Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

9th Review

Total questions: 70

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Piliin ang salitang naiiba mula sa mga pagpipillian.

a)

ipamalay

b)

ipaalam

c)

iparinig

d)

ipabatid

2.

Alin ang salitang naiiba mula sa pagpipilian?

a)

isinambulat

b)

ipagkalat

c)

ipinahayag

d)

ipinakita

3.

Ang salitang naiiba ay?

a)

pinagbalaan

b)

pinabantaan

c)

pinakiusapan

d)

pinagsabihan

4.

Ang naiibang salita ay____?

a)

sinalin

b)

niyari

c)

binuo

d)

ginawa

5.

Piliin ang salitang naiiba mula sa pagpipilian.

a)

kasama

b)

katuwang

c)

akibat

d)

kagrupo

6.

gunam-gunam - ala-ala

a)

MAGKASINGKAHULUGAN

b)

MAGKASALUNGAT

c)

WALANG KAUGNAYAN

7.

dalita - mayaman

a)

Magkasingkahulugan

b)

Magkasalungat

c)

Walang Kaugnayan

8.

bumalisbis - bumagsak

a)

Magkasingkahulugan

b)

Magkasalungat

c)

Walang Kaugnayan

9.

inaapuhap - hinahanap

a)

Magkasingkahulugan

b)

Magkasalungat

c)

Walang Kaugnayan

10.

pagdaing - himutok

a)

Magkasingkahulugan

b)

Magkasalungat

c)

Walang Kaugnayan

11.

Siya ang anak ng araw at buwan na nagbubukas ng pinto ng langit.

a)

Aurora

b)

Pebo

c)

Venus

d)

Nayades

12.

Mga diyosa sa tubig sa tubig.

a)

Nayades

b)

Pama

c)

Aurora

d)

Lira

13.

Kagamitang ginagamit ng mga Ninfa at Musa sa kanilang pag-awit.

a)

Lira

b)

Tambol

c)

Mikropono

d)

Kulintang

14.

Dito nananahan ang mga Nayades na itinuturing na sagrado o banal.

a)

Mahal na Kagubatan

b)

Mahal na Paraiso

c)

Mahal na Ilog

d)

Mahal na Batis

15.

Diyosang nag-aangkin ng mataginting na tinig na kung magbalita’y abot sa

Maraming panig.

a)

Liro

b)

Pama

c)

Pamoy

d)

Panama

16.

Siya ang kasama ni Florante pabalik sa Albanya.

a)

Aladin

b)

Menalipo

c)

Menandro

d)

Laura

17.

Tagapligtas ni Florante sa tiyak na kapahamakan

a)

Antenor

b)

Aladin

c)

Menalipo

d)

Menandro

18.

Sila ang magkasintahang tumanggap ng binyag.

a)

Aladin at Flerida

b)

Florante at Laura

c)

Duke Briseo at Prinsesa Floresca

19.

Siya ay may pusong parang makamandag

a)

Konde Sileno

b)

Konde Adolfo

c)

Heneral Osmalik

d)

Sultan Ali-Adab

20.

Maestrong nanunungkulan ng Pitaco at nagturo sa paaralan ng Atenas.

a)

Antenor

b)

Antenur

c)

Atenor

d)

Atenar

21.

Kilalanin kung sino ang nagwika ng mga sumusunod na pahayag.


Kung ang isasalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha’t pakitang-giliw lalong pag-ingata’t kaaway na lihim siyang isaisip na kakabakahin”.

a)

Antenor

b)

Duke Briseo

c)

Haring Linceo

d)

Menandro

22.

Kilalanin ang nagwika.

“ Huwag na manganib sumayapa ka’t mag-alliw ng dibdib”.

a)

Antenor

b)

Menandro

c)

Prinsesa Floresca

d)

Aladin

23.

Sino ang nagwika?

“ Nang agad maubos sa pagpapatayan ang kabataan ko’t di kabihasaan”.

a)

Aladin

b)

Florante

24.

Sino ang nagwika?

“ Oh bunying gererong na awa sa akin”.

a)

Duke Briseo

b)

Haring Linceo

c)

Hari ng Crotona

25.

Kilalanin ang nagwika.

“ Bihirang balita’y magtapat kung magkatotoo ma’y marami ang dagdag.

a)

Aladin

b)

Florante

c)

Menendro

26.

Sino ang nagsabi ng pahayag na ito?


“Ayon sa balita’y pangalawa itong prinsipe niyang bantog sa sangmundo”.

a)

Haring Linceo

b)

Duke Briseo

c)

Hari ng Crotona

27.

Sino ito?


“ Ay bugtong kong anak na inihahandog sa mahal mong yapak”.

a)

Prinsesa Floresca

b)

Sultan Ali-Adab

c)

Duke Briseo

28.

Sino ang nagwika?


“ Patotohanan mong hindi ba’t ikaw ang pangarap kong gererong matapang”.

a)

Haring Linceo

b)

Hari ng Crotona

c)

Duke Briseo

29.

Sino ito?


“ Ako’y walang sagot na naihayag, kundi haring poon nagdapa sa yapak.

a)

Flerida

b)

Laura

c)

Florante

d)

Aladin

30.

“ Huwag ding maparis ang gererong bantog sa palad kong amis”.


Ang nagwika ay si _____?

a)

Duke Briseo

b)

Antenor

c)

Hari ng Crotona

d)

Haring Linceo

31.

Dumating si Menandro nagmula sa Etolya.

a)

Katotohanan

b)

Opinyon

32.

Sa moro’y nahiga, inarugang tunay hanggang sa ako’y mahimasmasan

a)

Katotohanan

b)

Opinyon

33.

Eteocles aking gampanin at Konde namang si Polinice ang turan.

a)

Katotohanan

b)

Opinyon

34.

Hindi nahalata ang lihim na taglay ng kondeng masakim.

a)

Katotohanan

b)

Opinyon

35.

Siyang pamimitak at kusang nagsabay ng ningning ang talagang kaagaw ni Venus.

a)

Katotohanan

b)

Opinyon

36.

Nag-upuan kami’t saka nagpanayam ng bala-balki’t may halagang bagay.

a)

Katotohanan

b)

Opinyon

37.

Liwanag ng mukha’y walang pinag-ibhan, kay Pebo kung anyong bagong sumisilang.

a)

Katotohanan

b)

Opinyon

38.

Ako'y walang sagot na maipahayag kundi haring poon nagdapa sa yapak.

a)

Katotohanan

b)

Opinyon

39.

Sapagkat matuwid ang sa haring saysay, umayon si ama kahit mapait man.

a)

Katotohanan

b)

Opinyon

40.

Anong damdamin ang mayroon sa pahayag?


Anupa’t sinumang palaring manood patay

o himala kung hindi umiirog.

a)

Walang pakiramdam at imposibeng hindi mapaibig ang sinumang makakikita kay Laura.

b)

Hahanap-hanapin ng sinuman ang kagandahan ni Laura.

c)

Magkaroon ng himala sa sinumang hahanga kay Laura.

d)

Mabibighani agad sa taglay na kariktan ni Laura.

41.

Bakit itinulot ng langit na mataas na

mapanood ko kung di ako dapat?

a)

Sinasabi ni Florante na bakit hinayaan ng langit na magkita sila ni Laura kung hindi pala siya ang lalaki para sa kanya.

b)

Nahihinayang si Florante kung bakit nakita pa niya si Laura habang nagpapanayam kasama ang hari.

c)

Napapanood ni Florante ang llangit na mataas habang siya ay nasa palasyo at nakikipanayam.

d)

Bakit hinayaan ng Diyos na makita pa si Laura kung di lang din naman niya makakadaupang palad.

42.

Hindi katoto ko’t si Laura di taksil

aywan ko kung ano’t lumimot sa akin

a)

Nagagalit si Florante dahil lumimot si Laura sa kanya.

b)

Sinabi ni Florante sa kausap na hindi taksil si Laura ngunit hindi niya alam kung bakit siya nilimot ni Laura.

c)

Nagseselos si Laura kaya lumimot na lamang si Florante.

d)

Inihahayag ni Florante na si Laura ay hindi taksil subalit nagtatakang bakit nilimot siya

43.

Ang palad ko’y siyang alipusta’t linsil

di laang magtamo ng tuwa sa aliw

a)

Hinahamak ni Florante ang lahat ng dinanas na hirap

b)

Linsil ang kapalaran ni Florante sa paggiliw.

c)

Sinabi ni Florante na kapalaran na niya ang maging hamak at hindi nakalaang lumigaya

d)

Sinabi ni Florante na sa tulad niyang nakaranas ng paghihirap ay walang ligayang matatamo.

44.

Sa pagkakita ko’y sabay ang paggiliw

inagaw ang pusong sa ina ko’y hain.

a)

Nang unang makita si Laura ay ang pag-ibig na inukol niya sa ina ay nabaling kay Laura

b)

Naging magiliw ang unang pagkikita nina Florante at Laura sa palasyo.

c)

Iba-iba ang naramdaman ni Florante para kay Laura nang unang masilayan ang kagandahan ng dalaga.

d)

Parehong pagmamahal ang inukol ni Florante para sa kanyang ina at kay Laura.

45.

Nang aking matantong nasa bilangguan ang kanyang bunying monarka’t ang ama kong hirang.

a)

pagkabigla

b)

masamang pangyayari

c)

ikinulong ang kanyang ama

d)

nagulat sa nangyari

46.

Nag-utos sa hukbo’t aming sinalakay.

a)

nakipaglaban sa kaaway

b)

ipinagtanggol ang bayan

c)

nais manakop

d)

sinugod ang kaaway

47.

Di nakalunas ang lunas na titig

a)

umiibig

b)

nakakita ng magandang babae

c)

nagkaroon ng kasintahan

d)

nagmamahalan

48.

Nang mag-asal hayop ang morong pangahas tinampal sa mukha ng hamak na dilag.

a)

nasaktan ang dalaga

b)

naging mabagsik

c)

pinagmalupitan ang dilag

d)

pinarusahan ang dilag

49.

Nang mapiling buntunan ng galit, sa di magkakaibang gapos ay lumapit

a)

nilapitan ang nakagapos

b)

pinagbuntunan ng galit

c)

pinuntahan ang nakagapos

d)

sinaktan ang nakagapos

50.

At sa katuwaa’y kapag namihasa

kung lumaki’y walang hihinting ginhawa

a)

pagsisikap

b)

. pagsasaya

c)

pagbabanta

d)

pagtitiyaga

51.

Lumaki sa tuwa’y walang pagtitiis

anong ilalaban sa dahas ng sakit

a)

suliraniin

b)

masaya

c)

tiyaga

d)

sipag

52.

Para ng halamang lumaki sa tubig

daho’y malalanta munting di madili

a)

namimihasa

b)

nagsasanay

c)

nagsisikap

d)

nag-aaral

53.

Ang laki sa layaw, karaniwa’y hubad

sa bait at muni’t sa hatol ay salat.

a)

istrikto

b)

mapagmahal

c)

masunurin

d)

laki sa layaw

54.

Ang iba marahil; sa kapabayaan

ng dapat magturong tamad na magulang

a)

masipag

b)

mapagmahal

c)

responsable

d)

iresponsable

55.

Humungi ng tulong at nasa pangamba

a)

nagmamakaawa

b)

masaya

c)

tumutulong

d)

nagbibigay

56.

Dito’y napangiti ang Morong kausap

a)

nanunukso

b)

nagdadalahamhati

c)

malungkot

d)

masaya

57.

Nawika’y kasunod ng luhang tumulo

a)

pasakit

b)

nagdadalahamhati

c)

iyakin

d)

ulila

58.

Paghalik sa kamay ng poon kong ama

a)

pagpapakumbaba

b)

paggalang

c)

pag-ibig

d)

pagsinta

59.

Pamatid buhay sa anak na sinta

a)

pagsasawalang bahala

b)

pagkamatay

c)

pagsilang

d)

pagkabuhay

60.

“ Kamandag kang lagak niyong kamatayan

sa sintang Ina Ko’y di mapagkandungan”

a)

walang respeto

b)

pgkatuwa

c)

pagkagalit

d)

pagkagiliw

61.

Sina Florante at Aladin ay pitong buwan sa gubat nang isalaysay ni Aladin ang kanyang buhay.

a)

Tama

b)

Mali

62.

Nagbihis gerero si Laura upang makatakas nang malamang wala na sa bilangguan ang kasintahan.

a)

Tama

b)

Mali

63.

Si Aladin ang heneral na kumobkob sa reyno ng Crotona.

a)

Tama

b)

Mali

64.

Taga Persiya ang kilabot na gerero na kausap ni Florante.

a)

Tama

b)

Mali

65.

Nang sakupin ni Heneral Osmalik ang Albanya si Florante ay nasa Crotona.

a)

Tama

b)

Mali

66.

Hiniling ni Florante kay Laura na kitlin na lamang nito ang kanyang buhay upang di na madama ang sakit na dinaranas.

a)

Tama

b)

Mali

67.

Sina Florante at Laura ang namuno sa Crotona matapos ang kaguluhan.

a)

Tama

b)

Mali

68.

Ang mga taga-Albanya ay kaaway ng bayan at sekta ng mga taga Persya.

a)

Tama

b)

Mali

69.

Itinalaga ng hari si Florante bilang heneral ng hukbo na mamumuno upang iligtas ang Crotona.

a)

Tama

b)

Mali

70.

Nang makita ni Haring Linceo si Florante sinabing kamukha niya ang gererong napangarap niya.

a)

Tama

b)

Mali