wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Araling Panlipunan 7- 4th Quarter

Total questions: 30

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Ang tula na "The White Man's Burden" ay isinulat ni Rudyard Kipling noong 1899. Sa tula na ito ay binigyang-katuwiran ni Kipling ang ginawang pananakop sa mga kanluranin. Ang isinasaad sa pangungusap ay ____________.

a)

Tama

b)

Mali

2.

Piliin sa ibaba ang isa sa dahilan na nagbunsod sa mga kanluranin na sakupin ang Timog-Silangang Asya?

a)

Paghahanap ng bagong ruta

b)

Pananakop ng mga lupain

c)

Pagkuha ng ginto

d)

Pakikipagkalakalan

3.

Ano ang kahalagahan ng paglalakbay ni Magellan?

a)

Naipalaganap niya ang Kristiyanismo

b)

Napatunayan niyang bilog ang mundo

c)

Natuklasan niya ang Pilipinas

d)

Nakahanap siya ng bagong ruta patungong silangan

4.

Patakaran na naglalayon na mailipat ang mga katutubo na naninirahan sa malalayong lugar upang matiyak ang kanilang kapangyarihan sa kolonya.

a)

Reduccion

b)

Divide and Rule Policy

c)

Isolationism

d)

Open Door Policy

5.

Sa ilalim ng patakarang ito ay sapilitang pinagtatrabaho ang mga kalalakihang edad 16 hanggang 60. Pinapagawa sila ng tulay, kalsada, simbahan, gusaling pampamahalaan at iba pa.

a)

Tributo

b)

Kalakalang Galyon

c)

Monopolyo

d)

Polo y Servicio

6.

Ano ang epekto ng sapilitang paggawa sa mga Pilipino noong panahon ng mga Espanyol?

a)

Umunlad ang pamumuhay dahil lahat ay may trabaho

b)

Marami ang nahiwalay sa pamilya.

c)

Umunlad ang pamumuhay ng mga nahiwalay sa pamilya

d)

Marami ang nahiwalay sa pamilya at namatay sa hirap.

7.

Piliin sa ibaba ang tatlong bansa na sumakop sa Indonesia.

a)

Portugal

b)

Japan

c)

Netherlands

d)

USA

e)

England

8.

Kilala bilang Spice Island. Ito lupain na nais marating ng mga kanluranin upang makontrol nila ang kalakalan ng mga pampalasa. Sa kasalukuyan, ito ay bahagi ng bansang Indonesia.

(a)  

9.

Itinatag ng pamahalaan ng bansang ito ang Dutch East India Company noong 1602 upang pag-isahin ang mga kompanya na nagpapadal ng paglalayag sa Asya.

a)

Netherlands

b)

England

c)

Portugal

d)

Spain

10.

Alin sa mga sumusunod na bansa ang nagpatupad ng Isolationism o paghihiwalay ng kaniyang bansa mula sa daigdig?

a)

Pilipinas

b)

India

c)

Indonesia

d)

China

11.

Isang halamang gamot na kapag inabuso ay nagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan. Dahil dito, hindi pumayag ang emperador ng China na ipinasok ito ng England sa kanilang bansa.

(a)  

12.

Paano nakaapekto sa Japan ang pagpapatupad nila ng isolationism? Pumili ng tatlo.

a)

Napaunlad ang ekonomiya

b)

Napatingkad ang kultura at pagpapahalaga

c)

Nasakop ang ilang bansa sa Asya

d)

Napatatag ang pamamahala

13.

Ilang siglo nasakop ng Spain ang Pilipinas?

(a)  

14.

Kailan pormal na naisalin sa kamay ng United States ang pamumuno sa Pilipinas sa bisa ng Kasunduan sa Paris?

a)

Disyembre 9, 1898

b)

Disyembre 10, 1898

c)

Disyembre 9, 1899

d)

Disyembre 10, 1899

15.

Ang patakarang ito ay iminungkahi ni Johannes Van den Bosch. Sa ilalim ng patakarang ito, inatasan ng mga Dutch ang mga magsasakang Indones na ilaan ang sanlimang(1/5) bahagi ng kanyang lupain o 66 na araw para sa pagtatanim ng mga produktong iniluluwas ng mga Dutch.

a)

Spheres of Influence

b)

Cultivation System

c)

Resident System

d)

Extraterritoriality

16.

Nawala sa kamay ng Shogunato ng Tokugawa ang kapangyarihan. Ito ay pinalitan ng ng bagong tatag na pamahalaan sa pamumuno ni Emeprador Mutsuhito na nagsimulang manungkulan sa edad na 15. Ang kanyang pamumuno ay tinawag na Meiji Era na ang ibig sabihin ay ________.

a)

Enlightened Rule

b)

Modern Era

c)

Neolithic Period

d)

Military Power

17.

Nakilala ang bansang ito bilang isa sa pinakamaganda at pinakamaunlad na daungan sa Timog Silangang Asya. Ang pangalan nito ay salitang Malay na ang ibig sabihin sa English ay Lion City.

(a)  

18.

Bakit mahalaga para sa England ng Burma?

a)

Magagamit niya ito upang mapigilan ang magtatangkang sumakop sa silangang bahagi ng India

b)

Nakakakuha sila dito ng mga pampalasa na ibinebenta sa Europa

c)

Mayroon itong mahuhusay na daungan

d)

Isa ito sa kinukuhanan nila ng mga hilaw na materyales sa paggawa ng produkto

19.

Bakit tinawag na Indo-China ang rehiyon na kinabibilangan ng Laos, Cambodia at Vietnam?

a)

Ang mga bansang ito ay sakop ng China

b)

Kabilang sila sa iisang rehiyon lamang

c)

Naimpluwensiyahan sila ng kultura ng india at China

d)

Kabilang sila sa iisang samahan sa naglalayong paalisin ang mga kanluranin

20.

Ang rebelyong ito ay itinatag ni Hung Hsiu Ch'uan upang labanan ang dinastiyang Qing upang mapahinto ang pamumuno ng mga dayuhan sa kanilang bansa.

a)

Rebelyong Taiping

b)

Rebelyong Boxer

21.

Ang mga sumusunod ay paglalarawan kay Sun Yat Sen maliban sa isa.

a)

Isinulong niya ang pagkaakisa ng mga Tsino gamit ang tatlong prinsipyo: nasyonalismo, demokrasya at kabuhayang pantao.

b)

Siya ang Ama ng Komunistang Tsino

c)

Pinamunuan niya ang mga Tsino sa pagpapatalsik sa mga Manchu sa tanyag na Double Ten Revolution

d)

Itinatag niya ang Partido Kuomintang o Nationalist Party noong 1912

22.

Sa ilalim ng pamumuno ni Emperador Mutsuhito ay tinanggap ng mga Hapones ng mga kanluranin sa bisa ng Kasunduang Kanagawa. Maliban sa paglipat niya ng kabisera ng Japan sa Edo(Tokyo ngayon) at saan pa nakilala si Mutsuhito.

a)

Sa pagbubukas niya ng mga daungan para sa iba pang mga bansa sa Europa

b)

Nakipag-isang dibdib siya isang maharlikang kanluranin

c)

Pagyakap niya sa impluwensiya ng mga kanluranin na kaniyang ginamit upang mapaunlad ang Japan

d)

Pagpapalawak ng nasasakupan sa pamamagitan ng pananakop sa buong Asya

23.

Anyo ng pamahalaan kung saan ay taglay ng sambayanan ang kapangyarihan.

a)

Monarkiya

b)

One Party Government

c)

Militar

d)

Demokrasya

24.

Anyo ng pamahaaan na walang pinapanigan at hindi kaanib sa anumang partido politikal.

a)

Monarkiya

b)

One Party Government

c)

Militar

d)

Demokrasya

25.

Sa kasalukuyan, anong uri ng pamahalaan ang umiiral sa ating bansa?

a)

Monarkiya

b)

One Party Government

c)

Militar

d)

Demokrasya

26.

Anong bansa sa Timog Silangang Asya ang may dating pangalan na Siam at tinatawag ding "Land the the Free"?

a)

Malaysia

b)

Singapore

c)

Thailand

d)

Indonesia

27.

Sa anong taon nagwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

(a)  

28.

Di-tuwirang pananakop sa isang bansang malaya na may mahinang ekonomiya na umaasa sa isang makapangyarihang bansa.

a)

Kolonyalismo

b)

Merkantilismo

c)

Neokolonyalismo

d)

Imperyalismo

29.

Piliin sa ibaba ang mga bansang kabilang sa Timog Silangang Asya.

a)

Pilipinas

b)

Indonesia

c)

Japan

d)

Vietnam

30.

Aling mga bansa ang kabilang sa Silangang Asya?

a)

Thailand

b)

Taiwan

c)

Japan

d)

China