wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Si Pilandok sa Pulo ng Pawikan

Total questions: 10

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Paano nakarating sa Pulo ng Pawikan si Pilandok?

a)

Gumamit siya ng paraw.

b)

Lumangoy siya sa dagat.

c)

Sumakay siya sa lumba-lumba.

d)

Tumakbo siya papunta sa pulo.

2.

Ano kaya ang nararamdaman ni Pilandok nang sinabi niya ito?


“Kailangan kong iligtas ang mga itlog."

a)

natutuwa

b)

nagagalit

c)

nag-aalala

d)

nalulungkot

3.

Bakit natawa ang mga kawal ni Datu Usman nang may nagsabi na magiging bato ang mga itlog?

a)

Nakakatawa ang hitsura ni Pilandok.

b)

Walang mga bato sa Pulo ng Pawikan.

c)

May nagkuwento sa kanila ng nakakatawang bagay.

d)

Hindi sila naniniwala na magiging bato ang mga itlog.

4.

Sino kaya ang biglang sumuntok at nanakit sa mga bantay para makuha ang basket ng mga itlog?

a)

si Pilandok

b)

si Datu Usman

c)

ang mga lumba-lumba

d)

isang kawal ni Datu Usman

5.

Bakit naging mas mabigat ang mga basket ng itlog na dala ng mga kawal?

a)

Marami silang nakuhang itlog.

b)

Napalitan ng mga bato ang mga itlog.

c)

Inaantok pa sila noong binuhat nila ang mga basket.

d)

Inilagay din nila sa mga basket ang kanilang mga dalang gamit.

6.

Ano kaya ang naramdaman ni Datu Usman nang makita na puro bato ang laman ng mga basket na dinala ng mga kawal?

a)

nagalit

b)

natuwa

c)

natakot

d)

nasaktan

7.

Ano ang nangyari sa wakas ng kuwento?

a)

Kinain ni Datu Usman ang mga itlog ng pawikan.

b)

Bumalik sa Pulo ng Pawikan ang mga kawal ni Datu Usman.

c)

Naging bato ang mga itlog ng pawikan na nakuha ng mga kawal.

d)

Ligtas na pumunta sa dagat ang mga munting pawikan mula sa kanilang pugad.

8.

Ano ang naging SOLUSYON ni Datu Usman sa suliraning ito?

"Gusto ni Datu Usman na kumain ng itlog ng pawikan."

4 lines
9.

Ano ang naging SULIRANIN ni Pilandok na ito ang naging solusyon?

"Pinalitan ni Pilandok ng mga bato ang mga itlog ng pawikan."

4 lines
10.

Kung ikaw si Pilandok, ano ang gagawin mo para masolusyunan ang problema?

Ipaliwanag ang iyong sagot.

4 lines