Font size
WorksheetsEsP 9, Modyul 13: Pansariling Salik sa Pagpili ng SHS Track
Total questions: 20
Worksheet time: 20mins
Alin sa mga sumusunod ang unang hakbang sa pagpaplano ng iyong kukuning track sa SHS?
Pagsusuring Pansarili
Pag-enrol sa SHS
Pagpili ng paaralan
Pagpapatahi ng Uniporme
Sa pagsagot ng Multiple Intelligences Survey Form na likha ni Walter McKenzie, 1999, ano ang maaari mong matuklasan sa iyong sarili?
ang iyong kasanayan
ang iyong mga talento
ang iyong hilig
ang iyong mga pagpapahalaga
Alin ang HINDI kabilang sa mga pansariling salik sa pagpili ng track o kurso?
Hilig
Talento
Katayuang Pinansyal
Kasanayan
Sa resulta ng Multiple Intelligence Survey ni Ranna, nakakuha siya ng pinakamataas na iskor sa Bodily Kinesthetic. Ano ang ibig sabihin nito?
Siya ay mahilig sa pag-awit at pagtugtog ng musical instruments.
Siya ay may talento sa pagkulay at pagguhit ng mga anyo.
Siya ay matalino sa numero at problem solving.
Siya ay mayroong talento sa pagsayaw at mayroong mahusay na koordinasyon sa kanyang isip at kilos.
Ang Holland Codes (RIASEC) ay binuo ni John L. Holland. Ano ang kahulugan ng S nito?
Simplicity
Societal
Social
System
Ayon kay Jurgen Habermas, Alemang pilosoper, ang tao ay nilikha upang makibahagi sa buhay-sa-mundo (lifeworld). Kung gayun, ang tao ay inaasahang:
maging makasarili
makipagkapuwa
makialam
magpakitang-gilas
Bakit mahalagang maitugma ang taglay na talento, kasanayan, hilig at pagpapahalaga sa iyong trabaho?
Makakamit mo ang kagalingan at produktibong paggawa.
Kikita ka ng malaki.
Kakaingitan ka ng lahat.
Mas marami kang magagawang hanapbuhay.
Ito ay pambihirang biyaya at likas na kakayahang taglay ng tao.
Kakayahan
Talento
Kapangyarihan
Kasanayan
Ang taglay na ____________ ay tumutukoy sa mga bagay o gawaing ikaw ay mahusay o magaling.
Talento
Hilig
Kasanayan
Propesyon
Ang mga taong may mataas na interes sa kalayaan, pagkamalikhain at paggamit ng imahinasyon ay maituturing na:
Artistic
Investigative
Realistic
Conventional
Si Yeona ay mahusay sa pagbuo ng mga gamit, pagbutingting at pagaayos ng mga makina. Siya ay nagtataglay ng kasanayang:
Data Skills
People Skills
Things Skills
Idea Skills
Mahalaga kay Yeona na matapos agad ang kanyang pagkukumpuni ng makina. Mas gusto niyang gumawa ng tahimik at nag-iisa. Anong pagpapahalaga ang tinataglay niya?
Competition
Working Alone
Creativity
Recognition
Bakit mahalagang mapili mo ang nababagay na track o kurso sa iyo?
Upang magkaroon ng makabuluhang buhay.
Upang maging produktibong manggagawa.
Upang ikaw ay makabahagi sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
Lahat ng nabanggit.
Tumutukoy ito sa iyong paboritong gawain, kinagigiliwan at gusto mong ginagawa nang hindi nakararamdam ng pagod o suya.
Hilig
Trabaho
Utos
Kakayahan
Si Ryko ay mayroong natatanging talino sa matematika, mahusay at mahilig siya sa pagkukumpuni ng mga sirang gamit o makina. Ano ang tugmang SHS strand sa kanya? Pumili ng 2 na maaari niyang pagpilian.
STEM
HUMSS
Electronic Products Assembly and Servicing
ICT- Programming
Si Ryko ay mayroong natatanging talino sa matematika, mahusay at mahilig siya sa pagkukumpuni ng mga sirang gamit o makina. Nagtapos siya ng Electronic Products Assembly and Servicing sa SHS. Ano ang tugmang kurso sa kolehiyo para sa kanya? Pumili ng 2 na maaari niyang maging opsyon.
BS Electronics and Communication Engineering
BS Computer Programming
Electronics Technology
BS Marketing
Mahusay sa klase si Yanna, nais niyang maging Doktor ngunit kapos sila sa pinansyal. Alin sa mga sumusunod ang maaari niyang gawin?
Kung kakayanin, mag-working student.
Humanap ng sponsorship o scholarship.
Kumuha muna pansamantala ng ibang kursong kaugnay ng medisina, magtrabaho at mag-aral muli.
Limutin na lamang ang pangarap at kumuha ng kursong kaya ang tuition.
Ito ay tumutukoy sa mga bagay o nais na pinapangarap o gusto mong mangyari sa iyong buhay.
Mithiin
Panaginip
Propesyon
Tagumpay
Ang Holland Code ni Ryen ay RIC. Ano ang kahulugan nito?
Realistic, Investigative at Conventional
Realistic, Investigation at Communications
Relevant, Investigative at Conventional
Relevant, Investigation at Communications
Pangarap ni Yanna na matuklasan ang gamot sa mga lumalaganap na sakit mula sa virus tulad ng Covid-19. Ano ang kurso na maaari niyang kunin?
Medicine
Engineering
Education
Political Science
