wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Isip at Kilos-loob

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan?

a)

Mag-isip

b)

Makaunawa

c)

Maghusga

d)

Mangatwiran

2.

Para sa bilang 2 at 3: Si Rona ay mahilig sa tsokolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes naging maingat na siya sa pagpili ng kanyang kinakain kahit gustung-gusto niya ito. Bakit kaya ni Rona na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kanyang damdamin?

a)

Ang tao ay may kamalayan sa sarili

b)

Malaya ang taong pumili o hindi pumili

c)

May kakayahan ang taong mangatwiran

d)

May kakayahan ang taong mag-abstraksiyon

3.

Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito?

a)

Magagawa ng taong kontrolin ang kanyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit nito sa tamang direksiyon

b)

Ang tao ang namamahala sa kanyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kanya ng kailangan niyang gawin

c)

Kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kanyang kakainin upang maiwasan ang pagkakasakit

d)

Hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay natatangi

4.

"Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahan ang kilos-loob." Ano ang kahulugan nito?

a)

Walang sariling paninindigan ang kilos-loob

b)

Nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip

c)

Kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti

d)

Hindi maaaring maghiwalay ang isip at ang kilos-loob dahil magkakaugnay ang mga ito

5.

Kung ang pandama ay depektibo nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Tama ba o mali ang pahayag?

a)

Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama

b)

Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip

c)

Mali, dahil magkahiwalay ang pandama na kakayahan sa isip

d)

Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyon na naihahatid dito

6.

"Ang katotohanan ay ang tahanan ng mga katoto," ayon kay Fr. Roque Ferriols. Ano ang ibig sabihin nito?

a)

Ang katotohanan ay masusumpungan sa loob ng tahanan kung sama-samang hinahanap ito

b)

Ang katoto ay mga taong magkakasama sa tahanan

c)

May kasama ako na makakita sa katotohanan

d)

Ang katotohanan ay nakikita ng mga tao

7.

Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapwa?

a)

Kakayahang mag-abstraksiyon

b)

Kamalayan sa sarili

c)

Pagmamalasakit

d)

Pagmamahal

8.

Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at kakayahang mag-abstraksiyon. Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag (calling) sa tao na dapat tugunan. Ano ang kaisipan mula rito?

a)

Nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo

b)

Nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapwa

c)

Napauunlad nito ang kakayahang mag-isip

d)

Nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob

9.

Ano ang tawag kapag tumugon ang tao sa obhektibong hinihingi ng sitwasyon?

a)

Pagmamahal

b)

Paglilingkod

c)

Hustisya

d)

Respeto

10.

Ang hayop ay may kamalayan sa kanyang kapaligiran dahil may matalas itong kakayahan upang kilalanin ang bagay na nakikita, tunog, o amoy ng kanyang paligid. Mayroon din itong pakiramdam. Mula sa mga pahayag para saan ang kakayahang ito ng hayop?

a)

Kailangang makita ang kakayahan ng hayop upang pahalagahan sila

b)

Ang kumilos upang pangalagaan o protektahan ang kanyang sarili

c)

Mapaunlad ng hayop ang mga kakayahang ito

d)

Upang maihalintulad ito sa kakayahan ng tao