wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

likas na yaman ng asya

Total questions: 10

Worksheet time: 4mins

Name
Class
Date
1.

Sinasabing may malawak na damuhang matatagpuan sa Hilagang Asya bagama’t dahil sa tindi ng lamig dito ay halos walang punong nabubuhay rito. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa likas na yaman ng nasabing rehiyon?

a)

A.Palay ang mahalagang produkto rito bagama’t may trigo, jute at tubo.

b)

B.Paghahayupan ang pangunahing gawain dahil sa mainam itong pagastulan ng mga alagang hayop.

c)

C. Troso mula sa Siberia ang tanging yamang gubat sa rehiyon

d)

D. Tinatayang may pinakamalaking deposito ng ginto at mga yamang mineral

2.

Kung ang Pilipinas ay nangunguna sa buong daigdig sa produksyon ng langis ng niyog at kopra, alin sa sumusunod ang pangunahing produkto ng Malaysia?

a)

A.Tanso

b)

B. Liquefied petroleum gas

c)

C. Telang silk o sutla

d)

D.Sibuyas, ubas at mansanas

3.

Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa pangkat?

a)

A.Makapal at mayabong ang gubat sa Timog-kanlurang Sri-Lanka na hitik sa puno ng mahogany.

b)

B. Ang Bangladesh ay sagana sa paghahayupan.

c)

C. Ang pinakamahalagang likas na yaman ng India ay lupa.

d)

D. Sa mga lambak ng Irrawady at Sitang River ang pinakamatabang lupa sa Myanmar.

4.

Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa taglay na likas na yaman ng Timog Silangang Asya?

a)

A. Ang Timog Silangang Asya ay mayaman sa langis at petrolyo

b)

B. Ang Timog Silangang Asya ay nagtataglay ng pinakamalaking deposito ng ginto.

c)

C. Ang Timog Silangang Asya ang nangunguna sa industriya ng telang sutla.

d)

D..Ang Timog Silangang Asya ay nagtataglay ng malalawak na kagubatan.

5.

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang kabilang sa Timog Silangang Asya na nagtataglay ng mayamang likas na yaman. Ano ang pangunahing produkto na iniluluwas ng bansang Pilipinas?

a)

A. Langis ng niyog at kopra

b)

B. Natural Gas at Liquefied Gas

c)

C. Palay at Trigo

d)

D. Tilapia at Bangus

6.

Ang Hilagang Asya ay sagana sa likas na yaman at kinikilala ang rehiyon na nangunguna sa produksiyon at pinakamalaking deposito ng ginto. Kung ating tutukuyin, saan yamang likas napapabilang ang ginto?

a)

A. Yamang Lupa

b)

B.Yamang Tubig

c)

C. Yamang Gubat

d)

D. Yamang Mineral

7.

Anong bansa sa Hilagang Asya ang may pinakamaraming deposito ng ginto sa buong mundo?

a)

A. Tajikistan

b)

B. Kyrgyztan

c)

D. Turkmenistan

d)

D. Uzbekistan

8.

Sa rehiyong ito matatagpuan ang may pinakamaraming deposito ng gas at petrolyo?

a)

A. Kanlurang Asya

b)

B.Timog Asya

c)

C. Silangang Asya

d)

D. Timog Silangang Asya

9.

Paano mo bibigyan ng paglalarawan ang mga likas na yaman sa bawat rehiyon sa Asya?

a)

A.Ang likas na yaman sa mga rehiyon sa Asya ay magkakatulad.

b)

B. Ang mga likas na yaman sa rehiyon sa Asya ay magkakaiba.

c)

C. Ang mga rehiyon sa Asya ay salat sa mga likas na yaman.

d)

D. Ang likas na yaman sa mga rehiyon sa Asya ay malapit ng maubos

10.

Bakit mahalaga ang mga likas na yaman sa isang bansa?

a)

A. Sapagkat ang likas na yaman ang tumutustos pangangailangan ng mamamayan.

b)

B.Sapagkat ang likas na yaman ay nagbibigay ng karangalan sa isang bansa.

c)

C.Ang likas na yaman ang pinagkukunan ng mga hilaw na materyales.

d)

D. Ang likas na yaman ang nagbibigay ng yaman sa bansa.