wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Maikling Pagsusulit - kabanata 37-39

Total questions: 20

Worksheet time: 12mins

Name
Class
Date
1.

Tukuyin kung sino ang nagwika:


"Hindi ako pahuhuling buhay kaninuman. Hindi dapat makuha ang aking lihim. Pakinggan ninyo ako. Sasabihin ko sa inyo ang aking lihim, sa inyo ko ipagkakatiwala ang aking niloob. Pagkatapos sabihin ninyo sa akin kung may Diyos o wala!"

a)

SIMOUN

b)

BASILIO

c)

ISAGANI

d)

PADRE FLORENTINO

e)

DON CUSTODIO

2.

Ang kasamaan ng pamahalaan ay pinalubha ni Simoun dahil sa ibig niyang makapaghiganti sa maling paraan.

a)

TAMA

b)

MALI

3.

Pinalasap ni __________(Kabesang Tales) ang kanyang kabangisan nang maghasik ito ng lagim sa buong Luzon.

a)

SUPREMO

b)

PLARIDEL

c)

MATANGLAWIN

d)

ALAKDAN

e)

MAGDALO

4.

Nabaril ni ______ si Tata Selo sa utos ng kanyang kabo.

a)

KABESANG TALES

b)

TANO

c)

SIMOUN

d)

BASILIO

e)

ISAGANI

5.

Si __________ ang naghagis sa ilog ng lamparang bigay ni Simoun sa mga ikakasal.

a)

BASILIO

b)

JUANITO

c)

ISAGANI

d)

SIMOUN

e)

KABESANG TALES

6.

Panlipunan ang tema ng NOLI ME TANGERE, dahil ito ay tungkol sa mga sakit at panlunas sa sakit ng lipunan.

a)

TAMA

b)

MALI

7.

Pampamayanan ang tema ng EL FILIBUSTERISMO dahil ito ay tumatalakay sa pamamahala sa gobyerno

a)

TAMA

b)

MALI

8.

Ang huling kabanata ng Noli at ang huling kabanata ng El Fili ay kapwa may malalim na kahulugan ang pamagat.

a)

TAMA

b)

MALI

9.

Sino ang tinutukoy ng salitang may salungguhit?


Nang lapitan ng pari ang maysakit, nagulat siya sapagkat uminom ng lason si Simoun.

a)

PADRE FERNANDEZ

b)

PADRE FLORENTINO

c)

PADRE CAMORRA

d)

PADRE SALVI

e)

PADRE IRENE

10.

Si Simoun ay uminom ng lason dahil alam naman niyang malapit na rin siyang mamatay sanhi ng balang tumama sa kanyang katawan.

a)

TAMA

b)

MALI

11.

Sino ang inilalarawan ng pangungusap?


Katakut-takot na bura, dagdag, bawas at iba pang pagbabago ang ginawa ng "magaling na manunulat" tungkol sa kaganapan sa kasalan.

a)

SIMOUN

b)

DON CUSTODIO

c)

PADRE SALVI

d)

BEN ZAYB

e)

DON TIMOTEO

12.

Tukuyin kung sino ang inilalarawan ng pahayag:


Sugatan siya nang dumating sa bahay ng kura at nangangailangan ng tulong. Dala niya ang kanyang maleta ng kayamanan, duguan at malungkot.

a)

BASILIO

b)

ISAGANI

c)

SIMOUN

d)

PADRE FLORENTINO

e)

DON CUSTODIO

13.

Tukuyin kung sino ang inilalarawan ng pahayag:


Isang hindi kilalang tao ang nagnakaw ng lampara.Tumalon ito sa ilog, wala nang nakakita sa kanya pagkatapos. Ang akala ng ilan ay isa raw itong Kastila, may nagsasabing Intsik daw, sabi isa itong Indiyo.

a)

BASILIO

b)

SIMOUN

c)

JUANITO

d)

ISAGANI

e)

DON CUSTODIO

14.

Tukuyin kung sino ang inilalarawan ng pahayag:


Natigilan ang kawal, parang kilala niya ang taong iyon na nababalot ng sikat ng araw. Napilitan siyang sumunod sa utos ng kanyang kabo. Binaril niya ang matanda at nakarinig ng sigaw. Parang kilala niya ang alingawngaw ng tinig na iyon.

a)

TANO

b)

BASILIO

c)

KABESANG TALES

d)

TATA SELO

e)

ISAGANI

15.

Tukuyin ang pahiwatig ng salitang may salungguhit?


Lumapit ang pari sa maysakit. Nakapikit at latag na ang mga kamay sa gilid ng hinihigan. Akala niya noong una ay nakatulog lamang ngunit nang hipuin niya ay malamig na ang mga kamay.

a)

isa na itong bangkay

b)

nilalamig sanhi ng panahon

c)

labis na kinakabahan

d)

labis ang katuwaang nadarama

16.

Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari:


A. Biglang may isang hindi kilalang lalaki ang sumulpot sa kasalan.

B. Pinagtapat ni Basilio na may magaganap na pagsabog sa kasalan.

C. Kinuha ng lalaki ang lampara at inihagis ito sa ilog.

D. Naalala ni Isagani si Paulita.

E. Isang pasya ang isinakatuparan ni Isagani.

a)

D E A C B

b)

B D E A C

c)

D A E C B

d)

B D E C A

e)

B E D A C

17.

Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari:


A. Kaagad na nagpaalam si Simoun sa mga ikinasal.

B. Isang sulat ang nagpasalin-salin sa kamay ng mga panauhin na nagbigay ng takot sa kanila.

C. Ikapito ng gabi nang magsimulang magdatingan ang mga panauhin.

D. Dumating si Simoun sa kasalan na dala ang lamparang regalo sa mga ikinasal.

E. Hindi malaman ni Don Timoteo kung paano sasalubungin ang mga panauhin.

a)

B C E D A

b)

B D A E B

c)

C E D A B

d)

A C D E B

e)

C E D B A

18.

Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari:


A. Binigyan ni Simoun ng baril si Basilio at itinago niya ito sa Amerikana.

B. Dumating si Basilio sa bahay ni Simoun na inaasahan naman ng mag-aalahas.

C. Nakalimutan ni Basilio na tanungin kay Simoun kung saan magsisimula ang kaguluhan.

D. Nagpahayag ng pagsang-ayon si Basilio sa binabalak na paghihimagsik ni Simoun.

E. Handa na si Basilio sa himagsikan.

a)

B D A E C

b)

B D A C E

c)

E B D A C

d)

E D B A C

e)

B E D A C

19.

Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari:


A. Pinagmasdan ni Padre Florentino ang mukha ni Simoun na hanggang sa kamatayan ay kakikitaan ng matinding hapis.

B. Nilapitan ni Padre Florentino si Simoun at natuklasan niyang ito ay uminom ng lason.

C. Lumuhod ang pari at nag-alay ng isang panalangin para sa namayapa.

D. Inihagis ni Padre Florentino ang kayamanan ni Simoun sa dagat.

E. Dumating si Simoun sa bahay ni Padre Florentino na sugatan at nanghihina.

a)

E B C A D

b)

E A B C D

c)

D E B C A

d)

A B D E C

e)

E B A D C

20.

Tukuyin kung sino ang nagwika:


"Manatili ka nawa sa sinapupunan ng dagat, kasama ng mga perlas at korales. Kapag dumating ang panahong kakailanganin ka para sa isang dakilang layon, Diyos ang magtuturo sa iyo. Habang wala pa ang panahong iyon, diyan ka muna sa pusod ng dagat. upang hindi ka makasangkapan sa mali o magdulot ng kasamaan."

a)

SIMOUN

b)

ISAGANI

c)

PADRE FLORENTINO

d)

KAPITAN HENERAL

e)

BASILIO