wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Mga Ginawa ng Makabayang Pilipino sa Pagkamit ng Kalayaan

Total questions: 10

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tawag sa pagsasa-Pilipino ng mga parokya. Ito ay isa sa mga naging hakbang ng mga paring sekular na magkaroon ng parokya na pamamahalaan?

a)

Paring Regular

b)

Paring Sekular

c)

Rebolusyon

d)

Sekularisasyon

2.

Bakit hinatulan ng paggarote ang tatlong paring martir na sina Mariano Gomez, José Burgos, at Jacinto Zamora, o mas kilala bilang GomBurZa?

a)

Pinagbintangan silang pasimuno ng Cavite Mutiny

b)

Naniniwala sila na masasama ang mga Espanyol

c)

Sila ang pasimuno sa kilusang sekularisasyon

d)

Malalapit sila sa mga paring regular

3.

Sino ang namuno sa Cavite Mutiny na sumalakay sa Fort San Felipe Neri sa Cavite gamit ang ilang sundalong Espanyol, dahil sa pagtanggal ng pribilehiyo ng mga nagtatrabaho sa arsenal ng Cavite, sa hindi pagbabayad ng tributo o buwis at sa hindi paglahok sa sapilitang paggawa?

a)

Fr. Jose Burgos

b)

Hen. Antonio Luna

c)

Sgt. Francisco LaMadrid

d)

Gob-Hen. Carlos Dela Torre

4.

Ano ang tawag sa baitang ng KKK na may Pulang talukbong at sintas sa baywang na may luntian ang suot sa pagpupulong at may senyas na “Rizal”?

a)

Bayani

b)

Kawal

c)

Katipon

d)

Anak ng Bayan

5.

Ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda ay unang inilathala sa Barcelona, Spain noong Pebrero 15, 1889. Sino ang unang patnugot nito?

a)

Jose P. Rizal

b)

Marcelo H. Del Pilar

c)

Graciano Lopez-Jaena

d)

Jose Maria Panganiban

6.

Anong samahan ang itinatag ni Jose Rizal noong Hulyo 3, 1892 matapos makabalik sa Pilipinas, layunin ng samahan na magkaisa ang lahat ng Filipino sa paghingi ng reporma sa mapayapang paraan?

a)

Katipunan

b)

La Liga Filipina

c)

La Solidaridad

d)

Asosacion Hispano-Filipino

7.

Bakit itinatag nila Andres Bonifacio ang Katipunan noong Hulyo 7, 1892 sa kalye Azcarraga, Tondo, Maynila?

a)

Upang gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas

b)

Upang magkaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Cortes ng Espanya

c)

Upang ibulgar ang mga pang-aabuso ng mga prayle sa marahas paraan

d)

Upang makamit ng Pilipinas ang kalayaan sa pamamagitan ng rebolusyon

8.

Ang mga sumusunod ay kasama ni Andres Bonifacio na nagtatag ng Katipunan, maliban sa isa. Sino ito?

a)

Jose Dizon

b)

Ladislao Diwa

c)

Emilio Jacinto

d)

Teodoro Plata

9.

Sinong Repormista ang may sagisag-panitik na “Naning, Tikbalang, at Kalipulako”?

a)

Jose Maria Panganiban

b)

Graciano Lopez-Jaena

c)

Mariano Ponce

d)

Antonio Luna

10.

Ang mga sumusunod ay sagisag-panitik ni Marcelo H. Del Pilar, alin ang hindi kasama?

a)

Kupang

b)

Diego Laura

c)

Piping Dilat

d)

Dolores Manapat