WorksheetsReyna ng Duwende
Total questions: 6
Worksheet time: 18mins
Basahin ang kwentoat sagutan ang mga tanong.
Reyna ng Duwende
Selina ang pangalan ng reyna ng mga duwende. Lagi siyang nakaupo sa malaking balde. Berdeng balde ang paborito niya at balat ng saging ang korona niya. O! Kay saya ni Reyna Selina!
Para saan ang balde ng reyna?
Upuan ito ng reyna.
Ginagamit ito sa paglalaba.
Lalagyan ito ng tubig ng reyna.
Ano ang nararamdaman ng reyna?
______________ ang reyna.
nag-aalala
natutuwa
napapagod
Alin sa sumusunod ang sinasabi sa kuwento?
Hinahawakan ng mga duwende ang korona.
Ang korona ay may mamahaling diamante.
Galing sa prutas ang korona ng reyna.
Saan kaya naganap ang kuwento?
Naganap ang kwento sa ______________ .
kaharian ng mga balde
kaharian ng mga saging
kaharian ng mga duwende
Bakit kaya sinulat ang “Reyna ng Duwende”?
Hatid nito ang isang balita.
Nais nitong magbigay-aral.
Nais nitong magbigay ng aliw.
