wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Kabihasnang Tsino

Total questions: 35

Worksheet time: 26mins

Name
Class
Date
1.

Anong watawat ang ipinapakita sa larawan?

a)

China

b)

Malaysia

c)

Japan

d)

Korea

2.

Anong bansa ang ipinapakita sa larawan?

a)

Pilipinas

b)

Japan

c)

China

d)

Indonesia

3.

Ito ang pinakamahabang ilog sa buong Asya at pangatlo naman sa pinakamahabang ilog sa buong mundo.

a)

ilog Indus

b)

ilog Huang Ho

c)

ilog Yangtze

d)

ilog Ganges

4.

Ang ilog na ito ay tinatawag ding “pighati ng Tsina” dahil sa malapad, malakas at madalas itong umapaw at magdala ng nakapipinsalang baha.

a)

ilog Huang Ho

b)

ilog Yangtze

c)

ilog Indus

d)

ilog Tigris

5.

Noong 4000 BCE, nagsimulang manirahan ang mga Tsino sa tabi ng Ilog Huang Ho. Ano ang kanilang pangunahing hanapbuhay?

a)

Pagtatanim at pangingisda

b)

Pagmimina at paggawa ng mga kagamitang yari sa ginto

c)

Pagiging mga Professional

d)

Wala sa nabanggit

6.

Pinaniniwalaan ng mga Tsino na sila ang sentro ng daigdig kaya tinawag nila ang kanilang bayan na Zhung-Guo. Ano ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit?

a)

Huling kaharian

b)

Unang kaharian

c)

Gitnang kaharian

d)

Walang kaharian

7.

Ito ay paraan ng pagpapamana o pagsasalin-salin ng kapangyarihan ng namumuno mula din sa loob ng kanilang pamilya o angkan.

a)

Dinastiya

b)

Demokrasya

c)

Oligarkiya

d)

Diktadorya

8.

Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga Dinastiyang naitatag sa Tsina maliban sa

a)

Dinastiyang Sui

b)

Dinastiyang Zhou

c)

Dinastiyang Tang

d)

Dinastiyang Mugol

9.

Ano ang kauna-unahang dinastiyang naitatag sa kasaysayan ng Tsina?

a)

Dinastiyang Shang

b)

Dinastiyang Xia

c)

Dinastiyang Ming

d)

Dinastiyang Yuan

10.

Sa unang pagkakataon ay gumamit ang mga Tsino ng chopsticks noong panahon ng dinastiyang Shang. Sino ang nakaimbento ng kagamitang ito?

a)

Cheng Tan

b)

Victor Yu

c)

Shih Huang Di

d)

Shou Hsin

11.

Ano ang tawag sa isang buto o shell ng pawikan na tinatawag na dragon bone na kalauna’y tinawag na ____________ kung saan isinulat ang kanilang mga dasal at panalangin?

a)

Oracle bone

b)

Clay Tablet

c)

Code of Hammurabi

d)

The Davinci Code

12.

Anong dinastiya ng Tsina ang namuno sa loob ng 900 years sa Tsina at ito ang pinakamahaba sa lahat ng dinastiyang naitala.

a)

Dinastiyang Shang

b)

Dinastiyang Ming

c)

Dinastiyang Zhou

d)

Dinastiyang Yuan

13.

Anong dinastiya ang itinuturing na "Ginintuang Panahon ng Pilosopiya" dahil sa pag-usbong ng pilosopiyang pinangunahan nina Confucius at Lao Tzu?

a)

Dinastiyang Shang

b)

Dinastiyang Zhou

c)

Dinastiyang Sung

d)

Dinastiyang Sui

14.

Sino ang tagapagtatag ng Pilisopiyang Cunfucianismo?

a)

Lao Tzu

b)

Cheng Wung

c)

Confucius

d)

Wu Di

15.

Sino ang tagapagtatag ng Pilosopiyang Taoismo?

a)

Lao Tzu

b)

Kung Fu Tze

c)

Cheng Wung

d)

Wu Di

16.

Anong pilosopiya ang nagtuturo sa kasabihang " Ang taong nakatatalo sa iba ay magaling, ngunit ang taong marunong tumingin sa sariling pagkakamali ay mas kahanga-hanga." ?

a)

Legalismo

b)

Confucianismo

c)

Taoismo

d)

Idealismo

17.

Tinalo sa labanan ng Estadong Qin ang mga pinuno ng dinastiyang Zhou na tuluyang nagpabagsak ng Zhou. Sino ang namuno at nagtatag ng panibagong dinastiyang Qin?

a)

Qin Shi Huang

b)

Wu Di

c)

Tai Cheng

d)

Haring Wu

18.

Ipinatayo niya ang Great Wall of China upang magsilbing pananggalang ng mga Tsino laban sa mga mananakop na barbaro.

a)

Shi Huang Di

b)

Suoma Chien

c)

Li Yuan Xian

d)

Wu Di

19.

Ano ang tunay na pangalan ni Shi Huang Di?

a)

Qin Shi Huang

b)

Huang Qui Kwie

c)

Quin Shik Kwak

d)

Kwak Qoun Lou Huang

20.

Ano ang tawag sa tanawin na makikita sa larawan?

a)

Taj Mahal of India

b)

Great Wall of China

c)

Pyramid of Egypt

d)

Eiffel Tower of France

21.

Anong dinastiya ang sumunod na namuno sa Tsina matapos ang pagbagsak ng dinastiyang Qin?

a)

Han

b)

Ming

c)

Yuan

d)

Shang

22.

Sa anong dinastiya naimbento ang pinakaunang diksyunaryong Intsik na tinawag na Shou Wen na sinulat ni Hao Shen.

a)

Dinastiyang Qin

b)

Dinastiyang Yuan

c)

Dinastiyang Han

d)

Dinastiyang Sui

23.

Siya ang kinikilalang "Ama ng Kasaysayang Tsino" dahil sa isinulat niya ang ukol sa sinaunang kasaysayan ng Tsina.

a)

Wu Di

b)

Hao Shen

c)

Suoma Chien

d)

Chiang Kai Shek

24.

Ito ay isang rutang pangkalakalan na naitatag noong panahon ng dinastiyang Han.

a)

Royal Road

b)

Holy Road

c)

Rocky Road

d)

Silk Road

25.

Anong dinastiya ang sumunod na namuno sa Tsina matapaos ang pagbagsak ng dinastiyang Han?

a)

Dinastiyang Ming

b)

Dinastiyang Tang

c)

Dinastiyang Yuan

d)

Dinastiyang Sui

26.

Anong ilog ng Tsina ang pinagdudugtong ng "Grand Canal of China"?

a)

ilog Ganges at ilog Indus

b)

ilog Tigris at ilog Euphrates

c)

ilog Yangtze at ilog Huang Ho

d)

ilog Tigris at ilog Huang Ho

27.

Matapos ang pagbagsak ng Dinastiyang Sui lumakas naman ang panibagong dinastiya ang ______________.

a)

Dinastiyang Ming

b)

Dinastiyang Tang

c)

Dinastiyang Yuan

d)

Dinastiyang Shang

28.

Pinasisimulan ng dinastiyang ito ang pagkuha ng pagsusulit sa serbisyo sibil (Civil Service Examination) para sa mga mamamayan na gustong magtrabaho sa pamahalaan.

a)

Dinastiyang Ming

b)

Dinastiyang Tang

c)

Dinastiyang Qin

d)

Dinastiyang Sung

29.

Ano ang tawag sa pinakamatandang pahayagan na naitatag sa kasaysayan ng mundo?

a)

Philippine Gazette

b)

Beijing News

c)

Peking Gazette

d)

Nanking Daily Inquirer

30.

Anong dinastiya ang sumunod na namuno matapos bumagsak ang pamunuan ng Tang?

a)

Dinastiyang Shang

b)

Dinastiyang Xia

c)

Dinastiyang Ming

d)

Dinastiyang Sung

31.

Ang dinastiyang ito ay itinuturing na isang "Banyagang Dinastiya ng Tsina"sapagkat pinamunuan ito ng mga Mongol.

a)

Dinastiyang Sung

b)

Dinastiyang Tang

c)

Dinastiyang Yuan

d)

Dinastiyang Sui

32.

Sino ang pinuno ng mga Mongol na sumalakay at sinakop ang Tsina?

a)

Genghis Khan

b)

Ti Wu

c)

Wu Di

d)

Shi Huang Di

33.

Humalili sa pamunuan ng Dinastiyang Yuan ang anak ni Genghis Khan. Sino ang Anak ni Genghis Khan?

a)

Kublai Khan

b)

Matao Khan

c)

Batu Khan

d)

Ti Khan

34.

Inilipat ng Dinastiyang Yuan ang kabisera ng Tsina sa ___________ na nananatili hanggang sa kasalukuyang panahon.

a)

Nanking

b)

Kaifeng

c)

Beijing

d)

Guandong

35.

Nagtapos ang paghahari ng mga Mongol sa Tsina nang magsagawa ng mga pag-aalsa ang mga Tsino laban sa Dinastiyang Yuan. Ano ang tawag sa sumunod na panibagong dinastiya na nabuo?

a)

Dinastiyang Sui

b)

Dinastiyang Tang

c)

Dinastiyang Qin

d)

Dinastiyang Ming