
Filipino (LSP)
Authored by Resty Rivas
Other
7th Grade
Used 1+ times

AI Actions
Add similar questions
Adjust reading levels
Convert to real-world scenario
Translate activity
More...
Content View
Student View
10 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Tukuyin ang kaugalian isinasad ng salawikaing "Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin." Piliin sa mga sitwasyon sa baba ang pangyayaring nagpapakita kung paano ito naipapamalas sa kasalukuyang panahon.
Si Maria ay mapagmalasakit. Tuwing Linggo, pinapakain niya ang mga batang lansangan sa likod ng simbahan bilang bahagi ng kanyang boluntaryong serbisyo.
Si Juan ay mapagpatawad. Lagi niyang pinapalampas ang panloloko ng kanyang kaibigan at nananatili pa ring tapat sa kanilang samahan.
Si Pedro ay masigasig sa pag-aaral. Araw-araw siyang naglalaan ng oras upang mag-aral, kaya nang dumating ang pagsusulit, mataas ang kanyang naging marka.
Si Marlon ay mapagbigay. Palagi siyang nagpapadala ng pasalubong sa kanilang baryo tuwing siya'y umuuwi mula sa trabaho.
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang pinakaangkop na halimbawa ng kahulugan ng salawikaing na "Kapag may isinuksok, may madudukot."
Si Marco ay laging bumibili ng bagong gamit tuwing nakakakuha siya ng pera upang hindi ito maubos sa wala.
Kaagad na binayaran ni Nathan ang kanyang utang kahit wala pa siyang pambayad sa iba niyang gastusin.
Kapag may natirang pera si Julia, ipinangreregalo niya ito sa kanyang mga kaibigan.
Naglaan si Bianca ng bahagi ng kanyang baon araw-araw upang may magamit siya sa oras ng pangangailangan.
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
2 mins • 1 pt
Basahin ang sipi mula sa awiting-bayan na Manang Biday. Batay sa sipi, alin sa mga sumusunod ang pinakamaliman na pagsusuri sa layunin ng may-akda sa mensaheng nais ipahiwatig?
Sipi:
"Manang Biday, pagbuksan ako
Sa bintana'y sulyapan ako
Nang makita ko ang ganda mo
Ay, mamatay kung maawa."
– Manang Biday
Ilarawan ang magalang na panliligaw ayon sa tradisyon ng mga Ilokano.
Ipakita ang masidhing pagpapahayag ng pag-ibig sa makabagong paraan.
Ilarawan ang kababaihan bilang mahirap abutin at kailangang suyuin.
Ipaunawa na ang pag-ibig ay maaaring magdulot ng matinding pagdurusa.
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Gusto ni Ana isalaysay ang karanasan ng kanyang komunidad sa pagtutulungan tuwing may kalamidad. Pinili niyang gawing awiting-bayan ang kanyang kwento, na may tugmaan at gumagamit ng maingat na talinghaga. Ano ang pinakamakatuwirang dahilan kung bakit mahalaga ang paggamit ni Yna ng mga elemento ng tula sa kanyang awitin?
Upang maging mas madali itong awitin, tandaan, at ipasa sa iba gaya ng tradisyunal na awiting-bayan
Upang makaakit ng mas maraming tagapakinig sa pamamagitan ng makabagong istilo
Upang maisama ito sa isang patimpalak ng malikhaing pagsulat sa kanilang paaralan
Upang mas maging pormal at akademiko ang dating ng kaniyang akda
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Sa epikong Indarapatra at Sulayman, ipinapakita na ang Mindanaw noong unang panahon ay binubuo lamang ng mga kabundukan, at ang mga tao ay naninirahan sa mga lugar na mayaman sa likas na yaman. Anong elemento ng epiko ang makikita o nasasalamin sa bahaging ito?
Tugma
Tauhan
Tagpuan
Sukat
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Sumikat ang panibagong araw sa buhay ng mga biktima ng digmaan. Tukuyin ang naging konotatibong kahulugan ng salitang araw sa pangungusap.
Ito ay nangangahulugang pag-asa.
Ito ay nangangahulugang pagmamahal
Ito ay nangangahulugang malaking bituin
Ito ay nangangahulugang panahon o oras
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Sa kanilang proyekto, may kaklase si Renzo na nais ang lahat ng bahagi ng gawain para sa sarili at ayaw tanggapin ang suhestiyon ng iba. Gusto lamang nitong makuha ang atensyon at papuri ng guro, kahit hindi patas ang pagkakahati ng trabaho. Anong halimaw mula sa epiko ang maaaring ihambing sa ugali ng kaklaseng ito?
Sulayman – na lumalaban para sa katarungan
Tarabusaw – na mapanira at walang malasakit sa iba
Kurita – na matakaw at hindi marunong makuntento
Pah – na mapanlinlang at nagtatago ng tunay na motibo
Access all questions and much more by creating a free account
Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports

Continue with Google

Continue with Email

Continue with Classlink

Continue with Clever
or continue with

Microsoft
%20(1).png)
Apple
Others
Already have an account?