
KATAPATAN SA KILOS AT GAWA
Authored by Rona Labra
Education
8th Grade
Used 1+ times

AI Actions
Add similar questions
Adjust reading levels
Convert to real-world scenario
Translate activity
More...
Content View
Student View
20 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Si Manuel ay isa sa kinikilalang mag-aaral na magaling sa pasulat na pagsusulit. Minsan nahuli siyang may kodigo sa pagsusulit at nalaman ito ng kaniyang mga kamag-aral. Ano ang maaaring ibunga nito kay Manuel kaugnay ng pagtingin sa kaniya na isang magaling na mag-aaral?
Hindi na siya pagbibigyang makakuha ng pagsusulit.
Mas lalakas ang loob ng iba na mangodigo upang maging magaling na mag-aaral
Hindi na siya paniniwalaan at pagkakatiwalaan
Hindi na siya kakaibiganin ng mga mag-aaral
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Ipagkakalat ni Flor na ampon ang kaniyang kaklase kahit na ito ay hindi naman totoo. Naiinggit kasi siya rito dahil maraming tao ang nais na makipagkaibigan sa huli. Tukuyin kung anong uri ng pagsisinungaling ang isinasabuhay sa sitwasyon.
Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao
Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan
Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa
Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Pinatatawag sa paaralan ang magulang ni Joey dahil sa isang paglabag sa panuntunan sa paaralan. Sa takot na mapagalitan, humanap siya ng ibang kakilala na magpapanggap na magulang niya.
Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao
Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan
Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa
Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Kilala si Angelo sa kaniyang labis na pagiging madaldal sa klase. Madalas na nahuhuli siya ng kaniyang guro na hindi nakikinig sa klase at sa halip ay kinakausap at ginagambala ang kaniyang kaklase. Kapag siya ay nahuhuli ng guro sinasabi niya na nadadamay lamang siya dahil palagi siyang kinakausap ng kaklase.
Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao
Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan
Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa
Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Pumunta kayo sa kaarawan ng isang kaklase kasama ang inyong mga kaibigan. Hindi nakapagpaalam sa kaniyang mga magulang ang iyong matalik na kaibigan dahil alam niya na hindi naman siya papayagan. Ngunit dahil napasarap sa pakikipagkuwentuhan, hindi na ninyo namalayan na gumagabi na pala. Alam mo na pagagalitan siya ng kaniyang mahigpit na ama. Kung kaya kinausap ka niya upang magsinungaling sa mga ito upang sabihin na ginabi kayo dahil sa paggawa ng proyekto sa inyong bahay. Ginawa mo ito dahil ayaw mong mapahamak ang iyong kaibigan.
Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao
Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan
Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa
Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Ang sumusunod ay mga dahilan sa pagsasabi ng totoo maliban sa:
Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa.
Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng seguridad at kapayapaan ng kalooban.
Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksyon para sa isang tao upang may ibang taong masisi, maparusahan at masaktan.
Hindi mo na kinakailangang lumikha pa ng maraming kasinungalingan para lamang mapanindigan ang iyong nilikhang kuwento.
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Kahit na nasasaktan dahil sa pamimilit ng hindi kilalang tao na sabihin niya ang lugar kung nasaan ang kaniyang ama ay hindi pa rin nagsalita si Alvin. Tukuyin kung anong pamamaraan ng pagtatago sa katotohanan ang ipinakikita sa sumusunod na sitwasyon.
Pag-iwas
Pananahimik
Pagtitimping pandiwa (mental reservation)
Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan
Access all questions and much more by creating a free account
Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports

Continue with Google

Continue with Email

Continue with Classlink

Continue with Clever
or continue with

Microsoft
%20(1).png)
Apple
Others
Already have an account?