wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Grade 6 Day 8

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

I. Piliin ang tamang pang-ukol upang mabuo ang pangungusap.


Ang mga opisyal ng PHIVOLCS ay may ulat ________________ pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.

a)

laban sa

b)

para sa

c)

tungkol sa

2.

_______________ PHILVOLCS, may posibilidad na pumutok ang Bulkang Mayon anumang oras.

a)

Alinsunod sa

b)

Ayon sa

c)

Labag sa

3.

Ipinaalis ang mga residente ________________ lugar na mapapanganib kung sakaling pumutok ang bulkan.

a)

sa mga

b)

para sa

c)

nang may

4.

Ang paglikas ng mga mamamayan ay _________________ utos ng lokal na pamahalaan.

a)

laban sa

b)

hinggil sa

c)

alinsunod sa

5.

Ginawang pansamantalang tirahan _____________________ evacuees ang mga pampublikong paaralan.

a)

ng mga

b)

nina

c)

sa mga

6.

___________________ kanilang kaligtasan ang pagpapaalis sa mga residente ng Albay.

a)

Tungkol sa

b)

Ayon sa

c)

Para sa

7.

Lumipad ang helicopter ___________________ bunganga ng bulkan upang maobserbahan ang nangyayari roon.

a)

tungo sa

b)

mula sa

c)

sa mga

8.

Ang bahay ___________ Mang Tonio at Manang Linda ay matatagpuan sa paanan ___________bulkan.

a)

ng, sa

b)

ni, ni

c)

nina, ng

9.

Kararating lang ng mga sundalo ________________ Permanent Danger Zone ng bulkan.

a)

mula sa

b)

tungo sa

c)

ayon sa

10.

May mga mamamayan na tumitira __________________ takot sa mga lugar na malapit sa bulkan.

a)

nang walang

b)

sa mga

c)

ng mga

11.

II. Tukuyin sa pangungusap ang tamang pang-ukol na ginamit.


Ang kalikasan ay kailangang pangalagaan ____________ susunod na mga henerasyon.

a)

para sa

b)

para kay

12.

_____________ G. Abelardo, matutuloy ang pagtatanghal ng programa __________ Biyernes.

a)

Ayon kay / sa

b)

Mulas sa / sa

13.

Isinulat niya ang tulang ito __________ Amelia, ang kanyang kasintahan.

a)

Ayon kay

b)

Para kay

14.

Darating ang provincial bus ___________________ Dagupan ngayong tanghali. Nakasakay doon si Nanay at sasalubungin natin siya.

a)

para sa

b)

mula sa

15.

Walang masasabi ang mga kritiko __________________ G. Valdez dahil malinis ang kanyang pagkatao.

a)

para kay

b)

laban kay

16.

_________________________ pagbisita ng Santo Papa ang pinagkakaabalahan ng mga Pilipinong arsobispo.

a)

Tungkol sa

b)

Ayon sa

17.

Pumayag si Ramil sa kasunduan ________________ pag-aalinlangan dahil malaki ang tiwala niya kay Greg.

a)

nang walang

b)

ni walang

18.

Tumakbo _______________ pinakamalapit na pinto ang mga taong natakot sa narinig nilang mga putok ng baril.

a)

tungo kay

b)

tungo sa

19.

Inatasan ni Tatay si Kuya Jerome na sunduin ang mga bata ____________ paaralan.

a)

mula sa

b)

mula kay

20.

Ang kilusang ito ay _____________ katiwaliang laganap sa ating pamahalaan ngayon.

a)

laban sa

b)

para sa

21.

III. Piliin ang pangatnig na bubuo sa pangungusap.


Magsipilyo nang tatlong beses sa isang araw ______________________ maiwasan masira ang mga ngipin.

a)

ngunit

b)

upang

c)

dahil

22.

______________ hindi ka kumain ng almusal, wala kang enerhiya para maglaro ngayong umaga.

a)

Dahil

b)

Subalit

c)

Kaya

23.

Inaantok ka pa _______________ hatinggabi ka na natulog kagabi.

a)

habang

b)

bago

c)

kasi

24.

Kumakanta sila ng Lupang Hinirang _________________ itinataas ang watawat ng Pilipinas.

a)

hanggang

b)

habang

c)

parang

25.

Magdasal muna tayo ___________ tayo kumain ng hapunan.

a)

bago

b)

kaya

c)

at

26.

Matutuloy ang camping natin ______________ hindi masama ang panahon bukas.

a)

at

b)

subalit

c)

kung

27.

Tumatahol ang mga aso ________________ may taong kumakatok sa pinto.

a)

kapag

b)

ngunit

c)

hanggang

28.

Ano ang kulay ng sasakyan ninyo, pula ______________ puti?

a)

at

b)

o

c)

pero

29.

Mahilig siya magbasa ng aklat ______________ magsulat ng maiikling kuwento.

a)

at

b)

upang

c)

sapagkat

30.

Tumakbo nang tumakbo ang usa ________________ nakarating ito sa gitna ng gubat.

a)

hanggang

b)

habang

c)

samantalang

31.

III. Piliin ang pangatnig sa bawat pangungusap.


Mabigat ang trapiko kaya nahuli ako sa klase.

(a)  

32.

Naglilinis siya ng silid habang nakikinig siya sa radyo.

(a)  

33.

Magbabasa ako ng aklat o manonood ako ng telebisyon.

(a)  

34.

Hindi kumikibo si Mario kapag malapit si Anna sa kanya.

(a)  

35.

Huwag mo siyang tularan sapagkat masama ang ginagawa niya.

(a)  

36.

Sasabay sana ako kay Maricar pauwi subalit nakaalis na pala siya.

(a)  

37.

Hindi pumasok sa paaralan si Nelia dahil sumakit ang kanyang ngipin.

(a)  

38.

Hindi siya matipid sa pagkain palibhasa marami ang perang baon niya.

(a)  

39.

Uuwi ako nang maaga para matulungan ko si Nanay sa mga gawaing bahay.

(a)  

40.

Naghintay si Nanay sa sala hanggang dumating si Tatay mula sa opisina.

(a)  

41.

IV. Isulat ang pang-angkop sa bawat pangungusap.


Sino kaya ang may-ari ng bakanteng lote?

(a)  

42.

Nakatikim na ako ng hilaw na mangga at bagoong.

(a)  

43.

Makinig tayo sa makabuluhang kuwento ni Marlon.

(a)  

44.

Mga modernong kasangkapan ang binili para sa ating tanggapan.

(a)  

45.

Maasahang kaibigan si Nora kaya mahalaga siya sa akin.

(a)  

46.

Ang kagubatan ay luntiang paraiso para sa mga hayop.

(a)  

47.

Isa sa mga paboritong pagkain ko ang pritong manok.

(a)  

48.

Yari sa totoong ginto ang mga alahas ni Patricia.

(a)  

49.

Kina Jasmin at Jaime ang malalambot na unan.

(a)  

50.

Si Carmina ang may itim at mahabang buhok sa larawan.

(a)