wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Digmaang Pilipino at Amerikano

Total questions: 20

Worksheet time: 14mins

Name
Class
Date
1.

Sino ang bayaning Pilipino ang inilalarawan bilang:


Tagapayo ni Emilio Aguinaldo

Utak ng Rebolusyon

Dakilang

Lumpo/Paralitiko

a)

Apolinario Mabini

b)

Gregorio del Pilar

c)

Emilio Jacinto

d)

Jose Rizal

2.

Sino ang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan?

a)

Andres Bonifacio

b)

Gregorio del Pilar

c)

Emilio Aguinaldo

d)

Emilio Jacinto

3.

Sino ang tinawag na “Bayani ng Pasong Tirad”?

a)

Andres Bonifacio

b)

Emilio Aguinaldo

c)

Gregorio del Pilar

d)

Jose Rizal

4.

Bakit nakialam ang US sa digmaang ginagawa ng bansang Cuba laban sa Espanya?

a)

Sinuportahan ng US ang paglaban ng Cuba sa Espanya dahil sa ekonomikong interes nito sa nasabing bansa.

b)

Makadadagdag ito sa kapangyarihan ng US sa buong mundo.

c)

May interes ang US sa Pilipinas sa pakikipagkalakalan dito.

d)

Matagal nang pinag-aagawan ng US at Espanya ang Cuba.

5.

Bakit pumayag ang Espanya na makipagkasundo sa US upang maganap ang Pekeng Labanan sa Maynila (Mock Battle of Manila)?

a)

Kasama ito sa nakasulat sa Kasunduan ng Paris.

b)

Upang ipakita sa mga Pilipino na sila ay hindi natatakot sa US.

c)

Gustong ipakita ng Espanya na natalo sila nang lumalaban pa din.

d)

Upang maiwasan ng Espanya ang kahihiyan sa pagsuko nila sa US.

6.

Anong kasunduan ang ginamit na paraan ng mga Amerikano upang mapasuko at mapatahimik ang Mindanao?

a)

Kasunduan sa Biak-na-Bato

b)

Kasunduan sa Malolos

c)

Kasunduan sa Paris

d)

Kasunduang Bates

7.

Alin ang HINDI kasama sa Kasunduan sa pagitan ng mga Amerikano at mga Pilipinong Muslim sa Mindanao?

a)

Paggalang sa relihiyon at tradisyong Muslim

b)

Pagbibigay ng buwanang sahod sa mga sultan at mga datu

c)

Paggalang sa mga karapatan ng sultan at kanyang mga datu

d)

Pagsasailalim ng Sulu sa pamamahala ng US bilang isang estado nito

8.

Kung ang titik ng Marcha Nacional Filipina ay nilikha ni Jose Palma mula sa tulang Filipinas, sino naman ang gumawa ng himig (o musika) nito?

a)

Julian Felipe

b)

Felipe Calderon

c)

Apolinario Mabini

d)

Ambrosio Rianzares Bautista

9.

Sino ang matapang at mahigpit na pinuno ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (Armed Forces of the Philippines) na nakapag-aral sa Europa ng taktikang militar at pinatay ng mga kapwa rebolusyonaryong Pilipino?

a)

Gregorio del Pilar

b)

Emilio Aguinaldo

c)

Macario Sakay

d)

Antonio Luna

10.

Anong pangyayari ang naging “ganti” ng mga Amerikano sa matagumpay na pag-atake ng mga Pilipino sa Samar na ikinamatay ng maraming sundalong Amerikano?

a)

Labanan sa Pasong Tirad

b)

Benevolent Assimilation

c)

Pagbagsak ng Malolos

d)

Balangiga Massacre

11.

Tinanggap ni Aguinaldo ang alok ng mga Amerikano upang kumampi sa kanilang sabay na pakikipaglaban sa mga Espanyol.

a)

Tama

b)

Mali

12.

Nagwagi ang US laban sa Espanya sa naganap na “Battle of Manila Bay” noong Mayo 1, 1898.

a)

Tama

b)

Mali

13.

Dahil sa pagkakaroon ng Saligang Batas ng Malolos, naitatag ang Unang Republika ng Pilipinas.

a)

Tama

b)

Mali

14.

Naniwala ang lahat ng Pilipino sa “Benevolent Assimilation Proclamation” ni Pangulong William McKinley ng EU.

a)

Tama

b)

Mali

15.

Naunang nagpaputok ang mga sundalong Pilipino nang pahintuin sila ng pangkat ng mga Amerikanong sundalo sa pamumuno ni Private William Walter Grayson. Ito ang naging simula ng Digmaang Pilipino-Amerikano.

a)

Tama

b)

Mali

16.

Itinayo ni Macario Sakay ang Republika ng Katagalugan bilang paglaban sa pamahalaang Kolonyal na Amerikano.

a)

Tama

b)

Mali

17.

Isang mahusay na heneral at magaling sa estratehiyang pangmilitar si Gregorio delPilar. Ngunit dahil sa istriktong pagdidisiplina at pagkamainitin ang ulo, naging sanhi ito ng pagpatay sa kanya ng kapwa Pilipino.

a)

Tama

b)

Mali

18.

Si Andres Bonifacio ang itinuturing na unang pangulo ng Republika ng Pilipinas dahil sa pagkakatatag ng Republika ng Malolos.

a)

Tama

b)

Mali

19.

Binasa ang Deklarasyon ng Kalayaan ng mga Pilipino mula sa Espanya noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite.

a)

Tama

b)

Mali

20.

Naganap ang pagtatanggol sa Balangiga Pass upang makatakas ang Pangulo ng Republika.

a)

Tama

b)

Mali