Pagsusulit

Pagsusulit

10th Grade

50 Qs

quiz-placeholder

Similar activities

Gawaing Pasulat - 1MA456

Gawaing Pasulat - 1MA456

10th Grade

50 Qs

Summative Fil. 10

Summative Fil. 10

10th Grade

45 Qs

El Fili Midterm Quiz

El Fili Midterm Quiz

10th Grade

50 Qs

Liongo at Pagsasaling wika

Liongo at Pagsasaling wika

10th Grade

46 Qs

Ikalawang markahan Unang Linggo

Ikalawang markahan Unang Linggo

10th Grade

45 Qs

Pagsusulit sa Mitolohiya ng Africa at Persia

Pagsusulit sa Mitolohiya ng Africa at Persia

10th Grade

51 Qs

Buwan ng Wika

Buwan ng Wika

10th Grade

50 Qs

Ikatlong Markahan - Ikalawang Lagumang Pagsusulit

Ikatlong Markahan - Ikalawang Lagumang Pagsusulit

10th Grade

50 Qs

Pagsusulit

Pagsusulit

Assessment

Quiz

World Languages

10th Grade

Hard

Created by

Jovie Ayat

Used 1+ times

FREE Resource

50 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

45 sec • 1 pt

Sa kabutihang palad, dumating ang hindi niya inaasahang tulong ni Valentin Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang kabuuang gugol sa pagpapalimbag ng aklat matapos mabalitaan ang pangangailangan ni Rizal sa salapi.

Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 sa Ghent, Belgium. Inihandog ni Rizal ang nobela sa alaala ng mga paring sina Gomez, Burgos at Zamora.

                        Mula sa https://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/kasaysayan-ng-el-filibusterismo

Tanong: Ano ang kaugnayan ni Valentin Ventura sa nobelang El Filibusterismo?

A. Siya ang tumulong kay Rizal upang tumakas sa ibang bansa.

B. Siya ang kaibigan ni Rizal at kasa-kasama niya itong nagsulat ng nobela

C. Siya ang nagbigay ng pera   sa pagpapalimbag sa nobelang El Filibusterismo

D. Malaki ang naitulong niya sa pamilya ni Rizal upang malutas ang mga suliraning dulot ng Noli Me Tangere.

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

45 sec • 1 pt

  1. Bakit may mahalagang gampanin ang tatlong paring martir sa nobelang El Filibusterismo?

A. Dahil sa kanila inihandog ang nobela

B. Dahil sa kanila kaya natapos ang nobela

C. Dahil sa nangyari sa kanila sumiklab ang pusong Pilipino ni Rizal

D. Dahil sa kanilang pagkamatay nag-alab ang kagustuhan ni Rizal na mapalaya ang Pilipinas

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

45 sec • 1 pt

Ano ang mahalagang kaugnayan ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo?

A. Kilala o popular ang dalawang nobela

B. Isinulat ni Jose Rizal ang dalawang nobela

C. Ang pangunahing tauhan na si Ibarra o Simoun ay iisa.

D. Ang Noli Me Tangere ay karugtong ng El Filibusterismo

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

45 sec • 1 pt

Dahilan sa Pagsulat ng El Filibusterismo

           Isa sa mga suliraning naranasan ni Rizal noong siya ay nag-aaral ay ang walang katapusang diskriminasyon sa mga kayumangging Pilipinong estudyante mula sa mga (mapuputing) kastila at mestizo. Sa kaniyang pag-aaral naman sa kolehiyo sa Unibersidad ng Santo Tomas, napansin niya rin ang mababaw na sistema ng edukasyon na makikita sa paraan ng kanilang pagtuturo – na hanggang teorya lamang at walang aplikasyon.

Halaw sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo Filipino 10

Ikaapat na Markahan - Modyul 1Laureana C. Diosana

Tanong: Ano ang ipinahihiwatig ng talata sa kalagayan ng mga Pilipinong mag-aaral?

A. Hindi nakakapag-aral ang mga Pilipino

B. Kinukutya ang mga Pilipinong mag-aaral

C. Mas kinikilingan ang mga kastila at mestizong mag-aaral

D. Ang mga mag-aaral ay nakaranas ng  matinding diskriminasyon.

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

45 sec • 1 pt

kayumangging Pilipinong estudyante mula sa mga (mapuputing) kastila at mestizo. Sa kaniyang pag-aaral naman sa kolehiyo sa Unibersidad ng Santo Tomas, napansin niya rin ang mababaw na sistema ng edukasyon na makikita sa paraan ng kanilang pagtuturo – na hanggang teorya lamang at walang aplikasyon.

Tanong: Bakit sinabing mababaw ang Sistema ng edukasyon sa panahong iyon?   

A. Nakaranas sila ng diskriminasyon.

B. Hindi naisasabuhay ang kanilang mga itinuturo.

C. Ang hindi pag-apruba sa kahilingan ng mga Pilipinong mag-aaral na magtatag ng isang Akademya  

ng Wikang Kastila.

D. Ang pagbabalak ni Placido Penitente na huminto sa pag-aaral kahit isa siya sa matalino at bantog  na mag-aaral ni Padre Valerio.

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

45 sec • 1 pt

ayumangging Pilipinong estudyante mula sa mga (mapuputing) kastila at mestizo. Sa kaniyang pag-aaral naman sa kolehiyo sa Unibersidad ng Santo Tomas, napansin niya rin ang mababaw na sistema ng edukasyon na makikita sa paraan ng kanilang pagtuturo – na hanggang teorya lamang at walang aplikasyon.

Tanong: Ano ang layunin ni Rizal nang isulat niya ang El Filibusterismo?

A. Tuligsahin ang pamahalaan

B. Ipagtanggol ang mga Pilipinong mag-aaral

C. Ibahagi sa mga Pilipino ang kasakiman ng mga prayle

D. Baguhin ang naghaharing sistema ng pamahalaan sa Pilipinas

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

45 sec • 1 pt

Kaligirang Pangkasaysayan Ng El Filibusterismo

          Matapos isulat ni Jose Rizal ang kaniyang unang nobela na Noli Me Tangere, nakarating ito sa mga Kastila at hindi nagustuhan ang kuwento nito. Naging banta man ito sa buhay ni Rizal, dahil nakita niya ang epekto nito sa mga mananakop ay ninais niyang magsulat pa ng isang nobela na magpapatuloy ng kuwento ng unang nobela—ang El Filibusterismo.           Dahil sa galit ng mga Kastila ay umalis si Rizal sa Pilipinas at nagtungo sa Europa at doon sinimulan ang El Filibusterismo.

          Sa pagsusulat niya ng kaniyang ikalawang nobela, nagkaroon siya ng iba’t ibang inspirasyon na hango sa kaniyang mga kinahaharap na isyu sa buhay.

          Isa na rito ang pagpapahirap ng mga mananakop sa kaniyang pamilya sa Calamba at pagkuha ng mga ito sa lupain ng kaniyang mga kababayan. https://www.panitikan.com.ph/kaligirang-pangkasaysayan-ng-el-filibusterismo-buod

Tanong: Ano ang ipinahihiwatig ng talatang ito, Naging banta man ito sa buhay ni Rizal, dahil nakita niya ang epekto nito sa mga mananakop ay ninais niyang magsulat pa ng isang nobela na magpapatuloy ng kuwento ng unang nobela—ang El Filibusterimo?

A. Sumulat pa rin siya sa kabila ng pananakot  sa kanya.

B. Hindi siya natakot sa anumang mangyari dahil sa sinulat niya.

C. Naging balakid ang pagbabanta ng mga Kastila upang isulat ang karugtong ng nobela.

D. Maraming nagbanta sa buhay niya pero ipinagpatuloy pa rin ang pagsulat sa ikalawang nobela niya.

Create a free account and access millions of resources

Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports
or continue with
Microsoft
Apple
Others
By signing up, you agree to our Terms of Service & Privacy Policy
Already have an account?