wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Grade 5 AP

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.
Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Pedro Ambaristo dahil sa paghihigpit ng mga Espanyol sa produksiyon at pagbebenta ng basi.
a)
Pag-aalsang Panrelihiyon
b)
Pag-aalsang Pang-ekonomiko
c)
Pag-aalsang Politikal
d)
Pag-aalsang Pangteknolohiya
2.
Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Apolinario dela Cruz o mas kilala na Hermano Pule dahil tinanggihan siyang maging pari.
a)
Pag-aalsang Panrelihiyon
b)
Pag-aalsang Pang-ekonomiko
c)
Pag-aalsang Politikal
d)
Pag-aalsang Pangteknolohiya
3.
Isang pag-aalsa na pinamunuan ng mga Datu ng Maynila dahil gusto nilang mabawing muli ang kanilang kalayaan at karangalan
a)
Pag-aalsang Panrelihiyon
b)
Pag-aalsang Pang-ekonomiko
c)
Pag-aalsang Politikal
d)
Pag-aalsang Pangteknolohiya
4.
Isang pag-aalsa na pinamunuan ng mag-asawang Diego at Gabriela Silang dahil sa galit nila sa buwis na ipinapataw ng mga Espanyol at nais nilang palayasin ang mga ito
a)
Pag-aalsang Panrelihiyon
b)
Pag-aalsang Pang-ekonomiko
c)
Pag-aalsang Politikal
d)
Pag-aalsang Pangteknolohiya
5.
Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Dagohoy dahil tinanggihan ng isang pari na bigyan ng isang kristiyanong libing ang kaniyang kapatid.
a)
Pag-aalsang Panrelihiyon
b)
Pag-aalsang Pang-ekonomiko
c)
Pag-aalsang Politikal
d)
Pag-aalsang Pangteknolohiya
6.
Isang pag-aalsa sa Timog Katagalugan ng mga magsasaka dahil gusto nilang maibalik sa kanila ang mga lupang inangkin ng mag Espanyol
a)
Pag-aalsang Panrelihiyon
b)
Pag-aalsang Pang-ekonomiko
c)
Pag-aalsang Politikal
d)
Pag-aalsang Pangteknolohiya
7.
Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Francisco Rivera na pumigil sa pagpapatuloy at pagtangkilik sa kristiyanismo sa pamamagitang ng pagbabalik sa mga prayle ng mga rosaryo at iskapularyo.
a)
Pag-aalsang Panrelihiyon
b)
Pag-aalsang Pang-ekonomiko
c)
Pag-aalsang Politikal
d)
Pag-aalsang Pangteknolohiya
8.
Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Andres Malong na nag-ugat dahil sa hindi pagbabayad ng mga Espanyol sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa paggawa ng barko
a)
Pag-aalsang Panrelihiyon
b)
Pag-aalsang Pang-ekonomiko
c)
Pag-aalsang Politikal
d)
Pag-aalsang Pangteknolohiya
9.
Isang pag-aalsa na pinamunuan nina Don Pedro Almazan bilang suporta kay Malong.
a)
Pag-aalsang Panrelihiyon
b)
Pag-aalsang Pang-ekonomiko
c)
Pag-aalsang Politikal
d)
Pag-aalsang Pangteknolohiya
10.
Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Tapar ng Iloilo na naghanagad na magtayo ng bagong sangay ng Kristiyanismo.
a)
Pag-aalsang Panrelihiyon
b)
Pag-aalsang Pang-ekonomiko
c)
Pag-aalsang Politikal
d)
Pag-aalsang Pangteknolohiya
11.
Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Francisco Maniago na nag-ugat naman sa pagtutol ng mga Kapampangan sa sapilitang paggawa ng galyon at hindi pagbabayad sa binibiling palay.
a)
Pag-aalsang Panrelihiyon
b)
Pag-aalsang Pang-ekonomiko
c)
Pag-aalsang Politikal
d)
Pag-aalsang Pangteknolohiya
12.
Isang pag-aalsa na pinamunuan nina Miguel Lanab at Alababan kung saan ay pinugutan ila ng ulo ang mga misyonerong Dominican at hinikayat ang mga Itneg na magnakaw, dumumi sa mga imahen ng santo, at sunugin ang mga simbahan.
a)
Pag-aalsang Panrelihiyon
b)
Pag-aalsang Pang-ekonomiko
c)
Pag-aalsang Politikal
d)
Pag-aalsang Pangteknolohiya
13.
Isang pag-aalsa ng mga Boholano sa Kristiyanismo na pinamunuan ni Tamblot.
a)
Pag-aalsang Panrelihiyon
b)
Pag-aalsang Pang-ekonomiko
c)
Pag-aalsang Politikal
d)
Pag-aalsang Pangteknolohiya
14.
Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Lakandula dahil sa hindi pagtupad ng mga Espanyol sa pangakong malilibre sa pagbabayad ng buwis at polo ang mga kaanak ni Lakandula.
a)
Pag-aalsang Panrelihiyon
b)
Pag-aalsang Pang-ekonomiko
c)
Pag-aalsang Politikal
d)
Pag-aalsang Pangteknolohiya
15.
Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Agustin Sumuroy dahil sa polo y servicio o sapilitang paggawa sa Samar na ipinapadala sa mga malalayong lugar tulad ng Cavite.
a)
Pag-aalsang Panrelihiyon
b)
Pag-aalsang Pang-ekonomiko
c)
Pag-aalsang Politikal
d)
Pag-aalsang Pangteknolohiya
16.
Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Datu Bancao na lumaban sa simbahang Katolika ng Leyte
a)
Pag-aalsang Panrelihiyon
b)
Pag-aalsang Pang-ekonomiko
c)
Pag-aalsang Politikal
d)
Pag-aalsang Pangteknolohiya
17.
Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Pedro Ladia na isang Moro na taga-Borneo na nag-ugat sa pagkumpiska ng mga Espanyol sa kanyang mga ari-arian.
a)
Pag-aalsang Panrelihiyon
b)
Pag-aalsang Pang-ekonomiko
c)
Pag-aalsang Politikal
d)
Pag-aalsang Pangteknolohiya
18.
Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Magalat at kaniyang mga kapatid dahil sa hindi makatwirang pagbubuwis ng mga Espanyol.
a)
Pag-aalsang Panrelihiyon
b)
Pag-aalsang Pang-ekonomiko
c)
Pag-aalsang Politikal
d)
Pag-aalsang Pangteknolohiya
19.
Bakit tinutulan ng mga Pilipino ang Monopolyo sa Tabako?
a)
Walang bumibili ng tabako
b)
Napagod sila sa pagtatanim
c)
Naging mapang-abuso ang mga Espanyol
d)
Mas marami ang manggagawang Tsino kumpara sa mga Pilipino
20.
Noong nagkaroon ng pag-aalsang agraryo ay agad na pinag-utos ni Haring Ferdinand VI na ibalik ang mga lupain, ngunit umapela ang mga prayle kaya walang lupain ang naibalik. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a)
Walang kapangyarihan ng hari
b)
Walang sinusunod ang mga prayle
c)
Mas makapangyarihan ang mga Filipino
d)
Ang kakayahan at kapangyarihan ng mga prayle hindi lamang sa usaping panrelihiyon.
21.
Bakit hindi pinayagang maging pari si Hermano Pule?
a)
Dahil siya ay isang Tsino
b)
Dahil siya ay makasalanan
c)
Dahil may dugo siyang Amerikano
d)
Dahil Espanyol lamang ang maaaring maging pari o kaya ay mestizo
22.
Ano ang ginawa kay Hermano Pule dahil sa kanyang pagtatayo ng isang samahan o kapatiran na kanyang itinatag?
a)
Hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad at ang kaniyang katawan ay pinutol-putol at ibinandera sa publiko
b)
Hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng silla electrica at tsaka pinakain sa mga piranha
c)
Hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng stone to death o pagbato sa kanya hanggang sa siya ay mamatay
d)
Hinayaan siyang mabuhay kapiling ang mga tigre sa kagubatan ng Sierra Madre.
23.
Anong tunggalian sa Europa ang naganap sa pagitan ng Great Britan ang France mula 1756-1763?
a)
Seven Years War
b)
300 Years War
c)
World War I
d)
World War II
24.
Bakit nadamay ang Pilipinas sa tunggaliang Great Britain at France?
a)
Dahil sa dami ng armas ng mga Filipino
b)
Dahil gagamitin ang mga Filipino bilang bala sa kanyon
c)
Dahil tayo ay kolonya ng Espanya na kaalyado ng France
d)
Dahil tayo ay kolonya ng Espanya na kaalyado ng Great Britain
25.
Pag-aalsa ng mga Datu sa Tondo
a)
ang pag-aalsa ay nagtagumpay
b)
ang pag-aalsa ay hind nagtagumpay
26.
Pag-aalsa ng mga Igorot
a)
ang pag-aalsa ay nagtagumpay
b)
ang pag-aalsa ay hind nagtagumpay
27.
Pag-aalsa ng mga Itneg
a)
ang pag-aalsa ay nagtagumpay
b)
ang pag-aalsa ay hind nagtagumpay
28.
Pag-aalsa ni Tapar sa Panay
a)
ang pag-aalsa ay nagtagumpay
b)
ang pag-aalsa ay hind nagtagumpay
29.
Pag-aalsa ng mga Magtangaga sa Cagayan
a)
ang pag-aalsa ay nagtagumpay
b)
ang pag-aalsa ay hind nagtagumpay
30.
Pag-aalsa ni Dagohoy sa Bohol
a)
ang pag-aalsa ay nagtagumpay
b)
ang pag-aalsa ay hind nagtagumpay
31.
Pag-aalsa ni hermano Pule sa Tayabas, Quezon
a)
ang pag-aalsa ay nagtagumpay
b)
ang pag-aalsa ay hind nagtagumpay
32.
Pag-aalsa ni Ladia sa Malolos, Bulacan
a)
ang pag-aalsa ay nagtagumpay
b)
ang pag-aalsa ay hind nagtagumpay
33.
Ang kalakalang Galyon ay kilala rin sa anong tawag?
a)
Kalakalang Maynila-Acapulco
b)
Kalakalang Cadiz- Maynila
c)
Kalakalang France-Great Britan
d)
Kalakalang Suez-Panama
34.
Bakit hindi nakinabang ang mga Filipino sa kalakalang galyong gayong kalahok ang mga Filipino mula ika-16 hanggang ika-19 na siglo?
a)
Hindi marunong sa merkado ang mga Filipino
b)
Palaging nabubulok ang kanilang mga produkto
c)
Palaging itinutumba ng mga bagyo ang sinasakyang galyon
d)
Ang tanging gampanin lang ng mga Pilipino sa kalakalang galyon ay ang paggaa ng galyon at hindi sa pakikipag-kalakalan
35.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI salik sa paghina ng kalakalang galyon?
a)
Okupason ng Bristish sa Maynila
b)
Pagkakatuklas ng bagong rutang pangkalakalan
c)
Paghina ng kalakalan ng mangga sa Mexico
d)
Deklarasyon ng Cadiz Constitution
36.
Paano nakaapekto ang pagtuklas sa bagong rutang pangkalakalan sa paghina ng kalakalang galyon?
a)
Dulot ng paglaki ng merkado sa Mexico para sa tela
b)
Dahil sa paglaganap ng malayang ideya
c)
Pagtatag ng Compania de Libre Comercio sa Madrid noong 1778 na ngangasia sa direktang kalakalan sa pagitan ng Spain at Maynila
d)
Wala itong epekto
37.
Ano ang pumalit sa Compania de Libre Comercio na humamon rin sa katatagan ng kalakalang galyon?
a)
Real Compania de Filipinas
b)
Real Sociedad delos Amigosdel Pais
c)
Real Property of ProFriends
d)
Real Situado
38.
May mga Pilipinong nakipagtulungan sa mga mananakop upang masupil o hindi matuloy ang mga pag-aalsa.
a)
Pagiging watak-watak ng Pilipinas
b)
Kakulangan sa kahandaan at kaalaman sa pakikidigma
c)
Kawalan ng maayos na komunikasyon
d)
Pagkakaiba ng wika at diyalekto
e)
Pagbabayad ng mga Espanyol sa mersenaryong katutubo
39.
Hindi naging madali para sa mga Pilipino ang manghikayat ng dagdag na kalahok sa mga planong pag-aalsa dahil hindi sila nagkakaintindihan
a)
Pagiging watak-watak ng Pilipinas
b)
Kakulangan sa kahandaan at kaalaman sa pakikidigma
c)
Kawalan ng maayos na komunikasyon
d)
Pagkakaiba ng wika at diyalekto
e)
Pagbabayad ng mga Espanyol sa mersenaryong katutubo
40.
Nahirapan ang mga Filipino na magpadala ng mga mensahe tungkol sa pag-aalsang isasagawa lalo na sa mga liblib na bundok at kagubatan
a)
Pagiging watak-watak ng Pilipinas
b)
Kakulangan sa kahandaan at kaalaman sa pakikidigma
c)
Kawalan ng maayos na komunikasyon
d)
Pagkakaiba ng wika at diyalekto
e)
Pagbabayad ng mga Espanyol sa mersenaryong katutubo
41.
Hindi kinaya ng mga Pilipino na makipagsabayan sa sopistikado at makabagong armas ng mga Espanyol
a)
Pagiging watak-watak ng Pilipinas
b)
Kakulangan sa kahandaan at kaalaman sa pakikidigma
c)
Kawalan ng maayos na komunikasyon
d)
Pagkakaiba ng wika at diyalekto
e)
Pagbabayad ng mga Espanyol sa mersenaryong katutubo
42.
Mga pag-aalsa mula sa iba’t ibang magkakalayo at maliliit na mga lugar sa Pilipinas.
a)
Pagiging watak-watak ng Pilipinas
b)
Kakulangan sa kahandaan at kaalaman sa pakikidigma
c)
Kawalan ng maayos na komunikasyon
d)
Pagkakaiba ng wika at diyalekto
e)
Pagbabayad ng mga Espanyol sa mersenaryong katutubo
43.
Karapat dapat bang hangaan ang mga Pilipinong nakipaglaban sa mga Espanyol kahit na nabigo sila?
a)
Oo, sapagkat nagpapakita ito ng kanilang pagmamahal sa bayan na kahit sariling buhay ay itataya
b)
Oo, dahil ang pagkatalo ay nagpapakita ng pagkabayani
c)
Hindi, dahil hindi naman ito nakatulong sa kalayaan
d)
Hindi, dahil hindi naman sila kilala.
44.
Ano sa iyong palagay ang naging relihiyon ng mga Pilipino kung sa simula pa lang ay hindi na natin hinayaang masakop tayo ng mga Espanyol?
a)
Kristiyanismo pa rin dahil laganap ito sa buong mundo
b)
Maaaring Islam dahil isa na ito sa mga relihiyon sa Pilipinas bago pa man dumating ang mga Espanyol at nananatiling Muslim ang karamihan ng Pilipino sa Mindanao
c)
Budhismo dahil sa mga karatig nating bansa sa Timog-Silangan Asya
d)
Hinduismo, dahil sa mga Indian na pumupunta sa Pilipinas
45.
Ano sa iyong palagay ang nangyari kung hindi tayo nakipaglaban sa mga Espanyol?
a)
Maaaring hanggang ngayon ay kolonya o teritoryo pa rin tayo ng Espanya
b)
Marahil ay mga Amerikano ang unang nakasakop sa atin.
c)
Marahil ay Espanyol ang isa sa ating official languages.
d)
Lahat ng nabanggit ay maaaring tama.
46.
Posible pa bang mawala ang kalayaang tinatamasa natin ngayon?
a)
Oo, kaya dapat nating pahalagahan at ingatan ang kalayaang ito
b)
Oo, dahil sa banta ng Amerika na sakupin tayo
c)
Hindi, dahil sa sapat na kaalaman at kahandaan ng mga Pilipino sa digmaan
d)
Hindi, dahil hindi na uso ngayon ang agawan ng teritoryo
47.
Sa paanong paraan masasabi na ikaw ay isang mabuting mamamayan?
a)
Sa pamamagitan ng hindi pagbabayad ng buwis
b)
Sa pamamgitan ng pagbuo ng organisasyon na magtataksil sa bayan
c)
Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas at alituntunin ng bansa
d)
Sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga demostrasyon na hindi alam ang pinaglalaban
48.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI mo karapatan at tungkulin bilang isang Pilipino?
a)
Karapatang pumili ng relihiyon; pagrespeto sa ibang relihiyon
b)
Karapatang maglabas ng saloobin; siguraduhing walang taong masasaktan
c)
Karapatang makaalam ng impornasyon; suriin ang mga impormasyon kung tama
d)
Pakikiisa sa mga gawaing magdadala sa bansa sa kapahamakan; Piliin ang sarili bago bayan
49.
Kamakailan lamang ay ipinagdiwang ang anibersaryo ng EDSA People Power, kaninong kabayanihan ang kinikilala rito?
a)
Kabayanihan ng mga Pilipino sa kanilang pagkakaisa sa pagkamit ng kalayaan ng bansa at wakasan ang Martial Law.
b)
Kabayanihan ng mga Amerikano sa pagtulong nila sa pagkamit ng ating kalayaan
c)
Kabayanihan ng mga Pilipino noong panahon ng Espanyol
d)
Kabayanihan ng mga kababaihan na bahagi ng kasaysayan
50.
Makikiisa ka ba sa mga demostrasyong magdadala sa kapahamakan ng Pilipinas at kawalan ng seguridad ng bawat isa?
a)
Hindi, dahil isang Pilipino ay tungkulin kong makiisa sa mga bagay na makakatulong sa aking bansa at hindi sa makakasama
b)
Hindi, dahil hindi ito nagpapakita ng pagmamahal sa bayan
c)
Hindi, dahil kaming mga kabataan ang magiging pag-asa ng ating bansa sa hinaharap
d)
Lahat ng nabanggit ay tama at nangangakong mananatili ito sa aking isip hanggang sa hinaharap.