NEW
Font size
WorksheetsA.P. (National Capital Region) 4th Q- Part 1
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Bakit marami ang naninirahan sa NCR?
Dahil maraming oportunidad dito upang makapag-aral at kumita.
Dahil maraming naggagandahang gusali dito.
Dahil sentro ito ng bansa.
Dahil makabago ito.
Ito ay tumutukoy sa mga gawaing may kinalaman sa paggawa at paggamit ng mga produkto, gayundin sa pagdala ng mga ito sa iba’t ibang lugar?
turismo
ekonomiya
pulitika
edukasyon
Ito ay isang pangunahing sangkap sa pananalapi upang mapatatag at sumusukat sa ating ekonomiya.
kalusugan
edukasyon
pagkain
pera
Ito ang sentro ng pulitika, pangangalakal, lipunan, kultura, at edukasyon ng Pilipinas.
Luzon
Mindanao
NCR
CAR
Dito matatagpuan ang Pambansang Punong Pandaungan ng Pilipinas.
Manila
Makati
Q. C.
Pasig
Alin sa mga sumusunod ang nakapagpapadali ng transportasyon at pagbyahe ng mga produkto ng ating rehiyon?
konkretong daan
lubak-lubak na daan
ulan
baha
Ito ay HINDI halimbawa ng imprastraktura na ginagamit sa transportasyon.
konkretong daan
mga daungan
mga paliparan
pampublikong paaralan
Ilan ang distrito sa National Capital Region?
1
2
3
4
Ito ang pinakamaunlad na rehiyon sa bansa.
ARMM
NCR
CAR
Region 4-A
Ito ang kabisera ng Pilipinas.
Quezon City
Cebu City
Makati City
Manila City
Anong ilog sa NCR ang nagsisilbing pangunahing pantawid at transportasyon sa kalakhang Maynila?
Ilog Pasig
Cagayan River
Marikina River
San Juan River
Ito ay tumutukoy sa bilang ng tao o pangkat ng tao na mayroon kakayahang maghanap buhay upang mapaunlad ang sarili at ang lugar na kanyang kinabibilangan.
Edukasyon
Ekonomiya
Yamang Tao
Pamahalaan
Ano ang dating kabisera ng Pilipinas?
Quezon City
Manila City
Pasig City
Makati City
Ito ang sentro ng pananalapi at negosyo sa Pilipinas.
Quezon City
Manila City
Pasig City
Makati City
Kilala bilang “Auto Parts Capital of the Philippines”.
Timog Avenue
Banawe
Araneta City
Tomas Morato
Bakit tinaguriang “Kabisera ng Pananalapi” ang Makati?
Mayayaman ang mga taong nakatira dito.
Dito matatagpuan ang malalaking opisinang pangkalakalan ng bansa.
Pangunahing lungsod ito ng bansa.
Malinis ito at bihirang bahain.
Saang lungsod matatagpuan ang mga istasyon ng telebisyon tulad ng GMA at ABS-CBN?
Mandaluyong
Parañaque
Caloocan
Quezon
Alin sa sumusunod na lugar sa Maynila ang unang panahanan ng mga Kastila at kilala ngayong pasyalan kung saan matatagpuan ang Fort Santiago at Manila Cathedral?
Divisoria
Quiapo
Intramuros
Malate
Alin sa apat na distrito ng Kalakhang Maynila ang may pinakamaraming sakop na lungsod?
unang distrito
ikatlong distrito
ikalawang distrito
ikaapat na distrito
Bakit tinaguriang “Chief Port of the Philippines” ang Maynila?
Dahil narito ang Ilog Pasig.
Dahil narito ang dalawang malalaking pantalan o daungan sa bansa.
Dahil nasa sentro ito ng Luzon.
Dahil maraming estero ang Maynila.
Ano-anong lugar sa lungsod ng Maynila ang kilala bilang pamilihan ng mga murang kagamitan?
Pandacan at Tondo
Quiapo at Divisoria
Sampaloc at Divisoria
Sa lungsod na ito matatagpuan ang Ortigas Center na isa mga mga “business district” ng bansa.
Makati City
Quezon City
Mandaluyong City
Pasig City
Ang Marikina City ay kilala bilang pagawaan ng sapatos. Saan kinukuha ng Marikina City ang mga balat ng hayop na ginagamit sa paggawa ng sapatos?
Lalawigan ng Bulacan sa Rehiyon III
Lalawigan ng Laguna sa Rehiyon IV-A
Lalawigan ng Rizal sa Rehiyon IV-A
Lalawigan ng Pampanga sa Rehiyon III
Ito ang pinakamataong lungsod sa bansa.
Quezon City
Pasay City
Mandaluyong City
Manila City
Sa lungsod na ito matatagpuan ang mga pagawaan ng sabon, toothpaste at kendi.
Quezon City
Caloocan City
Valenzuela City
Muntinlupa City
Ito ay industrial na lungsod kung saan matatagpuan ang mga pabrika ng tela, tiles, at pagawaan ng mga damit na Ready-to-Wear (RTW).
Parañaque City
San Juan City
Pasig City
Taguig City
Ano-anong mga lansangan sa Quezon City ang kilala sa mga hile-hilerang mga restawran?
Quezon Ave. at Timog Ave.
Tomas Morato Ave. at Timog Ave.
EDSA at Commonwealth Ave.
North Ave. at West Ave.
Distrito sa lungsod ng Maynila na kilala bilang tirahan ng mga kumpol na awtentikong restawran ng mga Tsino.
Quiapo
Sampaloc
Binondo
Malate
Ang lungsod na ito ay may mga pagawaan ng nagpoproseso ng tubo upang gawing asukal.
Malabon City
Pateros
Navotas City
Pasay City
Ang lungsod na ito ang bagsakan ng sari-saring isda mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Malabon City
Pasay City
Manila City
Navotas City
Ang lungsod na ito at dating kabisera ng lalawigan ng Rizal.
Marikina City
Pasig City
Mandaluyong City
Pateros
Dito matatagpuan ang mga pagawaan ng itlog na maalat.
Navotas
Marikina
Taguig
Pateros
Dito matatagpuan ang mga pagawaan ng asin.
Pasig City
Parañaque City
Pasay City
Pateros
Saang lungsod matatagpuan ang tinaguriang “University Belt” o “Sinturon ng mga Pamantasan” na kilala sa buong bansa?
Quezon City
Pasay City
Mandaluyong City
Manila City
Saan kinukuha ng Malabon City ang mga tubo na ginagawa nilang asukal?
Central Luzon
Mindanao
Visayas
Southern Luzon
Anong lungsod ang kilala sa sistemang bulungan o sistema ng pagtatawaran ng halaga ng isda?
Navotas City
Malabon City
Manila City
Pasay City
Anong industriya sa NCR ang may pinakamababang bilang ng mga taong naghahanap-buhay?
Wholesale at Retail Industries
Manufacturing
Pagmimina at Quarrying
Edukasyon at Pagkain
Ano-anong industriya sa NCR ang may pinakamaraming bilang ng mga taong naghahanap-buhay?
Wholesale at Retail Industries
Manufacturing
Pagmimina at Quarrying
Edukasyon at Pagkain
Anong lungsod ang kilala sa pagawaan ng pabango na mula sa bulaklak na ilang-ilang?
Navotas City
Malabon City
Manila City
Pasay City
Anong lungsod ang kilala sa pagawaan ng sapatos at tsinelas?
Marikina City
Malabon City
Manila City
Mandaluyong City
