
VE 7 Q2 Exam
Authored by Sean Pqro
Other
7th Grade

AI Actions
Add similar questions
Adjust reading levels
Convert to real-world scenario
Translate activity
More...
Content View
Student View
40 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Ang mag-asawa ay may dalawang anak. Tuwing gabi, sabay-sabay silang kumakain ng hapunan at nagkukuwentuhan tungkol sa kanilang araw. Ang panganay ay tumutulong sa kanyang ama sa pag-aayos ng mga gamit sa bahay, habang ang bunso ay katuwang ng ina sa pagluluto. Sa ganitong paraan, natututo ang mga anak ng responsibilidad at pagmamalasakit sa isa’t isa. Ano ang uri ng pamilya ang ipinakita sa sitwasyon?
joint na pamilya
blended na pamilya
nukleyar na pamilya
pinalawak na pamilya
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Tuwing gabi, tinitiyak ng tatay na sabay-sabay silang kumakain at nagkakaisa sa panalangin. Kapag may pagkakamaling nagawa ang kanyang mga anak, mahinahon niya itong pinapaliwanag at tinuturuan ng tama. Higit sa lahat, siya ay nagbibigay ng gabay at matibay na halimbawa ng disiplina at pagmamahal. Ano kaya ang tungkulin na ginagampanan ng tatay sa pamilya?
ilaw ng tahanan
haligi ng tahanan
tagapayo sa mga anak
nag-aalaga sa mga anak
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Tuwing Linggo, sabay-sabay nagsisimba ang mag-asawa kasama ang kanilang mga anak. Pagkatapos ng misa, nagtutulungan silang maghanda ng tanghalian sa bahay. Habang kumakain, nagkakatuwaan sila habang nagbabahagian ng kuwento. Sa ganitong paraan, napapalalim ang kanilang ugnayan bilang isang pamilyang may pagkakaisa at pagmamahalan. Ang pamilyang ito ay tinatawag na ____________________.
foster family
child-free family
single-parent family
tradisyonal na pamilya
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Bago matulog, sabay-sabay na nananalangin ang pamilya. Sila ay nagpapasalamat sa mga biyayang natanggap at humihiling ng gabay para sa susunod na araw. Dahil dito, mas nagiging matatag ang kanilang samahan bilang isang pamilya. Ano ang ginagawa ng pamilya tuwing gabi bago matulog?
nanonood ng telebisyon
naglalaro ng online games
sama-samang nananalangin sa Diyos
nag-kwentuhan ng mga plano sa buhay
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Pagdating ng linggo, sabay-sabay nagsisimba ang pamilya at pagkatapos ay nagdarasal sa bahay. Kapag nahihirapan sila sa kanilang desisyon, hinihingi nila ang gabay ng Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Dahil dito, natututo ang isang anak na gamitin ang kanyang konsensya ayon sa turo ng pananampalataya. Anong uri ng konsensya ang naipapakita sa tulong ng pananampalataya ng kanyang pamilya?
mapanghusgang konsensya
konsensiyang walang pakialam
konsensiyang hinubog ng pananampalataya
padalos-dalos ng desisyon gamit ang konsensya
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Napansin ng isang mag-aaral na palaging mainit ang panahon. Tinuturuan sila ng guro na magtanim ng puno at magtipid sa kuryente bilang tugon sa pagbabago ng klima. Sinimulan niyang isabuhay ang mga ito sa kanilang tahanan. Ano ang isa sa mga wastong pagtugon niya sa pagbabago ng klima?
maglinis sa bakuran
pagtatanim ng puno sa paligid
pagsusunog ng basura sa bakuran
pagpapatakbo ng aircon buong araw
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Sa Araw ng Kalayaan, sabay-sabay na naglalagay ng watawat ng Pilipinas sa harap ng bahay ang isang pamilya. Tinuturuan ng mga magulang ang kanilang mga anak na igalang ang mga bayani at mahalin ang sariling wika. Naniniwala silang ang simpleng paggalang sa watawat ay tanda ng pagmamahal sa bayan. Ano ang isang paraan ng pamilya sa pagtupad ng tungkulin bilang pamilyang Pilipino?
Paggalang at pagsunod ng batas
Pag-iwas sa mga usaping Makabayan
Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa ibang bansa
Paglalagay ng watawat ng Pilipinas sa harap ng bahay
Access all questions and much more by creating a free account
Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports

Continue with Google

Continue with Email

Continue with Classlink

Continue with Clever
or continue with

Microsoft
%20(1).png)
Apple
Others
Already have an account?