wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

MAHABANG PAGSUSULIT SA KOM. PAN.

Total questions: 30

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

1.) Tumutukoy ito sa maka-agham na pag-aaral ng ponema o tunog.

a)

Morpolohiya

b)

Ponemang Segmental

c)

Ponolohiya

d)

Ponemang Suprasegmental

2.

2.) Alin sa mga sumusunod ang TAMANG KAHULUGAN ng salitang ‘PAHIRIN’?

a)

Lagyan

b)

Tapun

c)

Alisin

d)

Ayusin

3.

3.) Ito ay tumutukoy sa Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino na isinasang-alang ng tao ang ugnayan sa mga taong kausap, impormasyong pinag-uusapan, at lugar ng pag-uusap.

a)

Kakayahang Diskorsal

b)

Kakayahang Pragmatik

c)

Kakayahang Gramatikal/Lingguwistiko

d)

Kakayahang Sosyolingguwistiko

4.

4.) Ang Halimbawang: SENYORITO - SENYORITA ay nabibilang sa anong halimbawa ng pag-aaral ng morpolohiya.

a)

Salitang-ugat

b)

May Kahulugang Leksikal

c)

Pangkayarian

d)

Ponema

5.

5.) Sa ‘Tamang Gamit ng mga Pangungusap’ ALAMIN kung saan nabibilang ang nasabing halimbawa: “Arnold, samahan mo si Luis.”

a)

Paturol

b)

Patanong

c)

Pautos

d)

Padamdam

6.

6.) Ito ay tumutukoy sa Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino na matukoy ang kahulugan at mensaheng SINASABI at DI SINASABI batay sa ikinikilos ng kausap.

a)

Kakayahang Diskorsal

b)

Kakayahang Gramatikal

c)

Kakayahang Sosyolingguwistiko

d)

Kakayahang Pragmatik

7.

ALAMIN kung ano ang Tamang Salita sa nasabing halimbawa:

“Magsumikap ka _______ ang buhay mo’y umangat.”

a)

Ng

b)

Nang

8.

8.) Ito ay tumutukoy sa ponemang segmental na sinusundan ng malapatinig na /w/ o /y/ sa loob ng isang pantig.

a)

Klaster

b)

Titik

c)

Diptonggo

d)

Pares-Minimal

9.

Alin sa mga sumusunod ang TAMANG KAHULUGAN ng salitang ‘OPERAHIN’?

a)

Tumutukoy sa tao, at hindi sa bahagi ng katawan

b)

Tumutukoy sa proseso ng pag-oopera sa bahagi ng katawan

c)

Tumutukoy sa tiyak na bahagi ng katawan

d)

Tumutukoy sa paggamot sa bahagi ng katawan

10.

10.) Ito ay HALIMBAWA ng anong Ponemang Segmental:

BLUSA: SOMBRERO: RELAKS:

a)

Pares Minimal

b)

Klaster

c)

Diptonggo

d)

Titik

11.

11.) Sa ‘Tamang Gamit ng mga Pangungusap’ ALAMIN kung saan nabibilang ang nasabing halimbawa: “Maraming magagandang pook sa Pilipinas.”

a)

Padamdam

b)

Paturol

c)

Pautos

d)

Patanong

12.

12.) Isa sa mga Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino na tumutukoy sa kakayahan ng taong magsalita at magamit ang kasanayan sa pang unawa at pagpapahayag ng LITERAL NA KAHULUGAN NG SALITA.

a)

Kakayahang Pragmatik

b)

Kakayahang Diskorsal

c)

Kakayahang Sosyolingguwistiko

d)

Kakayahang Gramatikal

13.

13.) ALAMIN kung ano ang Tamang Salita sa nasabing halimbawa:

“Pangarap _______ makapagtapos ng pag -aaral.”

a)

Kung

b)

Kong

14.

14.) Ito ay tumutukoy Ponemang Segmental na ‘magkatulad ang bigkas’ SUBALIT ‘magkaiba ang kahulugan.’

a)

Ponemang Malayang Nagpapalitan

b)

Pares Minimal

c)

Diptonggo

d)

Klaster

15.

15.) Alin sa mga sumusunod ang TAMANG KAHULUGAN ng salitang ‘SUBUKIN‘?

a)

Malihim na pag-ooserba

b)

Maingat na pagsunod

c)

Pagsupil sa Kakayahan

d)

Pagsisiyasat sa lakas

16.

16.) Ito ay tumututukoy sa pagsusuri sa mga paraan ng pagbuo ng mga salita sa isang wika.

a)

Ponema

b)

Morpolohiya

c)

Ponolohiya

d)

Morpema

17.

17.) Sa ‘Tamang Gamit ng mga Pangungusap’ ALAMIN kung saan nabibilang ang nasabing halimbawa: “Maaari bang buksan mo ang bintana, Ella?”

a)

Paturol

b)

Pautos

c)

Patanong

d)

Padamdam

18.

18.) ALAMIN kung ano ang Tamang Salita sa nasabing halimbawa:

“Buhay _______ ng asawa niya ang nakasalalay dito.”

a)

Raw

b)

Daw

19.

19.) Ang mga sumusunod ay sakop ng pag-aaral ng Morpolohiya, MALIBAN SA ISA:

a)

Salitang-ugat

b)

Diptonggo

c)

Panlapi

d)

Pangkayarian

20.

20.) Ayon sa pag-aaral sa Ponolohiya, ito ay ‘tumutukoy sa mga tunog na kumamatawan sa titik ng ating alpabeto.’

a)

Titik

b)

Ponemang Segmental

c)

Klaster

d)

Ponemang Suprasegmental

21.

21.) Alin sa mga sumusunod ang TAMANG KAHULUGAN ng salitang ‘WALISIN‘?

a)

Tumutukoy sa lugar o pook

b)

Tumutukoy sa wastong pag-aayos

c)

Tumutukoy sa wastong paglilinis

d)

Tumutukoy sa bagay na aalisin

22.

22.) Ito ay tumutukoy sa Ponemang Suprasegmental na ang kahulugan ay ang PAGTAAS at PAGBABA ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita.

answer choices

a)

Diin

b)

Titik

c)

Tono

d)

Antala

23.

23.) ALAMIN kung ano ang Tamang Salita sa nasabing halimbawa:

“ _________ kaming palaisdaan sa Valenzuela.”

a)

May

b)

Mayroon

24.

24.) Kabilang sa anong pag-aaral ng Ponolohiya ang mga sumusunod: TONO, DIIN, at ANTALA.

a)

Ponemang malayang nagpapalitan

b)

Ponemang Segmental

c)

Ponemang Suprasegmental

d)

Ponema o Titik

25.

25.) Alin sa mga sumusunod ang TAMANG KAHULUGAN ng salitang ‘NABASAG’?

a)

Pagsadya sa Kilos

b)

Hindi Pagsadya sa Kilos

c)

Pagbuo ng Kilos

d)

Hindi Pagbu.o ng Kilos

26.

26.) Sa ‘Tamang Gamit ng mga Pangungusap’ ALAMIN kung saan nabibilang ang nasabing halimbawa: “Rona, tawagin mo si Larry.”

a)

Paturol

b)

Pautos

c)

Patanong

d)

Padamdam

27.

27.) Ito ay isa sa mga Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino na nagbibigay ng ‘wastong interpretasyon sa napakinggan o nabasang pangungusap o pahayag.’

a)

Kakayahang Gramatikal

b)

Kakayahang Pragmatik

c)

Kakayahang Diskorsal

d)

Kakayahang Sosyolingguwistiko

28.

28.) Ito ay tumutukoy sa pagsasama-sama o pag-uugnay ng mga salita upang bumuo ng pangungusap.

a)

Paturol

b)

Palaugnayan

c)

Pasalaysay

d)

Pamamalabu-ay

29.

29.) ALAMIN kung ano ang Tamang Salita sa nasabing halimbawa:

“ May pangarap _________ siyang makapagtrabaho sa Amerika.”

a)

Din

b)

Daw

30.

30.) Ang mga sumusunod ay sakop ng anong uri ng pag-aaral ng Istruktura at Kalikasan ng Wikang Pilipino: SALITANG-UGAT, PANLAPI, KAHULUGANG LEKSIKAL, at PANGKAYARIAN.

a)

Ponolohiya

b)

Morpolohiya

c)

Ponema

d)

Morpema