
Reviewer sa Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino 3
Authored by Shein Pangilinan
English
3rd Grade

AI Actions
Add similar questions
Adjust reading levels
Convert to real-world scenario
Translate activity
More...
Content View
Student View
41 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Parabula: Ang Nawawalang Tupa
Mula sa: Lucas 15:3–7
Isang araw, ikinuwento ni Hesus ang isang parabula:“Kung ang isang tao ay may isandaang tupa at mawala ang isa, ano ang kanyang gagawin? Iiwan niya ang siyamnapu’t siyam sa pastulan at hahanapin ang nawawalang isa hanggang sa ito’y matagpuan.
Kapag nahanap niya ito, masaya niyang pinapasan sa balikat ang tupa at umuwi na may kagalakan. Tinatawag niya ang kanyang mga kaibigan at kapitbahay at sinasabi:
‘Makigalak kayo sa akin! Natagpuan ko na ang aking nawawalang tupa!’
Pagkatapos ay sinabi ni Jesus:
“Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi, kaysa sa siyamnapu’t siyam na matuwid na hindi nangangailangan ng pagsisisi.”
Ilang tupa ang nawawala sa parabula ?
isa
Isang daan
siyam
siyamnapu't siyam
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Sino ang magkakaroon nang higit na kagalakan sa langit?
Isang makasalanang nagsisisi.
Isang taong walang pakialam.
Taong makasarili at pinili ang sariling landas.
Siyamnapu't siyam na matuwid na hindi nangangailangan ng pagsisisi.
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
"Makigalak kayo sa akin! Natagpuan ko na ang aking nawawalang tupa!" Anong damdamin ng tauhan ang ipinakikita sa pahayag na ito?
naiinip
Masaya
masinop
nayayamot
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Sino ang nagsasalaysay ng mga sumunod na pahayag? "Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi, kaysa sa siyamnapu't siyam na matuwid na hindi nangangailangan ng pagsisisi."
Hesus
kaibigan
pastol
tupa
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Anong katangian ang ipinakita ni Hesus sa teksto?
maganda
mapagpatawad
masipag
matalino
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Ang Pagong at ang Matsing
Isang araw, naglalakad sa gubat ang Pagong at Matsing nang may matagpuan silang puno ng saging na may ugat pa.
Sabi ni Matsing, “Hatiin natin ito. Kukunin ko ang itaas na bahagi kasi may dahon at bunga. Ikaw na lang sa ugat.”
Pumayag si Pagong, kahit alam niyang hindi patas. Tinanim niya ang ugat sa tabi ng kanyang bahay. Inalagaan niya ito araw-araw.
Samantala, si Matsing ay nagtangkang itanim ang kanyang nakuha—ang tuktok ng saging—pero dahil wala itong ugat, namatay agad.
Lumipas ang ilang buwan, lumaki ang punong saging ni Pagong. Nagkabunga ito ng matatamis na saging.
Nang malaman ito ni Matsing, palihim niyang inakyat ang puno at kinain ang lahat ng saging!
Nagalit si Pagong. Nakaisip siya ng paraan. Pinaglagay niya ng matutulis na tinik sa paligid ng puno.
Kinabukasan, bumalik si Matsing para kumuha pa ng bunga. Pagbaba niya, nasugatan siya ng mga tinik! Umiiyak na tumakbo si Matsing.
Anong katangian mayroon si Pagong?
mapagbigay
masayahin
masinop
matalino
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Bakit tumakbo at nag-iiyak si Matsing?
nagutom
napagalitan
nasaktan
nawala
Access all questions and much more by creating a free account
Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports

Continue with Google

Continue with Email

Continue with Microsoft
or continue with
%20(1).png)
Apple
Others
Already have an account?