wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Balik-aral para sa Pagsusulit sa Filipino

Total questions: 25

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.
Si kuya ay nagpakita ng kasipagan sa pag-aaral. Alin ang pangngalang basal?
a)
kuya
b)
pag-aaral
c)
nagpakita
d)
kasipagan
2.
Aling pangungusap ang gumagamit ng tatlong pangngalan?
a)
Mahusay siya sa Matematika.
b)
Kinuha ni Francis ang mga papel.
c)
Siya ang nagdala ng pagkain at inumin sa mga bata.
d)
Ayusin mo na ang mga damit mo sa kuwarto.
3.
Aling konsepto ang mali ang sinasabi tungkol sa pangngalan?
a)
Ang mga pangngalang pambalana ay sinusulat gamit ang maliit na titik.
b)
Ang mga pangngalang tahas ay maaaring pantangi.
c)
Ang mga pangngalang pantangi ay isinusulat sa malaking titik
d)
Ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, pangyayari at kaisipan.
4.
Anong uri ng pangngalan ang mga sumusunod?
talino, pag-ibig at kapayapaan
a)
tahas
b)
basal
c)
pantangi
d)
lansakan
5.
Aling pangungusap ang may tuwirang layon?
a)
Si Addie ang pinuno ng aming klase.
b)
Nagbigay siya ng donasyon sa Alay Kapwa.
c)
Si Mark ang nagpinta nito.
d)
Cedric, pakiayos mo na ang mga ito.
6.
Ito ang mga pangngalang nagiging paksa/pinag-uusapan sa pangungusap?
a)
simuno
b)
pamuno
c)
panawag
d)
kaganapang pansimuno
7.
Ito ang mga pangngalan nagpapakita ng kalahatan o kaisahan ng mga pangngalan.
a)
basal
b)
tahas
c)
lansakan
d)
pambalana
8.
Siya ay nagbibigay ng mga kendi para sa lootbags ng kanilang klase.
Alin ang pangngalang lansakan?
a)
siya
b)
kendi
c)
klase
d)
lootbags
9.
Ito ang mga salitang ipinapalit sa pangngalan at panghalip.
a)
pang-abay
b)
pang-uri
c)
pandiwa
d)
panghalip
10.
Alin ang panghalip panao na nasa unang panauhan at maramihan?
a)
kayo
b)
akin
c)
tayo
d)
sila
11.
Aling pangungusap ang gumagamit ng panghalip panaklaw?
a)
Sino ang kumain ng tsokolate?
b)
Ang iba ay umalis na kahapon.
c)
Kunin mo na ang mga aklat.
d)
Ito ang dalang bag ni Mike.
12.
Aling mga panghalip ang nabibilang sa iisang uri?
a)
kami, tayo, akin, at iba
b)
madla, pawang, ilan at sinoman
c)
iyo, ako, mo at saan
d)
ito, ganyan, hayan, at doon
13.
Sila ang nagbigay nitong mga bagong gamit sa mga bata.
Ilan ang ginamit na panghalip?
a)
1
b)
2
c)
3
d)
4
14.
Anong panghalip pananong ang dapat gamitin upang malaman mo ang tagpuan sa isang kwento?
a)
Sino
b)
Saan
c)
Ano
d)
Ilan
15.
Ang mga bata ang naatasang magplano para sa Araw ng mga Guro.
Anong panghalip panao ang maaaring ipalit sa paksa?
a)
Tayo
b)
Sila
c)
Inyo
d)
Kami
16.
Nagbakasyon ang aming pamilya sa Boracay noong nakaraang buwan?
Aling panghalip pananong ang angkop sa diwa ng pangungusap?
a)
Kanino ang bakasyon sa Boracay?
b)
Ilan ang nagbakasyon sa pamilya?
c)
Sino ang nagbakasyon sa Boracay noong nakaraang buwan?
d)
Bakit nagbakasyon ang kanilang pamilya sa Boracay?
17.
Ano ang pangunahing diwa?
a)
Ito ang pangungusap na nagsasabi ng detalye.
b)
Ito ang nagsasabi ng detalye ng talata.
c)
Ito ang pangkalahatang kaisipan ng isang talata.
d)
Ito ang mga pangungusap na sumusuporta sa paksa.
18.
Ang mga Pilipino ay likas na mabuti lalo na sa pagtanggap ng bisita. Magiliw sila sa kanilang mga bisita. Sinisigurado nila na maayos at maginhawa ang kalagayan ng mga panauhin. Ito ang tinatawag na Filipino hospitality.
Ano ang pangunahing diwa ng talata?
a)
Magiliw sila sa kanilang mga bisita.
b)
Natural na mabait sa mga bisita ang mga Pilipino.
c)
Gusto ng mga Pilipino na mababait ang mga bisita.
d)
Naiiba ang pagtanggap ng mga Pilipino sa bisita.
19.
Ito ang resulta o kinalabasan ng isang pangyayari.
a)
sanhi
b)
diwa
c)
bunga
d)
dahilan
20.
Mahusay sa klase at mabait si Marco. 
Ano ang maaaring bunga ng sitwasyon?
a)
Mababa ang grado niya.
b)
Marami siyang kaibigan.
c)
Gusto ng mga magulang niya na manguna siya.
d)
Likas kay Marco ang pagiging mabuti.
21.
Siya ay mabuti at maaasahang kaibigan ng lahat ng mga bata.
Aling pangungusap ang sumusuportang detalye sa pahayag?
a)
Lagi siyang pinagkakatiwalaan ng mga guro.
b)
Natutuwa ang kanyang mga magulang sa kanyang pag-aaral.
c)
Minsan na siyang nakipagtalo sa mga kaklase nananaway sa kanya.
d)
Handa siyang magbigay ng tulong kahit hindi mo sabihin sa kanya ang iyong kailangan.
22.
Pinilit ni Addie na magtapos ng pag-aaral kahit mahirap lamang sila.
Ano ang maaaring sanhi ng sitwasyon?
a)
Nakatapos siya ng kanyang pag-aaral.
b)
Natuwa nang lubos ang kanyang mga magulang.
c)
Gusto niyang makaahon sila sa kahirapan.
d)
Nawalan siya ng pag-asa at nagtrabaho na lang.
23.
Aling pangungusap ang gumagamit ng salitang "ama" bilang kaganapang pansimuno?
a)
Ama, tulungan ninyo po kami sa aming suliranin.
b)
Si Ama ang unang nagturo sa amin ng kagandahang asal?
c)
Si Tatay Marco ay isang mapagmahal na ama sa amin.
d)
Para sa iyong ama ang bagong bing sinturon na ito.
24.
Aling pangngalan ang naiiba sa pangkat?
a)
tahas
b)
basal
c)
pantangi
d)
lansakan
25.
Ano ang nangyayari kapag ang mga panghalip pananong ay dingdagan ng pantig na "MAN"?
a)
nagiging panao
b)
nagiging pangngalan
c)
nagiging pamatlig
d)
nagiging panaklaw