wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 3 - Paggalang sa paniniwala ng iba

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Nakita mong pinupunit ng iyong kamag-aral ang mga pahina ng isang banal na aklat. Ano

ang gagawin mo?

a)

Kukunin ko ito sa kanya upang di na niya ito tuluyang mapunit.

b)

Hahayaan ko lamang siya sa kaniyang ginagawa.

c)

Sasabihan ko siya na huwag niyang punitin ang mga pahina ng banal na aklat.

d)

Isusumbong ko siya sa kanyang nanay.

2.

Ano ang dapat mong gawin kapag araw ng Linggo?

a)

maglaro

b)

magsimba

c)

mamasyal

d)

maglinis ng bahay

3.

Malakas ang hangin sa labas at bukas ang bintana na malapit sa inyong altar. Ano ang iyong gagawin?

a)

magdarasal ka na humina ang hangin

b)

isasara mo ang bintana

c)

panonoorin mo ang hangin

d)

pupunta ka sa altar at magpapahangin

4.

Nakita mo ang iyong lolo na nagbibigay ng ostia dahil ito ay isang ministro. Ano ang gagawin mo?

a)

magtatago ka upang hindi ka niya makita

b)

ikahihiya mo siya sa kanyang ginagawa

c)

lalapitan mo siya at ngingitian

d)

ipagwawalang bahala mo ang kanyang ginagawa

5.

Malakas ang tunog ng radyo ng iyong Tatay habang nakikinig ng balita. Narinig mong nagdarasal ang mag-anak na Muslim na inyong kapitbahay.

a)

Magpapaalam ka sa iyong Tatay na hihinaan mo ang radyo dahil nagdarasal ang inyong kapitbahay.

b)

Tatahimik ka na lamang habang sila ay nagdarasal.

c)

Hihintayin mo na lang ang iyong tatay na sabihan ka na hinaan mo ang radyo.

d)

Wala kang gagawin.

6.

Alam mong pupunta ang kaibigang Muslim ng iyong kapatid sa inyong bahay sa araw ng piyesta.

a)

Sasabihin mo sa kanya ang mga handa ninyo ay walang sahog na baboy at maaari niyang kainin.

b)

Sasabihin mo sa iyong Nanay na puro lutong may karne ng baboy ang dapat ninyong ihanda.

c)

Sasabihan mo ang iyong ate na huwag na lang siyang papuntahin.

d)

Hindi mo na lang siya papakainin pagdating niya sa inyong bahay.

7.

Sumama ka sa kaibigan mong magsimba. Nakita mong nagsign of the cross si Mariel. Ano ang gagawin mo?

a)

pagtatawanan mo siya

b)

hindi mo siya papansinin

c)

gagayahin mo siya kahit di mo ito ginagawa

d)

wala kang gagawin

8.

May dalang Bibliya si Armie. Kumatok siya sa inyong pinto. Ano ang gagawin mo?

a)

makikinig ka sa salita ng Diyos

b)

magkukunwari kang hindi mo siya nakita

c)

hindi mo papasukin si Armie

d)

wala kang gagawin

9.

Nakita mong nag-alis ng tsinelas ang kaibigan mong Muslim na magdarasal sa kanilang moske. Ano ang gagawin mo?

a)

ipapasuot mo uli ang kanyang tsinelas

b)

papalitan mo ng sapatos ang tsinelas niya

c)

hahayaan mo siya

d)

pagagalitan mo siya

10.

Maraming tao ang nagpupunta sa Pista ng Nazareno. Gustong magpunta ng nanay mo. Ano ang sasabihin mo sa kanya?

a)

Huwag nang magpunta at baka mahimatay sa dami ng tao.

b)

Huwag nang magpunta at baka manakawan siya.

c)

Huwag nang magpunta dahil malayo ito sa inyong lugar.

d)

Huwag nang magpunta at sa bahay na lang magdasal.