
Pagsusulit sa Araling Panlipunan 8
Authored by JOJILL BELTRAN
Social Studies
8th Grade
Used 8+ times

AI Actions
Add similar questions
Adjust reading levels
Convert to real-world scenario
Translate activity
More...
Content View
Student View
50 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Dahil sa pagsalakay at pagsakop nito sa mga Minoan, anong pangkat ng tao ang nagpayaman sa kabihasnang Greece?
Athenian
Minoan
Mycenaean
Spartan
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Sa kabihasnang Minoan, ano ang kinikilala bilang isang makapangyarihang lungsod na naging kabisera ng isla ng Crete?
Knossos
Greece
Aegean
Mycenaean
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Alin sa sumusunod ang digmaan sa pagitan ng Athens at Sparta na tumagal nang mahigit na 27 taon, at nagbunga ng malaking pagkawasak sa mga lungsod-estado ng Greece?
Digmaang Peloponnesian
Digmaang Persian
Digmaang Punic
Digmaang Trojan
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang nabuo sa isla ng Crete. Ito ay yumaman sa pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang pangunahing dahilan nito?
Napalilibutan ng mga kabundukan ang isla.
Napakalakas ng puwersang pangmilitar ng Minoan.
Nakarating sa iba't ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete.
Napalilibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito.
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa polis bilang isang lungsod-estado?
Ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa isang polis.
May iba't ibang uring panlipunan ang isang polis at nahahati ito sa iba-ibang yunit.
Ito ay binubuo ng isang lipunang malaya, nagsasarili at nakasentro sa isang lungsod.
Isang uri ng pamahalaan ng mga Greeks kung saan binibigyang-diin ang demokrasya.
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Ang lupain ng Greece ay mabato at bulubundukin. Ang mga sumusunod ay naging epekto nito sa kabuuang lupain MALIBAN sa;
Naging sagabal sa mabilis na pagdaloy ng komunikasyon.
Naging mabagal ang paglago ng mga kaisipan at teknolohiya.
Naging dahilan upang magkaroon ng kaugnayan sa iba't ibang uri ng tao.
Ang bawat lungsod-estado ay nagkaroon ng kani-kaniyang natatanging katangian na nagpapayaman ng kanilang kultura.
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
May mga dayuhang mananalakay ang nagtangkang sakupin ang mga Greeks tulad ng mga Persiyano. Ano ang maaring dahilan bakit sa paningin ng dayuhang mananalakay ang mga Greeks ay tila madaling talunin at sakupin?
Sila ay mahihina.
Kulang sila sa mga armas pandigma.
Kaunti lamang ang kanilang populasyon.
Sila ay nahati-hati sa iba't ibang lungsod-estado at hindi nagkakaisa.
Access all questions and much more by creating a free account
Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports

Continue with Google

Continue with Email

Continue with Classlink

Continue with Clever
or continue with

Microsoft
%20(1).png)
Apple
Others
Already have an account?