NEW
Font size
S
M
L
XL
WorksheetsFIL 9 :D
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Name
Class
Date
1.
Tauhang nagkaroon ng pagbabago sa katangian o ugali sa daloy ng kuwento. Anong uri ng tauhan ito?
a)
antagonista
b)
bilog
c)
protagonista
d)
lapad
2.
Elemento ng Nobelang pinapakita ang daloy ng mga pangyayari sa kuwento. Ano ito?
a)
kasukdulan
b)
simula
c)
banghay
d)
wakas
3.
Pangunahing tauhang itinuturing na nagbibigay kulay at/o sagabal sa kabuuan ng kuwento. Ano ito?
a)
tagapagsalaysay
b)
protagonista
c)
suportang tauhan
d)
antagonista
4.
Uri ng tunggalian na ang sagabal o kasawian ng tauhan ay dulot ng kanyang kapwa. Ano ito?
a)
tao laban sa tao
b)
tao laban sa sarili
c)
tao laban sa lipunan
d)
tao laban sa kalikasan
5.
Ano ang uri ng tauhang walang naging pagbabago sa kanyang ugali sa kabuuan ng kuwento?
a)
lapad
b)
bilog
c)
protagonista
d)
antaganista
6.
Pinapakita na ang suliranin sa kuwento ay ang paghingi ng pantay na karapatan ng mga tao sa ating bansa. Ano ito?
a)
tao laban sa sarili
b)
tao laban sa lipunan
c)
tao laban sa tao
d)
tao laban sa kalikasan
7.
Ang mga pangyayari sa akdang pampanitikang ito ay naganap sa mahabang panahon at maraming lugar. Ano ito?
a)
maikling kuwento
b)
epiko
c)
nobela
d)
tula
8.
Paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin na hindi lantad na sinasabi ang mensahe. Ano ito?
a)
nagpapahiwatig
b)
diretsahan
c)
sambitla
d)
padamdam
9.
Ano itong pangungusap na walang paksa na nagpapahayag ng matinding damdamin?
a)
padamdam
b)
sambitla
c)
ekspresyon
d)
nagpapahiwatig
10.
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pangungusap na nagpapahayag ng tiyak na emosyon o damdamin.?
a)
Sayang! 'Di ako umabot sa 75% Sale.
b)
Mag-isip muna bago mo gawin.
c)
Hala! Nahulog ang bata.
d)
Ipasa ang mga takdang-aralin.
11.
Uri ng pahayag na sinusuportahan ng mga impormasyong sinaliksik at mga ebidensiya. Ano ito?
a)
katotohanan
b)
opinyon
c)
pananaliksik
d)
sinabi ng guro :P
12.
Ano ang tawag sa uri ng pahayag na mula sa ideya ng tao; kanyang ipinahayag bilang reaksiyon sa isang paksa o isyu?
a)
pananaw
b)
kaisipan
c)
opinyon
d)
may masabi lang (mema lang)
13.
Bahagi ng pagsusuri sa isang tula na gumagamit ng mga bagay o ideya na may ibang representasyon tungkol sa buhay. Ano ito?
a)
larawan
b)
simbolo
c)
diwa
d)
secret >:D
14.
Itinuturing na tagasalaysay o ispiker ng kanyang likhang tula. Maaaring ang may-akda o ibang katauhan. Ano ito?
a)
tagasalaysay
b)
persona
c)
konsensiya (kung meron)
d)
mambabasa
15.
Bahagi ng pagsusuri ng tula na tumatalakay sa kabuuang kaisipan ng tula na maaaring tungkol sa buhay, kahirapan, moralidad, at iba pa. Ano ito?
a)
paksa
b)
talasalitaan
c)
simbolo
d)
pagpapahalagang-pangkatauhan
Reset
