Search Header Logo

Pagsusuri ng mga Teksto

Authored by Rachel Briñes

Other

6th Grade

Used 1+ times

Pagsusuri ng mga Teksto
AI

AI Actions

Add similar questions

Adjust reading levels

Convert to real-world scenario

Translate activity

More...

    Content View

    Student View

10 questions

Show all answers

1.

OPEN ENDED QUESTION

3 mins • 1 pt

Isang araw, nang maghahanda na sa pagluluto ay nagtanong si Pinang sa kanyang ina kung nasaan ang sandok. Sa katatanong ni Pinang ay nasuya si Aling Rosa kaya nasabi niya na, "Naku Pinang! Sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang lahat ng bagay ay makita mo at hindi ka tanong ng tanong!" Umalis si Pinang upang hanapin ito. Kinagabihan, nag-alala si Aling Rosa dahil hindi pa bumalik si Pinang. Isang araw, habang nagwawalis si Aling Rosa may nakita siyang isang halaman na bago lamang sa kanyang paningin. Binunot niya ito at itinanim sa halamanan. Nang lumaki ito, nagulat si Aling Rosa na ito ay hugis ulo na napalilibutan ng maraming mata. Naalala ni Aling Rosa ang huling sinabi niya sa nawawalang anak at noon ay napagtanto niya na nangyari kay Pinang ang kanyang sinabi. Tinawag niya itong Pinang na kalaunan ay tinawag na Pinya.

Evaluate responses using AI:

OFF

2.

OPEN ENDED QUESTION

3 mins • 1 pt

Noong bata pa si Manuel Luis Quezon ay lagi siyang kasama ng kanyang ama sa bukid. Gustong-gusto niyang sumama rito. Isang araw ay may napansin siya. "Tatay, Bakit po kulay ginto na ang mga palay?", tanong niya sa ama. "Bakit po nakayuko na ang mga uhay?", dagdag pa niya. "Malapit na kasing anihin ang mga palay kaya kulay ginto na ang mga ito.", sagot ng kanyang ama. "Salatin mo ang mga uhay.", utos nito kay Manuel. "Mataba po ang mga nakayukong uhay. Wala pong laman at payat ang mga nakatuwid na uhay.", sagot ni Manuel. "Ganyan dapat ang tao Manuel. Mababa ang loob kahit maraming alam at maraming katangian." Matagal na nag-isip si Manuel saka tumango.

Evaluate responses using AI:

OFF

3.

OPEN ENDED QUESTION

3 mins • 1 pt

May ibong uwak na nakakita ng karne na nakabilad sa araw. Tinangay niya ito at lumipad nang malayo. Sa dulo ng sanga ng isang puno, sinimulan niyang kainin ang karne. Ngunit narinig niya ang malakas na boses ng isang aso na nagsabi, "Sa lahat ng ibon, ang uwak ang pinaka-magaling. Walang kakumpara!" Natuwa ang uwak at ibinuka ang bibig para humalakhak. Nalaglag ang karne mula sa kanyang bibig at nahulog ito sa lupa kung saan kaagad sinunggaban ng aso.

Evaluate responses using AI:

OFF

4.

OPEN ENDED QUESTION

3 mins • 1 pt

Ang yugto ng buhay ng paru-paro ay nagsisimula sa pagiging itlog na kapag napisa ay nagiging uod. Kapag uod pa lamang ay iniiwasan dahil perwisyo ito sa mga pananim at kinakain nito ang mga dahon. Matagal itong natutulog at nagpapatubo ng pakpak. Paglabas ng uod ay isa ng kaakit-akit na paru-paro.

Evaluate responses using AI:

OFF

5.

OPEN ENDED QUESTION

3 mins • 1 pt

Nagsimula ang kasaysayan ng Pilipinas nang dumating ang mga sinaunang tao sa pamamagitan ng mga tulay na lupa 67,000 taon na ang nakalilipas. Ang unang tala ng pagbisita na mula sa Kanluran ay ang pagdating ni Ferdinand Magellan sa pulo ng Homonhon, sa timog-silangan ng Samar noong ika-16 Marso 1521. Nagtayo sila ng mga permanenteng paninirahan sa Cebu kasabay ng ekspedisyon ni Miguel Lõpez de Legazpi noong 1565 at marami pang mga paninirahan ang itinatag pa-hilaga hanggang sa maabot ng mga kolonyalista ang Look ng Maynila sa pulo ng Luzon. Nagtatag ng isang lungsod sa Maynila at dito nagsimula ang panahon ng kolonisasyon ng Espanya na nagtagal ng mahigit tatlong siglo.

Evaluate responses using AI:

OFF

6.

OPEN ENDED QUESTION

3 mins • 1 pt

Isang araw, nang maghahanda na sa pagluluto ay nagtanong si Pinang sa kanyang ina kung nasaan ang sandok. Sa katatanong ni Pinang ay nasuya si Aling Rosa kaya nasabi niya na, "Naku Pinang! Sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang lahat ng bagay ay makita mo at hindi ka tanong ng tanong!" Umalis si Pinang upang hanapin ito. Kinagabihan, nag-alala si Aling Rosa dahil hindi pa bumalik si Pinang. Isang araw, habang nagwawalis si Aling Rosa may nakita siyang isang halaman na bago lamang sa kanyang paningin. Binunot niya ito at itinanim sa halamanan. Nang lumaki ito, nagulat si Aling Rosa na ito ay hugis ulo na napalilibutan ng maraming mata. Naalala ni Aling Rosa ang huling sinabi niya sa nawawalang anak at noon ay napagtanto niya na nangyari kay Pinang ang kanyang sinabi. Tinawag niya itong Pinang na kalaunan ay tinawag na Pinya.

Evaluate responses using AI:

OFF

7.

OPEN ENDED QUESTION

3 mins • 1 pt

Noong bata pa si Manuel Luis Quezon ay lagi siyang kasama ng kanyang ama sa bukid. Gustong-gusto niyang sumama rito. Isang araw ay may napansin siya. "Tatay, Bakit po kulay ginto na ang mga palay?", tanong niya sa ama. "Bakit po nakayuko na ang mga uhay?", dagdag pa niya. "Malapit na kasing anihin ang mga palay kaya kulay ginto na ang mga ito.", sagot ng kanyang ama. "Salatin mo ang mga uhay.", utos nito kay Manuel. "Mataba po ang mga nakayukong uhay. Wala pong laman at payat ang mga nakatuwid na uhay.", sagot ni Manuel. "Ganyan dapat ang tao Manuel. Mababa ang loob kahit maraming alam at maraming katangian." Matagal na nag-isip si Manuel saka tumango.

Evaluate responses using AI:

OFF

Access all questions and much more by creating a free account

Create resources

Host any resource

Get auto-graded reports

Google

Continue with Google

Email

Continue with Email

Classlink

Continue with Classlink

Clever

Continue with Clever

or continue with

Microsoft

Microsoft

Apple

Apple

Others

Others

Already have an account?