Search Header Logo

Second Quarter Exam - Araling Panlipunan 8

Authored by Jhey Em

History

8th Grade

Used 7+ times

Second Quarter Exam - Araling Panlipunan 8
AI

AI Actions

Add similar questions

Adjust reading levels

Convert to real-world scenario

Translate activity

More...

    Content View

    Student View

30 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Paano nakatulong ang Renaissance sa pagbabago ng pananaw ng mga tao tungkol sa kanilang sarili at sa mundo?

Pinanatili nito ang relihiyosong pananaw at tinutulan ang agham

Nagbigay-diin ito sa kapangyarihan ng Simbahan at tradisyon

Pinahalagahan nito ang tao at karunungan, nagdulot ng mas maraming pagtuklas

Pinalakas nito ang sistemang piyudal at pamumuhay sa bukid

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Ano ang pangunahing dahilan ng paggalugad at pananakop ng mga Europeo sa mga bagong lupain sa Amerika?

Pagpapalawak ng kanilang pananampalatayang Kristiyano

Pagpapakita ng kapangyarihan sa mga bansang Asyano

Pag-iwas sa digmaan sa pagitan ng mga bansang Europeo

Pagpapabuti ng relasyon sa Imperyo ng Ottoman

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Paano nakaapekto ang Meiji Restoration sa posisyon ng Japan laban sa mga bansang Europeo?

Nanatiling hiwalay ang Japan at hindi nakipagkalakalan

Naging moderno at malakas ang Japan upang hindi masakop ng Kanluran

Pinamunuan ng Kanluran ang Japan matapos ang modernisasyon

Bumagsak ang ekonomiya ng Japan dahil sa sobrang modernisasyon

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Ano ang pangunahing layunin ng Meiji Restoration sa Japan noong huling bahagi ng ika-19 na siglo?

Ibagsak ang pamahalaang Tokugawa at gawing kolonya ng Kanluran ang Japan

Ibalik ang kapangyarihan ng emperador at gawing moderno ang Japan batay sa Kanluran

Panatilihin ang pamahalaang pyudal at ihiwalay ang Japan mula sa kalakalan

Itaguyod ang pamumuno ng mga samurai sa politika at ekonomiya

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Ano ang pangunahing epekto ng pagsasara ng Constantinople noong 1453 sa kalakalan ng Europa at Asya?

Nagpatuloy ang direktang kalakalan sa pagitan ng Europa at India

Napilitang humanap ang mga Europeo ng bagong ruta patungong Asya

Naging bukas ang Silk Road para sa lahat ng mangangalakal

Bumaba ang pangangailangan ng mga Europeo sa mga produktong Asyano

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Paano nakaapekto ang mga pagbabago sa panahong Renaissance at Repormasyon sa pag-usbong ng modernong ekonomiya sa Europa?

Naging mas limitado ang kalakalan at mas umasa sa sistemang piyudal

Nagbukas ito ng mga oportunidad sa pangangalakal at pag-usbong ng mga lungsod

bumagsak ang pamilihan dahil sa labis na paniniwala sa relihiyon

napigil ang inobasyon dahil sa paghihigpit ng simbahan

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Bakit mahalagang pag-aralan ang tagumpay ng Meiji Restoration at Himagsikan sa South America para sa kasalukuyang mga bansa?

Ipinapakita nito na ang modernisasyon at nasyonalismo ay maaaring magbigay daan sa kalayaan at kaunlaran

Pinatutunayan nito na mas mainam manatili sa kolonyal na pamahalaan kaysa maghimagsik

Ipinapakita nito na ang monarkiya lamang ang tanging anyo ng matatag na pamahalaan

Nagpapatunay ito na ang pagsuko sa imperyalismo ay nakakapagbigay ng kapayapaan

Access all questions and much more by creating a free account

Create resources

Host any resource

Get auto-graded reports

Google

Continue with Google

Email

Continue with Email

Classlink

Continue with Classlink

Clever

Continue with Clever

or continue with

Microsoft

Microsoft

Apple

Apple

Others

Others

Already have an account?