wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

2nd Quiz

Total questions: 20

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Anong klasikong kabihasnan ang tinutukoy?

Umusbong ang mga estado sa rehiyon ng Sudan kung saan ang kanilang yaman ay dulot ng kanilang kapangyarihan sa kalakalang tumatawid sa Sahara.

a)

Kabihasnang Africa

b)

Kabihasnang America

c)

Kabihasnan ng mga Pulo sa Pacific

2.

Anong klasikong kabihasnan ang tinutukoy?

Ang mga bumuo ng lungsod-estado ay nakapagtatag ng sarili nilang kabihasnan.

a)

Kabihasnang Africa

b)

Kabihasnang America

c)

Kabihasnan ng mga Pulo sa Pacific

3.

Anong klasikong kabihasnan ang tinutukoy?

Dito napapaloob ang pinakamalaking pamilya ng wika sa daigdig.

a)

Kabihasnang Africa

b)

Kabihasnang America

c)

Kabihasnan ng mga Pulo sa Pacific

4.

Anong klasikong kabihasnan ang tinutukoy?

Dito makikita ang istruktura tulad ng Pyramid of Kukulcan, Pyramid of the Sun, at ang lungsod ng Machu Picchu.

a)

Kabihasnang Africa

b)

Kabihasnang America

c)

Kabihasnan ng mga Pulo sa Pacific

5.

Anong klasikong kabihasnan ang tinutukoy?

Ang imperyo ng Axum ay ang kasalukuyang Ethiopia.

a)

Kabihasnang Africa

b)

Kabihasnang America

c)

Kabihasnan ng mga Pulo sa Pacific

6.

Isang sistema ng pamamalakad ng lupain na kung saan ang lupang pag-aari ng panginoon ng lupa ay ipinasasaka sa mga nasasakupang tauhan na may katungkulang maglingkod at maging matapat sa panginoong may-ari.

a)

Piyudalismo

b)

Manoryalismo

7.

Ito ang sistemang gumagabay sa paraan ng pagsasaka, ng buhay ng magbubukid, ng kanilang ugnayan sa isa't isa at sa lord ng manor.

a)

Piyudalismo

b)

Manoryalismo

8.

Digmaang militar na may kaugnayan sa relihiyon na itinaguyod ng karamihan ng Kristiyanong Europeo.

a)

Krusada

b)

Holy Roman Empire

9.

Isang unyon ng mga teritoryo sa Gitnang Europa noong Gitnang Panahon sa ilalim ng pamumuno ng Banal na Emperador na Romano.

a)

Krusada

b)

Holy Roman Empire

10.

Pinalawak niya ang mga kaharian ng mga Pranko sa Imperyong Pranko na pinagsama ang karamihan ng Kanluran at Gitnang Europa.

a)

Charlemagne

b)

Alcuin

11.

Tama o Mali?

Ang piyudalismo sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa paghahati-hati ng banal na imperyo ni Charlemagne batay sa kasunduan sa Verdun.

a)

Tama

b)

Mali

12.

Tama o Mali?

Ang pagsasama-sama ng elementong Kristiyano, French, at Roman ang namayani sa kabihasnang Medieval.

a)

Tama

b)

Mali

13.

Tama o Mali?

Ang kastilyo ng panginoong piyudal ang pinakapusod ng isang manor.

a)

Tama

b)

Mali

14.

Tama o Mali?

Noong mga unang taon ng Kristiyanismo, karaniwang tao lamang ang mga pinuno ng Simbahan na nakilala bilang mga presbyter na pinili ng mga hari o namamahala ng bayan.

a)

Tama

b)

Mali

15.

Tama o Mali?

Ang lupain sa loob ng manor ay nahahati ayon sa paggagamitan nito.

a)

Tama

b)

Mali

16.

Tama o Mali?

Si Charles Martel ang unang hinirang na hari ng France.

a)

Tama

b)

Mali

17.

Tama o Mali?

Noong kapaskuhan ng taong 800, kinoronahan si Charlemagne bilang emperador ng Banal na Imperyong Romano (Holy Roman Empire) ni Papa Leo III.

a)

Tama

b)

Mali

18.

Tama o Mali?

Noong mga unang taon ng Kristiyanismo, ang pari ang namamahala sa pagpapanatili ng kaayusan at katarungan sa lungsod at sa iba pang mga nasasakupan.

a)

Tama

b)

Mali

19.

Tama o Mali?

Ang isang fief ay binubuo ng maraming manor na nakahiwalay sa isa’t isa.

a)

Tama

b)

Mali

20.

Tama o Mali?

Ang madalas na pagsalakay ng mga barbaro ay nagbigay ng proteksyon sa mga mamamayan ng Europe.

a)

Tama

b)

Mali