NEW
Font size
WorksheetsPanimulang at Panapos na Pagtataya - Summer Online Reading
Total questions: 15
Worksheet time: 15mins
Tayo sana ay makalaya na sa peligrong dulot ng COVID-19. Ano ang kasalungat ng salitang peligro?
sakuna
ligtas
makawala
makalaya
Tukuyin ang relasyon ng dalawang salita: kalaban-kakampi.
magkasingkahulugan
tindi ng damdamin
magkasalungat
mga talinghaga
Siya ang sumulat ng kuwentong MAHAL NA MGA FRONTLINERS.
Eugene Evasco
Lualhati Bautista
Jan Rex Casiroman
Felicidad Sagalongos
Ang katigasan ng ulo ng tao ang nagiging dahilan ng pagkalat ng pandemya. Ang pariralang "Pagkalat ng pandemya” ay isang ________.
dahilan
sanhi
bunga
bagamat
Bago mo sila husgahan sa kanilang HANAPBUHAY, alamin mo muna ang katotohanan. Ano ang kahulugan ng salitang hanapbuhay?
manggagawa sa kompanya
ginagampan ng tao na gawiin o tungkulin
naglalako ng taho
kumikita ng pera
Ito ay mga salitang magkapareho ang kahulugan o ang ibig sabihin sa Ingles ay synonyms.
kahulugan
magkasingkahulugan
magkasalungat
magkatunog
Tukuyin ang relasyon ng dalawang salita: kolehiyo – pamantasan.
magkasintunog
magkakasunod
magkasalungat
magkasingkahulugan
Anong kaugalian ang ipinapakita sa pangungusap na ito, "Emon, bakit naglalako ka lang ng taho? Tingnan mo ako, empleyado na sa isang maunlad na kompanya at malaki ang sweldo”.
mapanghusga sa kapwa
tapat sa kaibigan
matulungin sa tao
masungit na kaibigan
Si Liza ay masayang nagdiriwang ng kanyang kaarawan kasama ang pamilya at kaibigan. Ano ang kasingkahulugan ng salitang MASAYA?
malungkot
maligaya
madaldal
matulungin
Ito ay isang morpema na ikinakabit sa unahan, gitna o hulihan ng isang salitang-ugat upang makabuo ng isang bagong salita.
pandiwa
panlapi
pangngalan
pang-uri
Ilang panlapi ang ginamit sa salitang kahirapan?
1
2
3
4
Ito ay sangay ng panitikan na nababasa sa iisang upuan lamang at may layuning makalikha ng isang kakintalan ayon kay Edgar Allan Poe.
alamat
maikling kwento
nobela
sanaysay
Sino ang sinisimbolo ng isang pader o haligi sa isang tahanan?
ama
ate
ina
kuya
Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos?
pagsisimba
pag-aaway
pagsagot nang pabalang sa magulang
pagiging tamad sa gawaing bahay
Sa paanong paraan ibinabalik ni Emon ang kanyang pasasalamat sa mga tinatamasang masaganang buhay?
nagpatayo siya ng isang foundation
namimigay siya ng pera
patuloy pa rin siyang naglalako ng taho at ibinibigay sa mga bata
tumutulong sa mga nangangailangan
