taon-taon ay nagkakaroon ng pagpupulong ang mga lider ng mga bansang kasapi nito. Isa sa mga natatalakay rito ang pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa buong rehiyon. Ang gawaing ito ay maiuugnay sa anong dimensiyon ng globalisasyon?

Economic

Environmental

Political

Socio-cultural

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Kinuha ng kompanyang Exponential Inc. na matatagpuan sa Taiwan ang serbisyo ng isang kompanya sa Pilipinas upang regular na gawin ang isang partikular na gawain na magreresulta ng mas mababang gastusin sa kanilang operasyon. Anong uri ito ng outsourcing batay sa layo o distansya?

Farshoring

Nearshoring

Offshoring

Onshoring

Access all questions and much more by creating a free account

Create resources

Host any resource

Get auto-graded reports

Google

Continue with Google

Email

Continue with Email

Classlink

Continue with Classlink

Clever

Continue with Clever

or continue with

Microsoft

Microsoft

Apple

Apple

Others

Others

Already have an account?