NEW
Font size
WorksheetsESP - Module 15 and 16
Total questions: 20
Worksheet time: 20mins
Ang pagsisinungaling ay ang hindi pagkiling o pagsang-ayon sa katotohanan. Itinuturing ding isang lason na humahadlang sa kaliwanagan ng isang bagay o sitwasyon. Anong patunay na ito'y natural na masama?
Sapagkat ipinagkakait ang tunay na pangyayari.
Sapagkat inililihis ang katotohanan
Sapagkat ito ay isang uri ng pandaraya
Sapagkat sinasang-ayunan ang mali.
Ang sumusunod ay mga gawain na lumalabag sa karapatan sa pag-aari. Ang ilan sa mga ito ay ang karapatan sa pagpaparami, pagpapakalat, pagbabahagi, at panggagaya upang makabuo ng bagong likha, maliban sa isa:
Intellectual Piracy
Copyright Infringement
Theft
Whistleblowing
Alin sa sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa mental reservation?
Maingat na ibinibigay ang mga impormasyon sa tamang tao lamang.
May karapatan ang naglalahad na manahimik at kimkimin ang mga impormasyon.
Walang paghahayag at di mapipilit para sa kapakanan ng taong pinoprotektahan.
Nagbibigay nang malawak na paliwanag at kahulugan sa maraming bagay upang ilayo ang tunay na katotohanan
Si Lando ay dating bilanggo. Bahagi ng kaniyang pagbabagong-buhay ay ang kalimutan ang madilim niyang nakaraan. Dahil dito, itinago niya ang karanasang ito sa kompanyang kaniyang pinaglilingkuran sa kasalukuyan. Sa iyong palagay, may karapatan ba siyang itago ang katotohanan?
Mayroon, dahil siya ay responsable rito.
Mayroon, dahil may alam siya rito.
Mayroon, dahil sa kahihiyang ibibigay nito sa kaniya.
Mayroon, dahil lahat ay may karapatang magbago.
Ayon sa isang whistleblower, "Hindi naman sa gusto ko, pero kailangan eh. Ayaw na ng pamilya ko, at ayaw ko na rin sana, pero itutuloy ko na rin." Paano pinanindigan ng whistleblower ang kaniyang pakikibaka para sa katotohanan?
Mula sa suporta ng mga nagtitiwala sa kaniya.
Mula sa dikta ng kaniyang konsensiya.
Mula sa kaniyang tungkulin at obligasyon sa pamilya at bayan.
Mula sa di-makatotohanang akusasyon sa kaniya.
Sa pangkalahatan, ang katotohanan ay dapat mapanindigan at ipahayag nang may katapangan sa lahat ng pagkakataon sapagkat ito ang nararapat gawin ng isang matapat at mabuting tao. Bakit mahalagang matandaan ang pahayag na mapanindigan at ipahayag sa lahat ng pagkakataon?
Dahil ito ang katotohanan.
Dahil ito ang nararapat gawin ng isang tapat at mabuting tao.
Dahil ito ang maghahatid sa tao ng paghanga at paggalang.
Dahil ito ay para sa kabutihang panlahat.
Ang sumusunod ay mga dahilan ng isang tao kung bakit mas nahihikayat na gawin ang pagnanakaw sa gawa ng iba kaysa sa lumikha ng sarili at paulit-ulit na pagsasagawa nito, maliban sa isa:
Mababang presyo
Anonymity
Madaling transaksiyon
Hindi sistematiko
Ang katotohanan ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa buhay. Sa bawat tao na naghahanap nito, masusumpungan lamang niya ang katotohanan kung siya ay naninindigan at walang pag-aalinlangan na ito ay sundin, ingatan, at pagyamanin. Ano ang kalakip nitong kaluwagan sa buhay ng tao?
Kaligayahan at karangyaan
Kapayapaan at kaligtasan
Kaligtasan at katiwasayan
Katahimikan at kasiguruhan
Si Tony ay naparatangan ng plagiarism sa kanilang paaralan. Siya ay kasama sa mga magagaling na manunulat sa kanilang journalism class. May mga katibayan na nagpapatunay na ito ay intensiyunal. Ano prinsipiyo ang nalabag niya?
Prinsipyo ng Confidentiality
Prinsipyo ng Intellectuality
Prinsipyo ng Intellectual Honesty
Prinsipyo ng Katapatan
Matagal nang napapansin ni Celso ang mga maling gawi ng kaniyang kaklase sa pagpapasa ng proyekto. Alam niya ang mga batas ng karapatang-ari (copyright), dahil dito, nais niya itong kausapin upang mabigyan ng babala sa kung ano ang katapat na parusa sa paglabag dito. Tama ba ang kaniyang gagawing desisyon?
Tama, sapagkat ito ay nasa batas at may parusa sa sinumang lumabag dito.
Tama, sapagkat ito ay para sa ikabubuti ng kaniyang kaklase.
Tama, sapagkat ito ay karapatan din ng taong sumulat o may-ari ng katha.
Tama, sapagkat ito ay kaniyang obligasyon sa kapuwa.
Sa simula ng paglikha ng Diyos, inilaan na siya upang gumawa ng mga katangi-tanging gawain, at siya lamang ang binigyan ng natatanging talino.
Hayop
Halaman
Kalikasan
Tao
Ang moral na obligasyon sa paggawa ay malinaw na nakasaad sa Banal na kasulatan sa Genesis 3:19, "Ang lupaing ito para pag-anihan, pagpapawisan mo habang nabubuhay," at sa Exodo 20:9, "Anim na araw kayong gagawa ng inyong gawain," na kungsaan ang tao ay inatasan ng Diyos na gumagawa at magtrabaho. Ano ang ibig ipahiwatig ng mga pahayag na ito?
Isang panlipunang proseso na ang layunin ay mapangalagaan ng tao ang lipunan.
Nilikha ang tao upang maging kabahagi ng Diyos sa Kaniyang gawain sa pamamagitan ng paggawa.
Ipinakikita na ang anumang bagay na nais tamasahin ng tao ay kailangan niyang paghirapan.
Ang paggawang ito ang siyang batayan ng ating pagkilos upang ituloy at kumpletuhin ang sinimulan Niyang paglikha.
Ayon sa Panlipunang turo ng simbahan, Rerum Novarum ni Blessed Paul II, "Work bears a particular mark of man and of humanity, the mark of a person operating within a community of persons." Paano naipakikita dito kung ano ang paggawa?
Ang paggawa ay pagmamahal sa isang gawain na nagiging katulong ang Diyos sa pagbubunsod ng paggawa.
Ang paggwa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa, at obligasyong pagkamalikhain.
Ang paggawa ay nagbibigay sa atin ng kahulugan at tinuturuan tayong makilahok sa ating mundong ginagalawan upang ipagpatuloy ang paglika ng Panginoon.
Ang paggawa ay anumang gawaing pangkaisipan man ito o manwal, anuman ang kaniyang kalikasan o kalagayan na makatao, nararapat para sa tao ang gumawa bilang anak ng Diyos.
Ang sumusunod ay nagpapakita ng ilang halimbawa kung paano ginagamit ng kabataan ang kanilang mga oras. Sa anong sitwasyon sa ibaba hindi naipakikita ang paggamit ng wastong oras?
Si Sassy Nichole ay laging maagap sa pagpasok sa kaniyang trabaho.
Si Catherine Kate ay may listahan ng mga gawain na kaniyang gagawin sa bawat araw.
Si Genrich Jay ay laging pinapaalalahanan ng kaniyang mga guro para magpasa ng kaniyang mga proyekto.
Si Kristina Karylle ay naglalaba at naglilinis ng kanilang bahay tuwing sabado at linggo.
Ayon kay Karl Marx, ang kabihasnan ng tao ay naaayon sa pagkamasalimuot ng kagamitan. Ano ang ibig sabihin nito?
Ang kagamitan natin sa kasalukuyan ay bunga ng lipunan, iniwan ng naunang henerasyon.
Ang mga kagamitan ay produkto ng kapuwa at ginagamit niya upang makalikha ng bagay para sa kapuwa.
Ang lahat ng bagay ay yaong nsa ating pananagutan, lahat ng may kinalaman sa pagpapaunlad ng sarili.
Niiba ang tao sa hayop sa paggamit ng kagamitan at sa pagkamalay niya sa kaniyang ginagawa.
Ito ay uri ng korapsiyon; ang paglalagay ng mga kamag-anak na may katungkulan sa ahensiya ng pamahalaan.
Korapsiyon
Kolusyon
Nepotismo
Suhol
Ano ang tamang kahulugan ng kapangyarihan?
Ang kapangyarihan ay pagkontrol sa batas.
Ang kapangyarihan ay nakikita sa kaisipan, kilos, pananalita, lakas, at tatag ng kalooban.
Ang kapangyarihan ay tumutukoy sa proseso o pamamaraan sa pagpapalakad ng isang pinuno.
Ang kapangyarihan ay tumutukoy sa pagkaka-impluwensiya ng pinuno sa kaniyang nasasakupan.
Alin sa sumusunod na pagpapahalaga ang susi sa pagbuwag ng Graft and Corruption?
Integridad
Katapatan at pagkatakot sa Diyos
Kabaitan at pagkamasunurin
Pagtitimpi
Paano ang dapat gawin upang matigil ang pagkawala ng pondo ng pamahalaan?
Mahigpit na pagpapatupad ng parusa sa mga nagkasala.
Pagbabantay sa mga tiwaling empleyado ng pamahalaan.
Pagbatikos sa mga maanomalyang gawain ng mga nanunungkulan.
Pagbubulgar ng mga pandarayang nagaganap sa ahensiya ng pamahalaan.
Si Jonathan ay nahuli ng pulis trapiko sa kadahilanan paglabag sa batas trapiko. Kinuha ang kaniyang lisensiya ngunit hindi niya ito ibinigay bagkus inabutan niya na lamang ng pangmeryenda ang nakahuli sa kaniya. Ang pagtanggap ba ng pulis sa pangmeryenda ay nagpapakita ng katiwalian?
Opo, dahil ang pagtanggap ng meryenda ay pagtanggap ng suhol.
Opo, dahil ang pulis ay hindi nagpakita ng katapatan sa kaniyang tungkulin.
Hindi po, dahil ang pangmeryenda ay napakaliit lamang ng halaga.
Hindi po, dahil nakagawian nang nakararami ang magbigay kapalit ng kaparusahan.
