NEW
Font size
WorksheetsFEU G4 AP Exam Reviewer (2nd Quarter)
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Sa panahon ng kalamidad, ano ang pamalit na produktong ginagawa sa Rehiyon 1?
asin at bagoong
kumot at tuwalya
tabako, bawang, at iba pang gulay
lampara at dekorasyong pambahay
Ito ang nangungunang lalawigan sa pagprodyus ng ramie at nagpoprodyus din ng Irish potatoes.
Cotabato
Bukidnon
Sultan Kudarat
Butuan
Bakit maganda at maayos ang tubo at ani ng palay sa Gitnang Luzon?
Malawak ang kapatagan nito.
Naliligiran ito ng katubigan.
May mga kabundukan ito.
Mga mga bulkan ito.
Alin sa mga sumusunod na rehiyon sa Luzon ang tinatawag na “Rehiyon ng Abaka ng Pilipinas”?
Rehiyon 1 - Rehiyon ng Ilocos
Rehiyon 2 – Rehiyon ng Lambak ng Cagayan
Rehiyon 4-A - CALABARZON
Rehiyon 5 – Rehiyon ng Bicol
Saang produkto nagging tanyag ang lalawigan ng Bataan?
sa deposito ng chromite
sa deposito ng copper
sa produktong abaka
sa malaking taniman ng palay
Tama o Mali. Sa Camarines Sur matatagpuan ang pangalawa sa pinakamaliit na isda sa buong mundo at sa Sorsogon naman ang pinakamalaking isda sa buong mundo.
Tama
Mali
Ito ay itinuturing na pinakamahabang tulay sa Pilipinas na nagdurugtong sa Pulo ng Samar at Leyte.
Macapagal Bridge
Cansaga Bridge
San Juanico Bridge
Agas-agas Bridge
Kilala ang pook bilang pangisdaan.
Antique
Aklan
Capiz
Iloilo
Lalawigan sa Visayas na itinuturing na pinakamalaking minahan ng tanso sa Timog–Silangang Asya.
Leyte
Samar
Iloilo
Cebu
Kilala ang lugar na ito sa dried mango.
Masbate
Cebu
Guimaras
Bohol
Ito ang itinuturing na Sugar Capital of the Philippines.
Negros
Iloilo
Bacolod
Aklan
Dito matatagpuan ang libo-libong ektarya ng asyenda ng pinya sa Mindanao.
Cotabato
Cebu
Zamboanga
Bukidnon
Halamang panggamot na matatagpuan sa Rehiyon X na ginagamit laban sa sakit na Malaria.
Laurel
Anahaw
Cinchona
Lagundi
Ano ang pangunahing produktong pangkomersyo ng mga taga Hilagang Mindanao?
palay
mani
abaka
niyog
Kilala ang rehiyong ito sa natatanging prutas na suha at durian.
Davao
Basilan
Zamboanga del Sur
Cotabato
Dito matatagpuan ang industriya ng plywood.
Misamis Oriental
Davao
Bukidnon
Sultan Kudarat
Ang rehiyong ito sa Mindanao ang kilala sa pagprodyus at pagbenta ng cut flowers.
ARMM
CARAGA
Hilagang Mindanao
SOCCSKARGEN
Ano ang pangunahing dahilan ng pagkasira ng kapaligiran?
Ang pagdami ng mga taong nakapagtapos ng pag-aaral
Paglalagay ng mga artipisyal na bahura sa dagat
Ang mga gawaing pangkabuhayan ng tao
Pagtatanim ng mga puno sa kagubatan
Ano ang kahulugan ng likas kayang pag-unlad?
Pagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng mga tao sa darating na panahon.
Pagpapaunlad ng mga negosyong pang-industriyal at pang-internasyunal.
Pagpapalago ng mga modernong paraan ng pamumuhay.
Paggamit ng makabagong teknolohiya.
Paano natin mapagbubuti at mapauunlad ang uri ng mga produkto o kalakal ng bansa?
Gumamit ng mga imported na materyales at makinarya.
Gumamit ng tamang lokal na materyales at gawin nang mahusay.
Gumamit ng mga imported na materyales at magpatulong sa mga dayuhang eksperto.
Gumamit nang tamang lokal na materyales at ipagawa sa mga mahusay na dayuhang manggagawa.
Bakit kailangang makilahok ang mga mamamayan sa mga gawaing pangkaunlaran ng pamahalaan?
Sila ang nakapagpapatupad ng mga proyektong kaunlaran.
Sila ang nakapagpaplano ng mga programang pangkaunlaran.
Sila ang nagpapatupad ng mga batas na pangkaunlaran ng bansa.
Sila ang nagtatamasa ng mga bunga ng kaunlaran.
Ang mga sumusunod ay aspekto ng likas kayang pag-unlad, maliban sa isa.
Pang-ekonomiya
Pangtao
Pangkalikasan
Panlipunan
Anong sangay ng pamahalaan ang nangangalaga sa Kalikasan?
DOH
DENR
DTI
PAGASA
Alin sa mga gawain ng mga tao ang nakakapinsala sa mga likas na yaman?
Pagtatalaga ng pamahalaan ng mga Bantay Dagat
Paglalagay ng mga artipisyal na bahura sa dagat
Paggamit ng dinamita sa pangingisda
Pagtatanim ng mga puno sa kagubatan
Alin ang susuportahan mo upang mabawasan ang pagdami ng mga basurang plastic sa paligid?
Paggamit ng styrofoam
Paggamit ng plastik na kutsara sa mga fastfood chain
Paggamit ng bayong at eco-bag
Pagsasama-sama ng mga uri ng basura
