NEW
Font size
WorksheetsFilipino 8
Total questions: 30
Worksheet time: 23mins
1.Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas o pantay na katangian
a. paghahambing
b.paghahambing na Magkatulad
c. paghahambing na Di-magkatulad
d. palamang
2.Ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may magkaibang katangian.
a. paghahambing
b. paghahambing na Magkatulad
c. paghahambing na Di-Magkatulad
d. palamang
3.______ ang pag-uri kung ang inihahambing ay may mas maliit o mas mababang katangian. Gumagamit ito ng mga salitang tulad ng di-gaano, di-totoo, di-lubha, o di-gasino.
a. pasahol
b. paghahambing na Magkatulad
c. paghahambing na Di- Magkatulad
d. palamang
4.______ kung ikinu-kumpara ay may mas mataas o nakahihigit na katangain. Gumagamit ito ng mga salitang higit, lalo, mas, labis, at di-hamak.
a. pasahol
b. paghahambing na Magkatulad
c. paghahambing na Di-Magkatulad
d. palamang
5.Piliin ang M kung ang paghahambing ay magkatulad at DM kung hindi magkatulad.
Malinaw na makikita sa kaysaysayan ng bansa gaya ng iba pang lahi, ang mga katutubong Pilipino ay may marangal na pinagmulan.
6.Piliin ang M kung ang paghahambing ay magkatulad at DM kung hindi magkatulad.
Higit na mabuting alamin ang pagkakakilanlan ng isang tunay na Pilipino kaysa sa ipagwalang-bahala ito.
7.Piliin ang M kung ang paghahambing ay magkatulad at DM kung hindi magkatulad.
Magkakasintayog ang karunungang-bayang taglay ng mga magkakalapit na bansang Asyano.
8.Piliin ang M kung ang paghahambing ay magkatulad at DM kung hindi magkatulad.
Marahil dahil pareho sila ng pinagmulang kultura sa simula pa lamang ng kasaysayan
9.Piliin ang M kung ang paghahambing ay magkatulad at DM kung hindi magkatulad.
Labis na kahanga-hanga ang kultura at tradisyon ng unang tribo kaysa sa ikalawa.
10.Piliin sa ibaba ang hindi angkop sa pahayag. Ang karunungang-bayan ay _____.
a.bahagi ng katutubong panitikan ng
mga Pilipino
b.nagpapamalas ng talas at tayog ng
kaisipan ng ating mga ninuno
c.sinasabing ito ay pinag-ugatan ng
panulaang Pilipino
d.nagbibigay daan upang maipahayag
ang kaisipang nakabilang sa bawat kultura ng isang tribo
11.Ang ______
ay ang mga butil ng karunungang nagsisilbing batas o tuntunin ng
kagandahang asal ng ating mga ninuno, kadalasang nagtataglay ng
sukat at tugma.
a. salawikain
b.sawikain
c.tula
d. awit
12.Piliin ang
tsek (/) kung ang pahayag ay salawikain at ekis (×) kung kasabihan.
Ang pag-aasawa ay hindi parang kaning isusubo na iluluwa kapag napaso.
13.Piliin ang
tsek (/) kung ang pahayag ay salawikain at ekis (×) kung kasabihan.
Kung ano ang lakad ng alimangong matanda ay siya ring lakad ng alimangong bata.
14.Piliin ang
tsek (/) kung ang pahayag ay salawikain at ekis (×) kung kasabihan.
Habang maigsi ang kumot, matutong mamaluktot.
15.Piliin ang
tsek (/) kung ang pahayag ay salawikain at ekis (×) kung kasabihan.
Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga.
16. Ano ang tawag sa mga mahihinay na salita o pahayag na ipinapalit upang maiwasan ang makasakit ng damdamin?
a. eupemismo
b.sawikain
c.salawikain
d.tula
17.Ang _____ ay karaniwang binubuo ng salita o parirala na nagbibigay ng malalim na kahulugan.
a. eupemismo
b. sawikain
c. salawikain
d. tula
18.Para hindi mabigla ang kausap sa pagkamatay ng isang mahal sa buhay, maaaring sabihing:
i. Sumakabilang buhay
ii. Iniwan na niya tayo
iii. Patay na siya
iv. Tapos na ang kanyang paghihirap
a. I,III at IV
b. II, III, at IV
c. I, III, at IV
d. I, II, at IV
19.Para maging mas malambot o mas magaan ang dating ng sasabihin, sa halip na sabihing "gutom na ako," maaaring gamitin ang sumusunod maliban sa:
i. Hindi ba kayo, nagugutom?
ii. Kumain na kayo ng almusal?
iii. Maganda siguro, kumain na tayo.
iv. Kumain na tayo, gutom na ako.
a. I
b. II
c. III
d. IV
20. Ang _____ ay mga tulang nilagyan ng musika.
a. awit
b. tula
c. soneto
d. soliranin
21. Ito ang tawag sa magkakasintunog na salita sa huling pantig sa bawat taludtod ng isang salita.
a. awit
b. tula
c. tugmaan
d. bugtong
22.Sagutan ang bugtong sa ibaba.
Nagtanim ako ng isip, sa ilalim ng tubig,
Daho'y makikitid, bunga'y matutulis.
a. palay
b. upo
c. mangga
d. sampalok
23.Piliin ang angkop na mensahe sa pahayag.
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan,
Hindi makakarating sa paroroonan.
a. pagbalik sa pinaggalingan
b. pagtanaw ng utang na loob
c. paglingon sa pinagdaanan
d. paggunita sa nakaraan
24.Piliin ang tsek (/) kung wasto ang kaisipan/konsepto at ekis (×) kung mali.
Kabilang ang salawikain sa mga unang anyo ng katutubong tula.
25.1. Piliin ang tsek (/) kung wasto ang kaisipan/konsepto at ekis (×) kung mali.
Awit sa pagpapatulog ng bata ang soliranin.
26.1. Piliin ang tsek (/) kung wasto ang kaisipan/konsepto at ekis (×) kung mali.
Nakatutulong ang mga awiting-bayan sa paglalarawan ng kulturang Pilipino.
27.Tingnan ang larawan. Sa iyong palagay, dapat ba o hindi dapat na ipagpatuloy ang nakagawiang ito ng mga Pilipino katulad ng pamamanhikan?
a. Oo, dahil ito ay napakagandang kaugalian at mahalagang pamana ng ating mga ninuno.
b. Oo, dahil mahalaga ang pag-aasawa
c. Hindi, dahil may mga makabago na tayong pamamaraan at hindi na dapat pinahahalagahan ang makaluma
d. Hindi, dahil sa panahon ngayon marami ng pagbabagong nagaganap
28 Tukuyin ang kahulugan ng mga salita/pariralang may salungguhit.
Si Samuel, ang bugtong na anak ng mag-asawang sina Aling Charisma at Mang Noel.
a. panganay
b. kaisa-isa
c. kahuli-hulihan
d. panggitna
29. Handa na si Samuel na pangalagaan ang kanilang pugad ng pagmamahalan.
a. bahay
b. bakuran
c. tahanan
d. kahoy
30.Naging matapat si Samuel sa paghingi ng kamay ni Ruth.
a. tuluyang pamamaalam
b. paglalahad ng intensyon
c. pagbibigay ng permiso
d. pagpapaalam na magpapakasal
