wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

MTB 2 - Magagalang na Pananalita at Pagbati

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Isang umaga, nasalubong ni Ana ang kanyang guro. Anong pagbati ang nararapat niyang sabihin?

a)

Magandang umaga po.

b)

Magandang hapon po.

c)

Magandang gabi po.

d)

Salamat po.

2.

Mabilis na naglalakad si Lito dahil mahuhuli na siya sa klase nang bigla niyang nasagi ang bata? Ano ang dapat niyang sabihin sa bata?

a)

Mabuti naman

b)

Paumanhin po.

c)

Kamusta po.

d)

Nasaktan kita.

3.

Binigyan ka ng pagkain ng Tiya mo. Ano ang sasabihin mo?

a)

Kamusta ka?

b)

Wala pong anuman.

c)

Maraming salamat po.

d)

Mabuti naman po.

4.

Papasok ka sa paaralan. Ano ang sasabihin mo sa iyong Tatay at Nanay?

a)

Magandang umaga po, Tatay/ Nanay.

b)

Salamat po, Tatay/ Nanay.

c)

Paalam na po, Tatay/ Nanay.

d)

Paumanhin po, Tatay/ Nanay.

5.

Nagpasalamat ang iyong kalaro sa pagtulong mo sa kanyang makatayo dahil nadapa siya. Ano ang iyong isasagot?

a)

Walang anuman po.

b)

Makikiraan po.

c)

Magandang umaga po.

d)

Salamat po.

6.

May mga gurong nag- uusap sa tapat ng inyong silid- aralan at ikaw ay lalabas. Ano ang iyong sasabihin?

a)

Paumanhin po.

b)

Kamusta po.

c)

Makikiraan po.

d)

Walang anuman po.

7.

Wala kang baon, hinatian ka ng iyong kamag- aral. Ano ang iyong sasabihin?

a)

Walang anuman po.

b)

Magandang gabi po.

c)

Salamat po.

d)

Paumanhin po.

8.

Tapos na ang inyong klase at lalabas na ng silid- aralan ang guro. Ano ang sasabihin mo?

a)

Magandang tanghali po.

b)

Paalam na po, mahal naming guro.

c)

Paumanhin po.

d)

Pauwiin na ninyo kami.

9.

Nakasalubong mo ang iyong lolo isang gabi habang naglalakad ka pauwi sa inyong bahay. Ano ang sasabihin mo sa kanya?

a)

Magandang umaga po, lolo.

b)

Magandang tanghali po, lolo.

c)

Magandang hapon po, lolo.

d)

Magandang gabi po, lolo.

10.

Dumating ang inyong mga kamag- anak galing sa ibang lugar ngunit wala pa ang iyong Nanay. Ano ang sasabihin mo?

a)

Tuloy po kayo.

b)

Bakit kayo nandito?

c)

Wala pong anuman.

d)

Nasaan ang pasalubong ko?