wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Motibasyon sa Klase ng SHSKomfili

Total questions: 15

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.

Isalin sa Wikang Filipino ang "fall in line"

a)

Pumila nang maayos

b)

Hulog sa linya

c)

Mahulog sa linya

d)

Ayusin ang hanay ng pila nang pahalang

2.

Ayusin ang mga salita mula sa may pinakamalalim hanggang sa pinakamababaw na kahulugan:

1-nalisya

2-nalihis

3-nagkamali

4-naligaw

5-nagkasala

a)

4-2-1-3-5

b)

5-3-4-2-1

c)

4-1-2-3-5

d)

4-2-1-5-3

3.

Napansin kaagad ni Bb. Ayessa ang kakatwang kilos at alingasngas ng kaniyang mga kanayon laban kina Mang Lizardo na ibinunga ng bintang di umano ni Alyanna na benggansa lamang ang dahilan ng pagdakip kay Cardo.

a)

Paghihinala

b)

Tulong

c)

Pagmamalupit

d)

Paghihiganti

4.

EL FILIBUSTERISMO: Sino ang nagsabi: "Binungkal ko't tinamnan ang lupang ito. Di ko maibibigay ito, kundi sa sinumang didilig muna rito ng kaniyang dugo at malilibing muna ng kanyang asawa't anak."

a)

Kabesang Tales

b)

Prayle

c)

Basilio

d)

Tata Selo

5.

Sa palagay ko'y napakahalaga nito kung paano namumuhay ang isang tao. Ang isang bahay o tahanan, gaya ng buhay ay nababatay sa kung paano mo inaayos. Ganoon ang dapat maging pakiramdam natin para maayos pati ang sariling buhay natin. Sa paaralan, ito ang pinipilit kong ituro sa aking mga mag-aaral.


Anong teorya ang nakapaloob sa pahayag na ito?

a)

Feminismo

b)

Romantisismo

c)

Dekonstruksyon

d)

Humanismo

6.

Ang ama ang haligi ng tahanan

a)

Simile

b)

Personipikasyon

c)

Metapora

d)

Hyperbole

7.

Ayusin ang salita mula sa pinakamababaw hanggang sa pinakamalalim:

1-kariktan

2-kagandahan

3-karilagan

4-kaningningan

a)

4-1-3-2

b)

2-1-3-4

c)

2-4-3-1

d)

2-3-1-4

8.

Ayaw lumabas ng bahay ni Mang Julio. Sa tuwing naglalakad siya pauwi sa kanilang bahay ay naririnig niya ang kakaibang ihip ng hangin mula sa mga puno. Lumulundag ang puso niya sa kaba at nanginginig ang kanyang mga tuhod.


Anong damdamin ang nangingibabaw sa pahayag?

a)

Naiinis

b)

Nangungungila

c)

Natatakot

d)

Nanghihilakbot

9.

Aling bahagi ng pangungusap ang may mali: Hihintayin kita kahapon sa liwasan ngunit hindi ka naman dumating

a)

ka naman

b)

Hihintayin kita

c)

Walang mali

d)

Sa liwasan

10.

Ako ay parang isang alambreng basta na ibinitin at inilagay sa isang tabi upang kalawangin na lamang.

a)

Metapora

b)

Simile

c)

Personipikasyon

d)

Hyperbole

11.

Ang salitang yamang-dagat ay _________

a)

Maylapi

b)

Payak

c)

Tambalan

d)

Inuulit

12.

Sobra pa sa ordinaryong hepe ng baryo. Ano ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit?

a)

Pang-araw-araw

b)

Sobrenatural

c)

Kakaiba

d)

Espesyal

13.

Aling bahagi ang mali sa pangungusap: Marami ding Pilipino ang nalungkot sa sinapit ng mga dayuhan sa kamay ng isang Pilipinong bumihag sa kanila.

a)

Walang Mali

b)

Isang Pilipinong

c)

Marami ding

d)

Ang nalungkot

14.

Pagsunud-sunurin ang mga ideya o pangyayari:

A. "Wow!" talagang sikat na sikat ang tambalang Kathniel," paghangang bigkas ni Sarah kay Lotti. B. Hindi mo ba sila napapanood sa TV? Sila ang tambalan na may pinakamadaming tagahanga sa lahat ng tambalan dito sa Pilipinas. C."Bakit, ano bang meron sila?" tanong ni Sarah D. At, dagdag pa ni Sarah,"Ang Kathniel ang magkakaroon ng bagong pelikula na pinamagatang "The Hows of Us".


Aling pangungusap ang dapat na mauna?

a)

C

b)

D

c)

A

d)

B

15.

Maralitang tao, batong itinapon

Sa lusak ng palad ay palaboy-laboy

Nag-aaral at aba...noong makaahon

Sa mahirap pala naroon ang marunong.


Anong uri ng taludturan ang saknong na binasa?

a)

Malaya

b)

Blangkong berso

c)

Tradisyunal

d)

a & b