NEW
Font size
WorksheetsHEALTH 5 - PANGUNANG LUNAS
Total questions: 10
Worksheet time: 7mins
Bakit mahalaga ang pangunang lunas?
Naiibsan ang sakit na nararamdaman ng biktima
Napapaginhawa ang pakiramdam ng biktima
Nadudugtungan ang buhay ng biktima habang wala pa ang manggagamot
Lahat ng nabanggit
Ano ang tawag sa pagbibigay ng pangunahing magagawang tulong, kalinga, at pangangalaga sa mga taong napinsala ng sakuna o karamdaman?
Bayanihan
CPR
medikasyon
Pangunahing Lunas
Naglalaro sina Ryan at Damian.Napansin ni Ryan na nagdurugo ang ilong ni Damian.Ano ang dapat niyang gawin?
Hahayaan na lamang niya ito.
Paupuin ng tuwid at iyuko nang bahagya paharap ang ulo at pisilin ang malambot na bahagi ng ilong sa ibabang bony bridge.
Pisilin ang ilong para hindi lumabas ang dugo
Paupuin ng tuwid at patingalain nang bahagya ang ulo
Alin sa mga sumusunod ang pinsala o kondisyon na kung saan ang mga kalamnan sa parte ng katawan ay kadalasang namamanhid?
paso
pilay
pulikat
pagkalason sa pagkain
Masaya kayong tumutulong na magkapatid sa pagluluto ng inyong ina ng ulam sa darating na tanghalian sa hindi inaasahan ang kapatid mo ay nasugatan habang naghihiwa ng sangkap na gagamitin para sa ulam. Ano ang pangunang lunas na maaari mong isagawa para hindi lumala ang sugat?
Lagyan ng malamig na panyo o bimpo (cold compress) sa noo at nose bridge
Ibuka ang bibig upang makahinga
Hugasan gamit ang sabon at tubig at linising mabuti upang matanggal ang dumi
Masahiin ang namamanhid na kalamnan
Papunta ka sa paaralan nang biglang may humabol na aso sa iyong kaklaseng si Rina. Nakipaghabulan si Rina sa aso kaya sinakmal siya ng aso sa binti. Bilang kaklase ni Rina, paano mo siya tutulungan?
Linisan nang mabuti ang sugat gamit ang tubig at sabon upang mapigilan ang pagkalat ng impeksiyong dala ng iba pang duming karaniwang namamalagi sa bibig ng hayop
Kapag nagdurugo ang binti diinan ang itaas na bahagi ng hita
Ibuka ang bibig upang makahinga
Tanggalin ang karayom sa pamamagitan nang marahang pagkayod sa balat ng kutsilyo, kuko, o matalas na bahagi ng hita
Naglalaro sina Gian at Mark. Napansin ni Mark na nagdurugo ang ilong ni Gian. Ano ang dapat niyang gawin?
Linisan nang mabuti ang sugat gamit ang tubig at sabon upang mapigilan ang pagkalat ng impeksiyong dala ng iba pang duming karaniwang namamalagi sa bibig ng hayop.
Kapag nagdurugo ang binti diinan ang itaas na bahagi ng hita.
Lagyan ng malamig na panyo o bimpo (cold compress) sa noo at nose bridge.
Tanggalin ang karayom sa pamamagitan nang marahang pagkayod sa balat ng kutsilyo, kuko, o matalas na bahagi ng hita.
Naglalaro kayo ng Hide and seek malapit sa hardin sa harapan ng bahay ng inyong kapitbahay ng biglang may sumigaw ng “Araaay!”. KInagat na pala ng bubuyog ang iyong kalaro. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong ibigay na pangunang lunas?
Kapag nagdurugo ang binti diinan ang itaas na bahagi ng hita.
Lagyan ng malamig na panyo o bimpo (cold compress) sa noo at nose bridge.
Tanggalin ang karayom sa pamamagitan nang marahang pagkayod sa balat ng kutsilyo, kuko, o matalas na bahagi ng hita.
Wala sa mga nabanggit
Bakit kailangan nating sundin ang mga panuntunan ng pangunang lunas?
para matiyak ang kaligtasan ng taong naaksidente at ng sarili
para maging magaling sa lahat ng bagay
para maging sikat sa mga taong naililigtas
wala sa mga nabanggit
Alin sa mga sumusunod ang Virus na nakukuha sa kagat o laway ng isang hayop na sumisira at nagbibigay ng malalang epekto sa ating central nervous system?
coronavirus
Influenza virus
Dengue
Rabies
