NEW
Font size
WorksheetsGR.5 MODULE 2- QUIZ #2
Total questions: 20
Worksheet time: 15mins
Ayon sa Continental Drift Theory, sa simula ay may isang dambuhalang kontinente na tinawag na_____________.
Continental Shelf
Crust
Pangaea
Alin sa mga paniniwala sa pinagmulan ng mga Pilipino ang nagsasaad na ang mundo at unang mga tao ay nilikha ng makapangyarihang Manlilikha?
Mito
Relihiyon
Teorya
1. Ayon sa teoryang ito, nabuo ang kapuluan ng Pilipinas bunsod ng mga volcanic material mula sa pagsabog ng bulkan sa ilalim ng karagatan.
A. Teorya ng Continental Drift
B. Teorya ng Bulkanismo (Pacific Theory)
C. Teorya ng Tulay na Lupa
2. Ayon sa teoryang ito, nabuo ang kapuluan ng Pilipinas bunga ng pagtaas ng lebel ng tubig sa karagatan dahil sa pagkatunaw ng yelo.
A. Teorya ng Continental Drift
B. Teorya ng Bulkanismo (Pacific Theory)
C. Teorya ng Tulay na Lupa
3. Ayon sa teoryang ito, nabuo ang kapuluan ng Pilipinas mula sa malaking tipak ng lupain sa daigdig na naghiwa-hiwalay daang milyon na ang nakalipas.
A. Teorya ng Continental Drift
B. Teorya ng Bulkanismo (Pacific Theory)
C. Teorya ng Tulay na Lupa
Siya ay naniniwala na ang pilipinas ay nabuo sa proseso ng bulkanismo.
Bailey Willis
Peter Bellwood
Henry Otley Beyer
Siya ay ang nagpanukala ng wave migration na pinagmulan ng mga Pilipino.
Henry Otley Beyer
F.Landa Jocano
Peter Bellwood
Sino ang nagpakilala ng teorya ng continental drift?
Charles Darwin
Alfred Wegener
Bailey Willis
Tumutukoy sa isang kaisipan o paliwanag sa isang mahalagang konsepto gamit ang siyentipikong pamamaraan ng pananaliksik.
fossil
kontinente
teorya
Tawag sa bahagi ng mundo na kung saan ay may 452 bulkan at 75% ng mga pinaka aktibo at dormant na bulkan sa daigdig.
Pacific Ring of Fire
arkipelago
arkipelago
Pasipiko
Ang Pilipinas ay nabuo mula sa pag-aaway ng Langit at Dagat.
A. Relihiyon
B. Mito o Alamat
C. Teorya
D. kasaysayan
Ayon sa kanya ang mga Filipino ay nagmula sa mga Austronesian.
Henry Otley Beyer
Felipe Landa Jocano
Wilhelm Solheim
Peter Bellwood
Ayon sa teoryang ito na inihain ni Felipe Landa Jocano ang mga unang Filipino ay mula sa isang malaking pangkat ng mga sinaunang tao sa Timog-Silangang Asya.
Teorya ng Austronesian Migration
Teorya ng Wave Migration
Teorya ng Core Population
lahat ng nabanggit
Tawag sa nahukay na labi ng tao sa Tabon Cave noong 1962?
A. Callao Man
B. Cagayan Man
C. Tabon Man
D. Java Man
Alin sa sumusunod ang sinasabing pinakamatandang labi ng tao na nahukay sa Pilipinas?
Taong Callao
Taong Tabon
Taong Cagayan
Siya ang Amerikanong arkeologo na nakahukay ng skullcap ng sinaunang tao sa Pilipinas sa yungib ng Tabon sa Palawan.
Armand Mijares
Robert B. Fox
Charles Darwin
Siya ay isang arkeologo na mula sa UP na nakahukay ng isang maliit na buto sa paa (metatarsal) ng sinaunang tao sa yungib ng Callao sa lambak ng Cagayan.
Charles Darwin
Manuel Santiago
Armand Mijares
Naniniwala siya na iisang lahi lamang ang pinagmulan ng mga tao sa rehiyong Timog-Silangang Asya. Higit din niyang pinaniwalaan ang teorya ng ebolusyon.
Peter Bellwood
F. Landa Jocano
Manuel Santiago
Siya ang sumulat ng aklat na The Origin of Species by Means of Natural Selection na nagsasaad ng pinagmulan ng tao sa mundo sa pamamagitan ng ebolusyon.
Manuel Santiago
Armand Mijares
Charles Darwin
Ito ay ginamit ng mga sinaunang tao bilang libingan ng ng mga buto ng sinaunang tao.
Flower Vase
Manunggul Jar
Mason Jar
