NEW
Font size
WorksheetsFilipino 4 3rd Quarter Exam
Total questions: 40
Worksheet time: 1hrs 20mins
Ang basura ay itapon sa tamang lalagyan. Alin ang angkop na tanong na tutugon sa salitang may salungguhit?
Saan dapat itapon ang basura?
Bakit dapat itapon ang basura sa tamang lalagyan?
Alin ang basura?
Ang mga puno ay ibalik sa kalikasan upang maging kaaya-aya itong tingnan. Alin ang angkop na tanong na tutugon sa salitang may salungguhit?
Bakit kailangang ibalik ang mga puno sa kalikasan?
Anu-ano ang dapat ibalik sa kalikasan upang maging kaaya-aya itong tingnan?
Ano ang mga puno?
Ang ating inang kalikasan ay dapat nating alagaan.. Alin ang angkop na tanong na tutugon sa salitang may salungguhit?
Ano ang ating dapat nating alagaan?
Sino ang dapat nating alagaan?
Bakit dapat nating alagaan ang inang kalikasan?
Ang kapaligiran ay higit na maaapektuhan kung tuluyan itong mauubos at masisira. Alin ang angkop na tanong na tutugon sa salitang may salungguhit?
Bakit ang kapaligiran ay higit na maaapektuhan kung tuluyan itong mauubos at masisira?
Alin ang higit na maaapektuhan kung tuluyan itong mauubos at masisira?
Saan ito higit na maaapektuhan?
Ang aking mga magulang ay mahilig magtanim ng mga halaman at bulaklak. Alin ang angkop na tanong na tutugon sa salitang may salungguhit?
Sinu-sino ang mahilig magtanim ng mga halaman at bulaklak?
Bakit mahilig magtanim ng mga halaman at bulaklak?
Ano ang hilig itanim ng aking mga magulang?
Ayaw nang (labas) __________________ ng bahay ang uwak upang makipaglaro mamaya.
lumabas
lumalabas
lalabas
Parati na lang (tukso) ___________________ si uwak dahil sa kanyang kulay at boses ngayon.
tinukso
tinutukso
tutuksuhin
(Laki) _____________________ siyang mas maitim kaysa sa kanyang mga magulang noon.
lumaki
lumalaki
lalaki
Ngayon (anyaya)__________________ ang unggoy na maupo sa ilalim ng puno.
inanyayahan
inaanyayahan
aanyahan
(Lagas) ______________________ ang balahibo ng uwak dahil sa pagbabago ng panahon noon.
nanlagas
nanlalagas
manlalagas
May (dating) ___________________ daw na malakas na bagyo sa kanilang bayan bukas.
dumating
dumadating
darating
(Ipon) _______________________ ng maraming pagkain at tubig ang mag-anak kahapon
nag-ipon
nag-iipon
mag-iipon
(bukas) ____________________ ng kanilang pamilya ang kanilang tahanan para sa mahihirap noon.
binubuksan
bubuksan
binuksan
Malakas na (tawag) __________________ ng nanay ang kanyang mga anak sa labas upang kumain kanina.
tatawagin
tinawag
tinatawag
Mag-iipon na ang mga bata ng mga resaykel na gamit para sa susunod na taon. Alin ang pandiwang ginamit sa pangungusap?
mag-iipon
bata
gamit
Lumikha ang magkapatid ng mga kapaki-pakinabang na bagay mula sa lumang gamit. Alin ang pandiwang ginamit sa pangungusap?
magkapatid
lumikha
luma
Ipagbabawal ang paggamit ng basong plastik sa paaralan.. Alin ang pandiwang ginamit sa pangungusap?
baso
paaralan
ipagbabawal
Nakikinabang siya sa basura. Alin ang pandiwang ginamit sa pangungusap?
nakikinabang
siya
basura
Ang mga bagay na itinapon ay hindi dapat masayang. Alin ang pandiwang ginamit sa pangungusap?
bagay
itinapon
masaya
Anong aspekto ng pandiwa ang mag-iipon?
perpektibo
imperpektibo
kontemplatibo
Anong aspekto ng pandiwa ang lumilikha?
pawatas
perpektibo
imperpektibo
Anong aspekto ng pandiwa ang isama?
kontemplatibo
pawatas
imperpektibo
Kami ay masaya sa aming natanggap. Anong pokus ng pandiwa ang may salungguhit sa pangungusap?
aktor
gol
lokatib
Nag-away ang magkaibigan hinggil sa pera. Anong pokus ng pandiwa ang may salungguhit sa pangungusap?
gol
benepaktib
aktor
Nag-away ang magkaibigan hinggil sa pera. Anong pokus ng pandiwa ang may salungguhit sa pangungusap?
gol
benepaktib
aktor
Ipinagdasal niya ang mga manlalaro. Anong pokus ng pandiwa ang may salungguhit sa pangungusap?
aktor
gol
lokatib
Ang mga kalahok ay binigyan ng sertipiko. Anong pokus ng pandiwa ang may salungguhit sa pangungusap?
aktor
gol
benepaktib
Ang sulat ay binuksan ng magkaibigan upang mabasa ang
nilalaman nito. Anong pokus ng pandiwa ang may salungguhit sa pangungusap?
aktor
gol
lokatib
Iluluto ko ang paboritong ulam ng aking kapatid. Anong pokus ng pandiwa ang may salungguhit sa pangungusap?
gol
lokatib
benepaktib
Pinahingahan ng tao ang ilalam ng puno. Anong pokus ng pandiwa ang may salungguhit sa pangungusap?
gol
lokatib
benepaktib
Ang bahay ay pinaglagyan niya ng gamit. Anong pokus ng pandiwa ang may salungguhit sa pangungusap?
lokatib
aktor
gol
Ang mga mag-aawit ay nagsama-sama sa entablado. Anong pokus ng pandiwa ang may salungguhit sa pangungusap?
aktor
lokatib
benepaktib
Nag-ani sila ng limang uri ng gulay (pamilang)
Ano ang angkop na pang-uri sa pangungsap ayon sa uri nito na nasa panaklong?
nag-ani
lima
gulay
Masarap isama sa nilagang karne ang petsay-Baguio (pantangi). Ano ang angkop na pang-uri sa pangungsap ayon sa uri nito na nasa panaklong?
masarap
uminom
petsay-Baguio
Mahilig uminom si Lolo ng kapeng-Batangas (pantangi). Ano ang angkop na pang-uri sa pangungsap ayon sa uri nito na nasa panaklong?
mahilig
lolo
kapeng-batangas
Ang pagsasaka ay mahalagang hanapbuhay sa Pilipinas (panlarawan). Ano ang angkop na pang-uri sa pangungsap ayon sa uri nito na nasa panaklong?
pagsasaka
mahalaga
Pilipinas
Kaunting bata lamang ang nais magtrabaho sa bukid (pamilang). Ano ang angkop na pang-uri sa pangungsap ayon sa uri nito na nasa panaklong?
bukid
kaunti
lamang
Nakatikim ka na ba ng manggang- Zambales? ( pantangi) Ano ang angkop na pang-uri sa pangungsap ayon sa uri nito na nasa panaklong?
nakatikim
manggang-Zambales
mangga
Ang mga gulay na nabili ko ay sariwang-sariwa (panlarawan). Ano ang angkop na pang-uri sa pangungsap ayon sa uri nito na nasa panaklong?
gulay
nabili
sariwang-sariwa
Tunay na magandang pagmasdan ang mga tanawin sa bansang Pilipinas (panlarawan). Ano ang angkop na pang-uri sa pangungsap ayon sa uri nito na nasa panaklong?
tunay
maganda
bansang-Pilipinas
