wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 7 Refresher (1st Quarter)

Total questions: 15

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Bakit mahalaga ang pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata?

a)

Upang masiguro niya na may tao na tatanggap sa kanyang mga kalakasan at kahinaan

b)

Upang magkaroon siya ng kalaro na magtuturo sa kanya ng pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad

c)

Upang mapatunayan sa lahat ng tao na may kakayahan siyang makipag-ugnayan nang maayos sa kanyang kasing edad

d)

Upang magkaroon siya ng makakasundo na tutulong sa kaniya upang matanggap sa isang pangkat na labas sa kanyang pamilya

2.

Masasabi lamang na ganap ang pakikipag-unayan kung handang ipaalam ang lahat sa kapwa. Ang pangungusap ay:

a)

Tama, dahil ito ay nagpapakita ng tiwala sa kapwa.

b)

Tama, dahil ito ang magiging simula ng isang malalim na pakikipag-ugnayan.

c)

Mali, dahil sa kasapi ng pamilya lamang nararapat na sabihin ang lahat ng sikreto.

d)

Mali, dahil mahalagang magkaroon ng limitasyon upang hindi magamit ang mga impormasyon tungkol sa sarili laban sa kanya sa hinaharap.

3.

Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan maliban sa:

a)

Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan ay kalakasang intelektwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay.

b)

Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.

c)

Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.

d)

Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.

4.

Bakit may mga taong nagsasabi na sila ay ipinanganak na walang talento?

a)

Dahil hindi sila naglalaan ng panahon upang ito ay tuklasin

b)

Dahil mayroon talagang tao na ipinanganak na walang talento

c)

Dahil hindi pa panahon upang matuklasan nila ang kanilang talento

d)

Dahil hindi nila kinikilala ang kanilang mga kakayahan na talento dahil hindi naman ito makaagaw atensyon

5.

Ano ang magiging kahihinatnan ng pagiging matapat sa pagtupad sa tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata?

a)

Matitiyak ang kaganapan ng pagkatao.

b)

Tataglayin ang kakayahan na harapin ang susunod na yugto ng buhay.

c)

Matitiyak ang tagumpay sa pagharap sa hamon ng pagiging isang dalaga/binata.

d)

Magkakaroon ng mga kakayahang kailangan upang maging isang magandang halimbawa sa kapwa kabataan.

6.

Mataas ang tinatawag na muscle memory ng taong may ganitong talino

a)

Visual Spatial

b)

Mathematical/Logical

c)

Bodily/Kinesthetic

d)

Existential

7.

Taglay ng taong may talino nito ang mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng pangangatuwiran at paglutas ng suliranin (problem solving).

a)

Musical/Rhythmic

b)

Mathematical/Logical

c)

Verbal/Linguistic

d)

Interpersonal

8.

Mabilis niyang nauunawaan at natutugunan ang kaniyang nararamdaman at motibasyon. Malalim ang pagkilala niya sa kaniyang angking mga talento, kakayahan at kahinaan.

a)

Existential

b)

Mathematical/Logical

c)

Bodily/Kinesthetic

d)

Visual Spatial

9.

Ano ang pinakamataas na tungkulin ng isang anak sa kanyang mga magulang?

a)

Sila ay igalang, mahalin at pagkatiwalaan

b)

Ibigay sa kanila ang nararapat na katumbas ng lahat ng tulong na kanilang naibigay.

c)

Ang ilaan ang kanyang hinaharap para sa walang pagdaramot na pagtulong sa pamilya

d)

Ang magsilbing isang magandang halimbawa sa kanyang mga kapatid

10.

Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.

a)

Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan

b)

Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan

c)

Upang makapaglingkod sa pamayanan

d)

Lahat ng nabanggit

11.

Isa sa mga palatandaan ng pagbabago ng isang nagbibinata/nagdadalaga ay dumadalas ang pangangailangan nilang makasama ang pamilya.

a)

Tama

b)

Mali

12.

Sa pakikipag-ugnayan, para mapanatili ang tiwala sa isa’t-isa ay kailaganang ibahagi maging ang mga sensitibong bagay na may kinalaman sa iyo.

a)

Tama

b)

Mali

13.

Ang talento ay kailangang alamin at pag-aralan, samantalng ang kakayahan ay kusang lumalabas.

a)

Tama

b)

Mali

14.

Ang mga hilig ay preperensiya sa mga partikular na uri ng gawain.

a)

Tama

b)

Mali

15.

Lahat ng nakikita sa media ay totoo.

a)

Tama

b)

Mali