NEW
Font size
Worksheets4th Quarterly Assessment (AP 3)
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
1. Ang __________ ang kabuuang lagay ng mga kabuhayan sa isang lugar.
A. Ekonomiya
B. Kalakalan
C. Serbisyo
2. Ano ang tawag sa mga bagay na ipinagbibili sa mga palengke, tindahan, mall, at kung saan-saan pa?
A. Hanapbuhay
B. Kalakalan
C. Kalakal
3. Ito ay tumutukoy sa kahit anong gawain na pinagkakakitaan ng tao.
A. Hanapbuhay
B. Kalakalan
C. Kalakal
4. Ano ang tawag sa pagpapalitan ng kalakal ng dalawang lugar o higit pa?
A. Hanapbuhay
B. Kalakalan
C. Kalakal
5. Ito ay proseso ng pagagwa ng mga produkto.
A. Hanapbuhay
B. Produksyon
C. Kalakal
6. Ano ang hilaw na kalakal?
A. Ang hilaw na kalakal ay ang mga ipinagbibiling likas na yamang hindi pa nalilinang o nagagawa.
B. Ang hilaw na kalakal ay ang mga likas na yaman na nalinang na o nagawa na.
C. Ang hilaw na kalakal ay ang mga bagay na likas na hindi ipinagbibili
7. Ano naman ang produkto?
A. Ang produkto ay ang mga ipinagbibiling likas na yamang hindi pa nalilinang o nagagawa.
B. Ang produkto ay ang mga likas na yaman na nalinang na o nagawa na.
C. Ang produkto ay ang mga bagay na likas na hindi ipinagbibili
8. Tukuyin kung ang larawan ay hilaw na kalakal o produkto
hilaw na kalakal
produkto
9. Tukuyin kung ang larawan ay hilaw na kalakal o produkto
hilaw na kalakal
produkto
10. Tukuyin kung ang larawan ay hilaw na kalakal o produkto
hilaw na kalakal
produkto
11. Ano ang kalakalan?
A. Ang kalakalan ay ang paggawa ng produkto
B. Ang kalakalan ay ang kabuuang lagay ng kabuhayan
C. Ang kalakalan ay ang pagpapalitan ng produkto o kalakal ng bawat lugar.
12. Saang lugar ang may pinakamalawak na taniman ng pinya?
A. Maynila
B.Laguna
C. Bukidnon
13. Ano ang tawag sa mga produkto o kalakal ng mga Pilipino na ipinagbibili sa ibang bansa?
A. import
B.export
C. teleport
14. Ano naman ang tawag sa mga produkto o kalakal na binibili ng Pilipinas mula sa ibang bansa?
A. import
B.export
C. teleport
15. Saan matatagpuan ang malawak na taniman ng mga palay?
A. Gitnang Luzon
B. NCR
C. CAR
16. Ano ang pinakapayak na yunit ng pamahalaan?
A. Lalawigan
B. Barangay
C. Bayan
17. Ano ang tawag sa pamahalaan sa mga lalawigan?
A. Pamahalaang panlalawigan
B. Pamahalaang pambayan
C. Pamahalaang pangbansa
18. Ano naman ang tawag sa pamahalaan sa mga lungsod o munisipalidad?
A. Pamahalaang panlalawigan
B. Pamahalaang pambayan
C. Pamahalaang pangbansa
19. Sino ang pinuno ng pamahalaang panlalawigan?
A. Gobernador
B. Alkalde o mayor
C. Punong barangay
20. Sino ang pinuno ng pamahalaang pambayan?
A. Gobernador
B. Alkalde o mayor
C.punong barangay
21. Magpahinga nang sapat na oras.
A. Tungkuling pansarili
B. Tungkuling pampamilya
C.Tungkuling panlipunan
22. Sundin ang mga batas o ordinansa na itinakda para sa kapayapaan
A. Tungkuling pansarili
B. Tungkuling pampamilya
C.Tungkuling panlipunan
23. Igalang ang mga magulang at mga nakakatandang kasapi ng pamilya.
A. Tungkuling pansarili
B. Tungkuling pampamilya
C.Tungkuling panlipunan
24. Tumulong sa mga gawaing pantahanan.
A. Tungkuling pansarili
B. Tungkuling pampamilya
C.Tungkuling panlipunan
25. Mahalin ang Pilipinas higit pa sa ano pa mang bansa.
A. Tungkuling pansarili
B. Tungkuling pampamilya
C.Tungkuling panlipunan
