Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pang-abay at Uri Nito

Total questions: 30

Worksheet time: 16mins

Name
Class
Date
1.

Piliin ang angkop na Pang-abay.

Ang mga bata ay _________________ na tumakbo upang hindi mahuli sa kanilang klase.

a)

tahimik

b)

mabagal

c)

mabilis

d)

malugod

2.

Piliin ang angkop na Pang-abay.

Pumunta sa ___________ ang pamilya ni Kesz upang doon lumangoy.

a)

bakuran

b)

dagat

c)

mall

d)

palengke

3.

Piliin ang angkop na Pang-abay.

_____________ na nilakad ni Jose ang madilim at nakakatakot na bahagi ng gubat.

a)

Matapang

b)

Masipag

c)

Mainit

d)

Mahusay

4.

Piliin ang angkop na Pang-abay.

Tinanggap ng mga mag-aaral ang hamon ng kanilang guro nang _______________.

a)

taimtim

b)

labag sa kalooban

c)

napipilitan

d)

buong puso

5.

Piliin ang angkop na Pang-abay.

Si Carlos Yulo ay isang Pilipinong _____________ sa larangan ng pag-gigymnastics.

a)

maligaya

b)

matapang

c)

mahusay

d)

masinop

6.

Piliin ang angkop na Pang-abay.

Si Carla ay _______________ magsalita tungkol sa totoong nangyari nang tinanong siya ng kanyang guro.

a)

masipag

b)

tuwid

c)

magiliw

d)

kinakabahan

7.

Piliin ang angkop na Pang-abay.

Ang mga bisita ay _____________ na tinanggap nina Ashley, kanya itong kinamayan bago pinapasok sa kanilang bahay.

a)

magiliw

b)

nagagalit

c)

matapang

d)

malungkot

8.

Piliin ang angkop na Pang-abay.

Si Mari at Torin ay ____________ na nagyakapan nang sila'y nagkita sa loob ng airport.

a)

mahigpit

b)

magarbong

c)

tahimik

d)

malugod

9.

Piliin ang angkop na Pang-abay.

Tuwing _______________ ipinagdiriwang ng mga Kristyano ang Pasko bilang paggunita sa kaarawan ni Hesus.

a)

Enero

b)

Sabado

c)

Disyembre

d)

kahapon

10.

Piliin ang angkop na Pang-abay.

Ang pamilya ni Carlene ay kumain sa ___________ upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan.

a)

restawran

b)

silid-aklatan

c)

simbahan

d)

silid-aralan

11.

Tukuyin ang Uri ng Pang-abay.

Tumakbo ang atleta sa loob ng stadium.

a)

Pamaraan

b)

Pamanahon

c)

Panlunan

12.

Tukuyin ang Uri ng Pang-abay.

Ang bawat mag-aaral ay may iba't ibang talento na dapat linangin nang mabuti.

a)

Pamaraan

b)

Pamanahon

c)

Panlunan

13.

Tukuyin ang Uri ng Pang-abay.

Bukas babalik ang mga mag-aaral mula sa kanilang pinuntahang field trip.

a)

Pamaraan

b)

Pamanahon

c)

Panlunan

14.

Tukuyin ang Uri ng Pang-abay.

Sa Sorsogon matatagpuan ang pinakamalaking isda sa buong mundo.

a)

Pamaraan

b)

Pamanahon

c)

Panlunan

15.

Tukuyin ang Uri ng Pang-abay.

Sa tahanan unang nararamdaman ng mga kabataan ang totoong pagmamahal.

a)

Pamaraan

b)

Pamanahon

c)

Panlunan

16.

Tukuyin ang Pang-abay sa Pangungusap.

Si Juana ay pumunta sa Amerika upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

a)

pumunta

b)

Amerika

c)

ipagpatuloy

d)

Juana

17.

Tukuyin ang Pang-abay sa Pangungusap.

Si Catriona Gray ay buong pusong tumutulong sa mga batang lansangan kaya siya ay dapat na tularan ng nakararami.

a)

tumutulong

b)

batang lansangan

c)

tularan

d)

buong puso

18.

Tukuyin ang Pang-abay sa Pangungusap.

Ang mga guro ay matiyagang nagtuturo ng kanilang leksyon at nagsisilbing tagapayo sa lahat ng kanilang mga mag-aaral.

a)

nagsisilbing

b)

matiyagang

c)

mag-aaral

d)

mga guro

19.

Tukuyin ang Pang-abay sa Pangungusap.

Bukas ng umaga pa aalis ang mga kinatawan ng paaralan para sa darating na patimpalak sa pampalakasan.

a)

kinatawan ng paaralan

b)

patimpalak

c)

bukas ng umaga

d)

aalis

20.

Tukuyin ang Pang-abay sa Pangungusap.

Si Tony ay binigyan ng kanyang tatay ng bagong kotse bilang regalo sa kanyang kaarawan.

a)

binigyan

b)

bagong kotse

c)

bilang regalo

d)

sa kanyang kaarawan

21.

Tukuyin ang Pang-abay na HINDI nabibilang sa mga sumusunod.

a)

maagang

b)

masayang

c)

mamaya

d)

matapang

22.

Tukuyin ang Pang-abay na HINDI nabibilang sa mga sumusunod.

a)

sa Parke

b)

lungsod ng Iloilo

c)

bukas ng hapon

d)

sa Maynila

23.

Tukuyin ang Pang-abay na HINDI nabibilang sa mga sumusunod.

a)

magiliw

b)

malugod

c)

sa paraalan

d)

buong puso

24.

Tukuyin ang Pang-abay na HINDI nabibilang sa mga sumusunod.

a)

sa gitna ng dagat

b)

sa gilid ng ilog

c)

sa umaga

d)

sa perya

25.

Tukuyin ang Pang-abay na HINDI nabibilang sa mga sumusunod.

a)

sa ikaapat ng hapon

b)

sa kusina

c)

mamayang hapon

d)

ikawalo ng gabi

26.

Piliin ang pangungusap na may tamang gamit ng Pang-abay.

a)

Si Catriona ay maganda kung kaya siya ang nagwagi.

b)

Ang masipag na guro ay binigyan ng gantimpala.

c)

Magiliw na tinanggap ni Daniel ang kanyang mga bisita.

d)

Si Kesz ang masipag na anak ni Mang Pedring.

27.

Piliin ang pangungusap na may tamang gamit ng Pang-abay.

a)

Mahigpit na pinagbabawalan ang pagliliban sa klase.

b)

Ang makukulit na bata ay dapat na disiplinahin.

c)

Ang mababait na bata ay dapat na binibigyan ng gantimpala.

d)

Ang mga masayahing guro ay natutuwa sa kanyang mga mag-aaral.

28.

Piliin ang pangungusap na may tamang gamit ng Pang-abay.

a)

Si Manny Pacquaio ay isang magaling na boxingero.

b)

Si Lea Salonga ang mahusay na mangangawit.

c)

Si Liza Soberano ay mahusay sa pag-arte.

d)

Ang magagaling na artista ay binibigyan ng parangal.

29.

Piliin ang pangungusap na may tamang gamit ng Pang-abay.

a)

Ang paboritong pasyalan ng mga turista ay ang malamig na lungsod ng Bagui.

b)

Ang dagat ay puntahanan ng mga turistang nasasabik na lumangoy.

c)

Sa Pilipinas gaganapin ang pinaghahandaang patimpalak sa palakasan.

d)

Ang Mall of Asia ay isa sa pinakamalaking mall sa buong mundo.

30.

Piliin ang pangungusap na may tamang gamit ng Pang-abay.

a)

Maagang nagsidatingan ang mga bisita para sa karawan ni Mina.

b)

Ang kanyang mga bisita ay masaya dahil sila'y naging bahagi ng karawan ni Mina.

c)

Si Juana ang pinakamatalik na kaibigan ni Mina.

d)

Masarap at masustansiya ang handa ng kanyang nanay para sa kanyang karawan.