AP10

AP10

9th Grade

8 Qs

quiz-placeholder

Similar activities

Ilega-y na 'Yan! (Economics)

Ilega-y na 'Yan! (Economics)

9th Grade

10 Qs

Quelles relations entre le diplôme, l'emploi et le salaire

Quelles relations entre le diplôme, l'emploi et le salaire

1st Grade - University

13 Qs

kiểm tra 15 phút lần 1

kiểm tra 15 phút lần 1

9th Grade

10 Qs

Module 7: Demand

Module 7: Demand

9th Grade

10 Qs

Zachowanie w czasie feriii

Zachowanie w czasie feriii

1st - 10th Grade

10 Qs

Panindigan ang Katotohanan

Panindigan ang Katotohanan

7th - 10th Grade

10 Qs

Kailan Luluwag o Sisikip? (Economics)

Kailan Luluwag o Sisikip? (Economics)

9th - 10th Grade

10 Qs

Ideya Mo, Ilabas Mo! (Economics)

Ideya Mo, Ilabas Mo! (Economics)

9th Grade

10 Qs

AP10

AP10

Assessment

Quiz

Social Studies

9th Grade

Hard

Created by

MARGIE CLARO

Used 1+ times

FREE Resource

8 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

Ang pagtaas ng unemployment at underemployment sa bansa ay nagreresulta sa isang malaking problema sa paggawa, ang "job-mismatch." Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI dahilan ng pangyayaring ito?

Pagbabahagi ng mga personal na detalye tungkol sa kasaysayan ng pamilya, kabilang ang impormasyon tungkol sa mga magulang at iba pang kamag-anak

Pagbabago sa industriya o teknolohiya na maaaring dahilan upang maging hindi angkop ang dating kasanayan sa mga bagong pangangailangan

Mayroong hindi pagtutugma sa pagitan ng edukasyon at kakayahan ng mga manggagawa at mga kinakailangan ng mga trabaho

Kakulangan ng mga kasanayan o pagsasanay na kinakailangan para sa isang partikular na trabaho

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

45 sec • 1 pt

Malaking suliranin para sa mga manggagawa ang kawalan ng benepisyo at seguridad sa trabaho dulot ng kontraktwalisasyon. Alin sa sumusunod ang tinutukoy kapag ang isang manggagawa ay contractual?

Ang manggagawa ay hindi pwedeng lumiban sa trabaho.

Ang manggagawa ay hindi maaaring matanggal sa trabaho.

Ang manggagawa ay hindi pinagkakatiwalaan ng kanyang employer.

Ang manggagawa ay limitado sa anim na buwan ang kanyang trabaho.

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 2 pts

Sa gitna ng lumalalang kawalan ng seguridad sa paggawa, paano mapagtatanggol ng mga manggagawang Pilipino ang kanilang karapatan laban sa mababang sahod at di-makatarungang pagtanggal? Anong hakbang ang maaaring gawin upang makamit ang hustisya?

Ang pagsasagawa ng picket at rally laban sa kompanya at kapitalista

Ang pagsasabotahe, paninira at panununog sa mga planta o kagamitan ng kompanya

Ang pag-boycott sa mga produktong dayuhan at pangangampanya sa mga mamamayan ng pagkondena sa mga ito

Ang pakikipag-usap ng mga samahan ng mga manggagawa sa mga kapitalista o may-ari ng kompanya sa pamamagitan ng tapat at makabuluhang Collective Bargaining Agreement

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

45 sec • 1 pt

Si Chris ay isang transgender woman. Ang kanyang oryentasyong sekswal ang dahilan kung bakit hindi siya tinanggap bilang isang call center agent ng isang kompanyang nais niyang pasukan. Anong karapatan ng manggagawa ang nilabag ng kompanya?

Karapatan laban sa lahat ng anyo ng diskriminasyon sa trabaho

Karapatan na magtrabaho na walang panganib at ligtas

Karapatan na sumali sa union

Karapatan sa sapat na sahod

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

Ang International Labor Organization (ILO), isang ahensya ng United Nations, ay nagsusulong ng pagkakapantay-pantay at dignidad sa paggawa, na nagbibigay-daan sa mga babae at lalaki na magkaroon ng marangal at mapagkakakitaang trabaho sa ligtas at malayang kondisyon. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga karapatang itinataguyod ng ILO para sa mga manggagawa?

Pagkakaroon ng sapat na pahinga at ehersisyo upang mapanatili ang kalusugan

Ang suweldo ng manggagawa ay dapat sapat at karapat-dapat para sa makataong pamumuhay

Ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa

Bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa trabaho at magkaroon ng pantay na suweldo para sa parehong trabaho

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

Ang globalisasyon ay isang malawak at kumplikadong proseso na may malalim na epekto sa lipunan. Bakit maituturing na isyung panlipunan ang globalisasyon?

Naaapektuhan ang mga maliliit na industriya at mas higit na pinaununlad ang mga malalaking industriya.

Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial” na institusyong matagal nang naitatag.

Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan.

Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspekto.

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

45 sec • 1 pt

Sa paanong paraan nakakatulong ang teknolohiya upang mapabilis at mapabuti ang pagproseso ng kalakalan?

Nagkakaroon ng transaksiyon sa pagitan ng mga tao sa isang bansa

Napapabilis ang pagdaloy ng mga ideya at konsepto ng mga mamamayan

Nagkakaroon ng pandaigdigang palitan ng produkto, impormasyon at mga kaugalian

Napapabilis ang paglinang ng mga hilaw na materyales upang maging isang bagong produkto

8.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

45 sec • 2 pts

“Binago ng globalisasyon ang workplace ng mga manggagawang Pilipino.” Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng epekto ng globalisasyon sa workplace ng mga manggagawang Pilipino?

Paghuhulog, pagbabayad at paglalabas ng pera gamit ang mga Automated Teller Machine (ATM)

Nagkaroon ng pagtaas sa bilang ng mga manggagawang Pilipino na nagtatrabaho sa mga call center at BPO industries, na nagdudulot ng pagbabago sa mga kasanayan at kultura sa workplace.

Pag-angat ng kalidad ng mga manggagawang Pilipino

Nagkakaroon ng pagbabago sa uri ng trabaho, kondisyon ng pagtatrabaho, at mga relasyon sa pagitan ng mga manggagawa at employer