wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Diwang Makabansa

Total questions: 25

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang naging epekto ng mga kaisipang liberal sa mga Pilipino?

a)

Madaling nakapapasok ang mga dayuhan sa Pilipinas.

b)

Maraming Pilipino ang pumuntang Europa at piniling manirahan doon.

c)

Nagbukas ang pandaigdigang kalakalan kaya maraming Pilipino ang yumaman.

d)

Namulat sila sa mga pangyayari sa ibang bansa at ang kahalagahan ng pagiging malaya.

2.

Bakit nakabuti ang pagbubukas ng Suez Canal sa mga Pilipino?

a)

Tumaas ang antas (status) nila sa lipunan.

b)

Maraming sa kanila ang nakapagtapos ng pag-aaral.

c)

Bumilis ang komunikasyon at paglalakbay patungong Europa.

d)

Maraming paring sekular ang sinanay sa mga paaralan sa Espanya.

3.

Sino ang mga mga Ilustrado?

a)

Mga Pilipinong naging negosyante

b)

Mga Pilipinong ipinangananak sa Espanya

c)

Mga Pilipinong nakapag-aral sa ibang bansa

d)

Mga Pilipinong lumaban para sa sekularisasyon

4.

Sino ang HINDI maituturing na Ilustrado?

a)

Jose Rizal

b)

Marcelo del Pilar

c)

Carlos dela Torre

d)

Graciano Lopez-Jaena

5.

Sino ang paring nanguna sa kilusang Sekularisasyon upang ipaglaban ang karapatan ng mga paring Pilipino upang magkaroon ng sariling parokya?

a)

Jose Burgos

b)

Pedro Pelaez

c)

Jacinto Zamora

d)

Mariano Gomez

6.

Bakit naganap ang pag-aalsa sa Cavite laban sa pamahalaang Espanyol?

a)

Dahil sa pagpatay sa Gomburza

b)

Dahil sa paghihigpit sa mga Pilipino

c)

Dahil sa pang-aabuso sa mga paring Pilipino

d)

Dahil sa pagtatanggal kay Gob. Hen. Carlos de la Torre

7.

Anong pangyayari ang HINDI nakatulong upang magkaroon ng Diwang Makabansa/Nasyonalismo ang mga Pilipino?

a)

Pinagbintangan at pinatay ang Gomburza.

b)

Nabuksan ang Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan.

c)

Natutunan ng mga Pilipino ang mga kaisipang liberal.

d)

Natalo ang mga pag-aalsa laban sa pamahalaang Espanyol

8.

Bakit binitay sa pamamagitan ng garote ang GOMBURZA?

a)

Napagbintangan silang nanguna sa pag-aalsa sa arsenal ng Cavite noong 1872.

b)

Hindi nila ginagampanan ang kanilang tungkulin bilang mga pari.

c)

Maraming Pilipino ang hindi na nagsisimba dahil sa kanila.

d)

Pasikreto nilang siniraan ang Katolisismo sa mga Pilipino.

9.

Bakit itinuring na martir ang mga paring GOMBURZA?

a)

Dahil ipinagtanggol nila ang karapatan ng mga Pilipino upang makapag-aral

b)

Dahil namatay sila sa pagtatanggol ng karapatan ng mga paring Pilipino

c)

Dahil namigay sila ng pagkain at damit sa mga mahihirap

d)

Dahil ipinagtanggol nila ang karapatan ng mga Espanyol

10.

Sino ang tinawag na “Lakambini ng Katipunan”?

a)

Gabriela Silang

b)

Melchora Aquino

c)

Gregoria de Jesus

d)

Josefa Llanes Escoda

11.

Kung si Jose Rizal ang sumulat ng nobelang Noli Me Tangere, sino ang sumulat ng tulang “Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa”?

a)

Andres Bonifacio

b)

Emilio Jacinto

c)

Graciano Lopez-Jaena

d)

Jose Burgos

12.

Alin ang pangunahing ipinaglaban ng K.K.K.?

a)

Makapag-aral ang lahat ng Pilipino

b)

Pantay na karapatan para sa mga Pilipino

c)

Pagiging malaya ng Pilipinas mula sa Espanya

d)

Pagkakaroon ng parokya ng mga paring sekular

13.

Diskriminasyon sa lahing Pilipino ang pinagmulan ng isyu ng sekularisasyon.

a)

Tama

b)

Mali

14.

Mga mestizo lamang ang naging mga ilustrado.

a)

Tama

b)

Mali

15.

Nakatulong ang edukasyon para mamulat ang mga Pilipino sa totoong kalagayan ng bansa at sa maling pamamalakad at pagtrato sa kanila ng mga Espanyol.

a)

Tama

b)

Mali

16.

Pangunahing layunin ng Katipunan na magkaroon ng mga reporma o pagbabago sa Pilipinas.

a)

Tama

b)

Mali

17.

Lumaban ang mga Propagandista gamit ang lihim na samahan samantalang panulat naman ang ginamit ng mga Katipunero.

a)

Tama

b)

Mali

18.

Si Andres Bonifacio ang kinilalang “Utak ng Katipunan”.

a)

Tama

b)

Mali

19.

Itinatag ang Katipunan dahil HINDI nagtagumpay ang Kilusang Propaganda.

a)

Tama

b)

Mali

20.

Ang pagkakaroon ng Diwang Makabansa ay katumbas din ng pagmamahal para sa iyong bansang pinagmulan.

a)

Tama

b)

Mali

21.

Pangkatin ang katangian ng Kilusang Propaganda at Katipunan.


Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. Del Pilar

a)

Kilusang Propaganda

b)

Katipunan

22.

Pangkatin ang katangian ng Kilusang Propaganda at Katipunan.


Paggamit ng Sistemang Trianggulo

a)

Kilusang Propaganda

b)

Katipunan

23.

Pangkatin ang katangian ng Kilusang Propaganda at Katipunan.


Paggamit ng talino at panulat sa pakikipaglaban.

a)

Kilusang Propaganda

b)

Katipunan

24.

Pangkatin ang katangian ng Kilusang Propaganda at Katipunan.


Gawing probinsya ang Pilipinas.

a)

Kilusang Propaganda

b)

Katipunan

25.

Pangkatin ang katangian ng Kilusang Propaganda at Katipunan.


Maging malaya ang Pilipinas sa pananakop ng Espanya.

a)

Kilusang Propaganda

b)

Katipunan