Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Quiz No.1

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Anong uri ng taludturan ang tulang "Ako ang Daigdig"?

a)

May Sukat- Walang Tugma

b)

May Tugma- Walang Sukat

c)

Malayang Taludturan

d)

May Sukat- May Tugma

2.

Alin sa mga sumusunod ang hindi tumutukoy kay Ildefonso Santos?

a)

Guro

b)

Makata

c)

Pintor

d)

Tagapagsaling wika

3.

Ano ang tula?

a)

Isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, pinararating sa ating damdamin, at ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-iw.

b)

Ito ay isang uri ng akdang pampanitikan na nakasulat sa anyong patalata na naglalaman ng opinyon o kuro- kuro ng isang manunulat.

c)

Isang uri ng akdang pampanitikan na naglalaman ng kawing kawing na mga pangyayari.

d)

Isang uri ng akdang pampanitikan na binubuo ng labinpitong pantig, na may tatlong taludturan; na ang unang taludtod ay may limang pantig, sa ikalawa ay may pitong pantig, at ang ikatlong taludtod ay may limang pantig. Ito’y nagtataglay ng talinghaga.

4.

Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.

a)

Tugma

b)

Talinhaga

c)

Saknong

d)

Sukat

5.

Ito ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya.

a)

Taludtod

b)

Talinhaga

c)

Pamagat

d)

Saknong

6.

Siya ang nagbigay ng pagkakakilanlan o katawagan sa mga saknong na binubuo ng mga partikular na bilang ng taludtod.

a)

Lamberto Ma. Gabriel

b)

Alejandro G. Abadilla

c)

Amado V. Hernandez

d)

Lope K. Santos

7.

Anong uri ng tayutay ang ipinakikita sa saknong?


Ang kanyang kahapon ay isang tanghalan

Ng mga lihim niya’t karanasan

Ang buhay niyang hiram ay naging tanggulan

Sa kanyang gunita ay ayaw alpasan

a)

Pagtutulad

b)

Pagmamalabis

c)

Pagsasatao

d)

Pagwawangis

8.

Anong salita ang nagpapakilala sa tayutay na onomatopeya?


Ang lagaslas nitong batis,

alatiit ng kawayan,

halumigmig nitong hangin,

ay bulong ng kalikasan.

a)

batis, kawayan, hangin at kalikasan

b)

alatiit, lagaslas, halumigmig

c)

bulong

d)

lagaslas, batis bulong

9.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga uri ng tula?

a)

Elehiya

b)

Oda

c)

Soneto

d)

Maikling kuwento

10.

Sino ang tinaguriang "Ama ng Makabagong Tula?"

a)

Francisco Balagtas

b)

Jose Corazon de Jesus

c)

Jose Rizal

d)

Alejandro G. Abadilla