wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Reaksyon ng mga Katutubo sa Pananakop ng mga Espanyol

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ang ating mga ninuno ay may mga pinaniniwalaang Diyos -Diyosan bago pa man dumating ang mga Espanyol. Nang dumating ang mga Kastila, anong relihiyon ang kanilang pinalaganap?

a)

Aglipay

b)

Budismo

c)

Kristiyanismo

d)

Paganismo

2.

Dumating ang mga Kastila upang sakupin ang Pilipinas. Bakit naging madali kay Miguel Lopez de Legazpi ang pananakop sa ating bansa?

a)

dahil sa pagkawatak- watak ng mga bayan

b)

dahil may pagkakaisa ang mga katutubo

c)

dahil sama-sama ang mga bayan

d)

dahil nagtutulungan ang mga katutubo

3.

Madaling nasakop ng mga Espanyol ang mga kapuluan dahil sa pagkawatak-watak ng maraming pulo at dahil sa mabisang paraan ng kanilang pananakop. Ano ang mga paraang ginamit dito?

a)

krus at espada

b)

krus at bibliya

c)

lapis at papel

d)

relihiyon at korona

4.

Ang espada ay ginamit upang supilin ang pag-aalsa ng mga katutubo. Ano ang ginamit upang hubugin ang isip at diwa ng mga katutubo?

a)

bibliya

b)

korona

c)

krus

d)

lakas

5.

Kung ang krus ay ginamit upang hubugin ang isip at diwa ng mga katutubo. Ano naman ang ginamit laban sa mga Pilipinong tumangging magpasakop sa mga Kastila?

a)

espada

b)

korona

c)

bibliya

d)

rosaryo

6.

1.Bakit hindi naging madali sa mga Espanyol na tuluyang sakupin ang mga Katutubo?

a)

Sapagkat iba’t-iba ang lingguwahe o wika ng mga Katutubo

b)

Sapagkat marami sa kanila ang lumaban at nag-alsa

c)

Sapagkat layu-layo ang kanilang mga tirahan

d)

Lahat ng nabanggit ay tama.

7.

Aling pangkat ng mga katutubo ang nagpakita ng matapang na pagtutol sa mga armadong mananakop?

a)

Ang mga Ita o Negrito na nakatira sa mga kabundukan

b)

Ang mga Babaylan na may sariling paniniwala at kultura

c)

Ang mga Muslim na lubos na nagpahalaga sa nsariling relihiyon at paniniwala

d)

Ang mga Itneg na bumalik sa kabundukan upang hindi marating ng mga Espanyol ang kanilang mga tirahan

8.

Alin sa mga sumusunod na katangian ang ipinakita ng mga Katutubong nag-alsa laban sa mga Espanyol?

a)

Katapangan at pagkamakabayan

b)

Katapangan at kalinisan

c)

Katapangan at kayabangan

d)

Katapangan at kamangmangan

9.

Paano ipinakita ng mga katutubo ang kanilang pagtanggap sa mga Espanyol?

a)

Lumahok sa sandatahang lakas ng mga Espanyol ang mga katutubo

b)

Tumakas ang mga katutubo at nagtungo sa malalayong bahagi ng kabundukan

c)

Nagpabinyag ang ilang mga Katutubo upang maging Kristiyano

d)

Nilimot ng mga katutubo ang mga kultura at paniniwala na

nakagisnan nila at tinanggap ang relihiyong Kristyanismo

10.

Sa pagdating ng mga armadong pangkat ng Espanyol, alin sa mga sumusunod ang Hindi nagpakita ng reaksyon ng mga Katutubo?

a)

Tinanggap nila nang buong puso ang Kristiyanismo dahil sa pangakong kaligtasan na dala ng pananampalataya dito

b)

Naging masaya sila sa naging pagtugon ng mga armadong pangkat kabila ng kanilang pagtutol sa paniniwala ng mga dayuhan

c)

Bumuo ng pangkat ang mga Tribo na nag-alsa at nakipaglaban sa mga mananakop na Espanyol

d)

Tumakas sila at nagpakalayo-layo kapalit ang pagpapanatili ng kalayaan sa sarili nilang pamayanan

11.

Bakit nag-alsa si Francisco Dagohoy laban sa mga Espanyol?

a)

Sapagkat isa siyang Muslim na lubos ang pagpapahalaga sa relihiyon at paniniwala

b)

Sapagkat tinanggihan siya ng mga prayle na bendisyunan ang kanyang kapatid na namatay sa dwelo

c)

Sapagkat nais niyang pangalagaan ang sariling relihiyon at kultura na taliwas sa paniniwala ng mga dayuhan

d)

Sapagkat, gusto niyang magtayo ng sariling pangkat na magpapatuloy sa paniniwala ng mga Katutubo

12.

Sino ang namuno ng rebolusyon dahil sa mapagmalabis na sistema ng polo y servicios na isinagawa sa hilagang parte ng Samar?

a)

Apolinario dela Cruz

b)

Juan dela Cruz

c)

Juan Ponce Enrile

d)

Juan Ponce Sumuroy

13.

Bakit mas pinili ng mga katutubong tumakas sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol?

a)

Hindi na nila matiis ang pananakit ng mga prayle sa mga batang katutubo.

b)

Hindi na nila matiis ang labis na paniningil ng buwis sa kanila.

c)

Wala silang cedula personal kaya sila nagtatago.

d)

Hindi sila marunong bumasa at sumulat kaya natatakot sila sa mga Espanyol.

14.

Sino ang nagdesisyon na ipadala ang mga kalalakihan ng Samar sa Cavite upang doon mag-polo at gumawa ng barko?

a)

Alcalde-Mayor

b)

Cabeza de Barangay

c)

Gobernador-Heneral

d)

Prayle

15.

Si Juan Sumuroy ay nadakip at pinatay noong _____.

a)

Hulyo 1650

b)

Hunyo 1650

c)

Hunyo 1560

d)

Mayo 1650