Font size
WorksheetsPAGSASANAY 1
Total questions: 20
Worksheet time: 11mins
Tukuyin kung alin sa mga sumusunod ang MORAL NA BIRTUD.
Maingat na Paghuhusga (Prudence)
Katarungan (Justice)
Sining (Art)
Pagtitimpi (Temperance or Moderation)
Katatagan (Fortitude)
Tukuyin kung alin sa mga sumusunod ang INTELEKTUWAL NA BIRTUD.
Maingat na Paghuhusga (Prudence)
Katarungan (Justice)
Sining (Art)
Pag-unawa (Understanding)
Katatagan (Fortitude)
Ito ay may kinalaman sa pag-uugali ng tao at tumutukoy sa mga gawi na nagpapabuti sa tao.
MORAL NA BIRTUD
INTELEKTUWAL NA BIRTUD
Ito ay tinatawag na gawi ng kaalaman.
MORAL NA BIRTUD
INTELEKTUWAL NA BIRTUD
Ito ay sistematikong kalipunan ngmga tiyak at tunay na kaalaman na bunga ngpagsasaliksik at pagpapatunay
SINING
AGHAM
KATATAGAN
MAINGAT NA PAGHUHUSGA
Ito ang tinuturing na ina ng mga birtud sapagkat ang pagsasabuhay ng ibang mga birtud ay dumadaan sa birtud na ito. Ang birtud na ito ay parehong intelektuwal at moral na birtud.
SINING
AGHAM
KATATAGAN
MAINGAT NA PAGHUHUSGA
Ito ay tamang kaalaman tungkol sa mga bagay na dapat gawin. Ito ay paglikha na bunga ng katuwiran.
SINING
AGHAM
KARUNUNGAN
MAINGAT NA PAGHUHUSGA
Ito ay ang birtud na nagpapatatag at nagpapatibay sa tao na harapin ang anumang pagsubok o panganib.
KATARUNGAN
KATATAGAN
PAGTITIMPI
MAINGAT NA PAGHUHUSGA
Ito ay ang pagbibigay ng nararapat na turing sa kapwa, sinuman o anuman ang kaniyang katayuan sa lipunan
KATARUNGAN
KATATAGAN
PAGTITIMPI
MAINGAT NA PAGHUHUSGA
Ito ang pinakapangunahin sa lahat ng birtud na nakapagpapaunlad ng isip. Ito ay nasa buod (essence) ng lahat ng ating pag-iisip.
SINING
PAG - UNAWA
KARUNUNGAN
MAINGAT NA PAGHUHUSGA
Ito ay nagmumula sa labas ng tao.
GANAP NA PAGPAPAHALAGANG MORAL
PAGPAPAHALAGANG KULTURAL NA PANGGAWI
Ito ay mga pagpapahalagang nagmula sa loob ng tao at maaaring pansariling pananaw ng tao o kolektibong paniniwala ng isang pangkat kultural.
GANAP NA PAGPAPAHALAGANG MORAL
PAGPAPAHALAGANG KULTURAL NA PANGGAWI
Ito ang pangkalahatang katotohanan (universal truth) na tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga.
GANAP NA PAGPAPAHALAGANG MORAL
PAGPAPAHALAGANG KULTURAL NA PANGGAWI
Ito ang nagbubuklod sa lahat ng tao sa Diyos.
GANAP NA PAGPAPAHALAGANG MORAL
PAGPAPAHALAGANG KULTURAL NA PANGGAWI
Ang layunin nito ay makamit ang mga dagliang pansarili o pampangkat na tunguhin.
GANAP NA PAGPAPAHALAGANG MORAL
PAGPAPAHALAGANG KULTURAL NA PANGGAWI
Ito ay katangian ng Ganap na Pagpapahalagang Moral dahil ito ay naaayon kung ano ito (what is), ano ito noon, (has been)at kung ano ito dapat (must be). Ito ay nananahan sa labas ng isip ng tao,mas mataas sa isip ng tao at ito ay nananatili kahit pa hindi ito nakikita o iginagalang ng ilan.
OBHETIBO
ETERNAL
PANGKALAHATAN
Ito ay katangian ng Ganap na Pagpapahalagang Moral dahil ito ay umiiral at mananatiling umiiral. Hindi ito magbabago kahitlumipas man ang mahabang panahon. Nagbabago ang panahon, ang paniniwala, mithiin, pangangailangan at layon ng tao ngunit hindi pa rin mababago nito ang ganap na halagang moral
OBHETIBO
ETERNAL
PANGKALAHATAN
Ito ay katangian ng Ganap na Pagpapahalagang Moral dahil ito ay sumasaklaw sa lahat ng tao, kilos at kondisyon okalagayan. Hinango mula sa Likas na Batas Moral, ito ay katanggaptanggap sa lahat ng tao, sa lahat ng pagkakataon, at sa lahat ng kultura dahil ito ay nakabatay sa pagkatao ng tao na pangkalahatan.
OBHETIBO
ETERNAL
PANGKALAHATAN
Ito ay katangian ng Pagpapahalagang Kultural na Panggawi dahil ito ay nakabatay sa sitwasyon, sa panahon at pangyayari. Ito ay madalas na nag-uugat sa subhetibong pananaw sa kung ano ang mapakikinabangan o hindi. Ang ginagawang pagpili ay madalas na ibinabatay sa kung ano ang mas kaaya-aya, kapuri-puri, makabuluhan at tumutugma sa pangangailangan sa kasalukuyangpanahon.
SUBHETIBO
SITWASYUNAL
PANLIPUNAN
Ito ay katangian ng Pagpapahalagang Kultural na Panggawi dahil ito ay naiimpluwensyahan ng pagpapahalaga ng lipunan - ang nakagawiang kilos o asal na katanggap-tanggap sa lipunan.Ito ay maaaring magdaan sa unti-unting pagbabago upang makaayon sa panahon at mga pangyayari.
SUBHETIBO
SITWASYUNAL
PANLIPUNAN
