NEW
Font size
WorksheetsSektor ng Paglilingkod
Total questions: 10
Worksheet time: 4mins
Sa anong sub-sektor ng paglilingkod kabilang ang serbisyong ipinagkakaloob ng mga bangko, sanglaan, kooperatiba at iba pang institusyong pampinasyal?
A. Pampublikong Paglilingkod
B. Pananalapi
C. Kalakalan
D. Transportasyon, komunikasyon
at imbakan
Alin sa mga sumusunod na sektor ang gumagabay sa produksyon, distribusyon, kalakalan at pagkonsumo?
A. Agrikultura
B. Impormal na sector
C. Industriya
D. Paglilingkod
Ito ay isa sa mga ahensiyang tumutulong sa sektor ng paglilingkod na may layuning isulong at paunlarin ang mga programa ukol sa paghahanapbuhay sa ibayong-dagat at pangalagaan ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers
A. Department of Labor and Empoyment
B. Philippine Overseas Employment Administration
C. Professional Regulation Commission
D. Commission on Higher Education
Ibinibigay nang hindi lalagpas sa ika-24 ng Disyembre bawat taon sa mga manggagawang nakapaglingkod ng hindi bababa sa isang buwan sa isang taon.
A. 13th Month Pay
B. Service Charges
C. PAG-IBIG Benefits
D. SSS Benefits
Alin sa mga ito na kinokolekta ang mga hotel, restaurant, night club at iba pa na ang 85% ay ipinamahagi ng pantay sa lahat ng manggagawa nito?
A. Bonus
B. SIL
C. Service Charges
D. Holiday Pay
Limang araw na may bayad na ipinagkaloob sa manggagawang nakapaglingkod ng hindi bababa sa isang taon.
A. Service Charges
B. Wage Rationalization Act
C. Service Incentive Leave
D. 13th Month Pay
Ibinibigay sa mga manggagawang nagdadalang-tao, kasal man o hindi.
A. Special leave for Women
B. Parental leave for Solo Parent
C. Maternity Leave
D. Paternity Leave
Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa pinakamahalagang karapatan ng manggagawa ayon sa International Labor Organization?
I.Ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.
II. Ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang bahagi ng grupo sa halip na mag-isa.
III. ·Ang suweldo ng manggagawa ay hindi sapat at karapat-dapat para sa makataong pamumuhay.
A. I & II
B. III only
C. I, II, & III
D. II & III
Ito ay Suliranin ng sektor ng paglilingkod kung saan ang mga manggagawa ay nakatali sa kontrata na mayroon siyang trabaho sa loob lamang ng 5 buwan.
A. Kontraktwalisasyon
B. Brain drain
C. Mababang pasahod
D. Pagkakait ng benepisyo
Ito ay tawag sa pagkaubos ng mga manggagawa patungo sa ibang bansa.
A. Kontraktwalisasyon
B. Brain drain
C. Mababang pasahod
D. Pagkakait ng benepisyo
