NEW
Font size
WorksheetsKasaysayan ng Asya
Total questions: 30
Worksheet time: 17mins
Ito ay tumutukoy sa tiyak na kinaroroonan ng isang lugar sa pamamagitan ng pagsukat gamit ang mga linya sa globo at mapa.
Lugar
Lokasyon
Paggalaw
Rehiyon
Ito ay linya ng globo na patayo at nakaanggulong distansya mula sa prime meridian
Latitud
Longhitud
Parallel
Ekwador
Ito ay rehiyon sa Asya na may pinakamalaking populasyon sa kontinente. Naririto rin ang mga bansang may pinakamalaking ekonomiya sa kasalukuyan
Hilagang Asya
Kanlurang Asya
Silangang Asya
Timog-Silangang Asya
Ito ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na may taas na 8,848 metro mula sa lebel ng dagat.
Bundok Fuji
Bundok Everest
Bundok Apo
Bundok Kinabalu
Ito ay bansang kinikilala bilang pinakamalaking kapuluan sa daigdig dahil binubuo ito ng mahigit 13,000 na mga pulo.
Pilipinas
Hapon
Indonesia
Malaysia
Ito ay bansang nakararanas ng dalawang panahon- ang tag-araw at tag-ulan dahil ito ay nasa mababang latitud
India
Tsina
Siberia
Mongolia
Ito ay behetasyon kung saan hindi maaaring tumubo ang halaman kung kaya`t hindi rin ito nakikitaan ng mga punong-kahoy dahil sa mababang temperatura
Steppe
Taiga
Disyerto
Tundra
Ito ay pangunahing pananim sa mas tuyong rehiyon sa hilagang bahagi ng India at Tsina.
Palay
Barley
Sorghum
Millet
Ito ay isang halimbawa ng non-renewable resources.
langis
coal
enerhiyang solar
mineral
Ito ay bansa na may mataas na life expectancy o karaniwang haba ng buhay ng isang tao.
Indonesia
Hapon
Pilipinas
Afghanistan
Bansa sa Asya na may pinakamaraming buhay na wika na sinasalita sa kanilang teritoryo.
India
Indonesia
Pilipinas
Malaysia
Alin sa mga sumusunod ang tinaguriang pinakamalaking kontinente sa daigdig?
Africa
Europe
Asya
Australia
Ang mga sumusunod ay bansa sa Hilagang Asya, maliban sa isa...?
Azerbaijan
Georgia
Kazakhstan
Taiwan
Ang bansang Pilipinas ay kabilang sa anong rehiyon sa Asya?
Hilagang Asya
Silangang Asya
Timog-Silangang Asya
Timog Asya
Ano ang tawag sa guhit sa globo na naghahati sa mundo sa pagitan ng Timog at Hilaga?
Equator
Latitude
Longhitude
International Date Line
Ang Tibetan Plateu ay halimbawa ng anong uri ng anyong lupa?
Disterto
Kapatagan
Talampas
Tangway
Batay sa datos, Alin sa mga bansa ang mapapansing mong nagsisiksikan ang mga tao?
Macau
Brunei
Philippines
Mongolia
Ito ang pangunahing dahilan ng pagkasira ng balanseng ekolohikal ng karagatan.
Landslide
Storm Surge
Polusyon
Overfishing
Alin sa mga bansa sa Asya ang kabilang sa "Ring of Fire"
Indonesia, Japan. Korea at Pilipinas
Indonesia. Malaysia, Japan, at Pilipinas
Pilipinas, Tsina, Thailand at Malaysia
Japan, Korea, Indonesia at Siberia
Ito ay mahalagang produkto sa rehiyong ito.
Hilagang Asya
Timog Asya
Silangang Asya
Kanlurang Asya
Ito ay tumutukoy sa bilang ng namamatay na tao sa loob ng bansa sa loob ng isang taon.
Birth Rate
Implation Rate
Death Rate
Mortality Rate
Sa Asya, sinasabing may karagatan na kung tawagin ay “Dead Sea”. Bakit tinawag na “Dead Sea” ang naturang karagatan?
Sapagkat marami ng nasawi sa karagatang ito.
Dahil sa puno ng makamandag na lamang dagat ang karagatang ito.
Ito ay dahil sa pagkakaroon nito ng sobrang alat na tubig kaya walang nabubuhay na lamang dagat na nabubuhay dito.
Maraming mga bandido sa karagatang ito kaya naman ang sinumang tumuntong sa karagatang ito ang paniguradong nasasawi.
Bakit mayaman ang Silangang Asya sa usaping agrikultura?
Dahil ito ang rehiyon na may pagtutulungan ang pamahalaan para sa agrikultura.
Dahil Ito ang rehiyon na mayroong mayaman at matabang uri ng lupang maaring punlaan.
Dahil may pagkakaisa ang mga mamamayan sa pagpapaunlad ng kanilang sariling agrikultura.
Dahil mayaman ang Silangang Asya sa usaping agrikultura dahil dito nakasentro ang buong bansang kasapi dito.
Sa Asya, sinasabing “nomadic” ang uri ng pamumuhay ng mga tao. Paano mo maipapaliwanag ang salitang “nomadic”?
Ang mga tao ay nakatira sa gubat.
Ang mga tao ay permanenteng nakatira sa kapatagan.
Ang mga tao noon ay may kaalaman na sa pagtatanim.
Ang mga tao walang permanenteng tirahan; palipat-lipat sila ng lugar depende sa panahon.
Hanging monsoon at amihan; uri ng hanging umiihip sa iba’t-ibang bansa. Bakit sinasabing mahalaga ang hanging monsoon sa Timog Asya?
Ito ang naghahatid ng temperaturang nagbibigay ng kaginhawaan sa mga tao noon.
Ito ang nagpapasigla sa sakahan ng mga Asyanong nangabuhay sa kapanahunang ito.
Ito ang monsoon na nagbibigay ng maalinsangang hangin na nagpapasigla ng kanilang pananim.
Ito ang nagbibigay sa kanila ng sobrang init na panahon na siyang kinakailangan nila sa pagtatanim.
Ang pandarayuhan ay isang desisyong ginagawa ng mga tao kung saan lumilipat sila mula sa isang lugar patungo sa isa. Bakit nila ito ginagawa?
Ito ay dahil sa gusto lamang makaranas ng ibang kultura.
Nakakapangasawa ng mga dayuhan kaya sila umaalis ng bansa at nagiging migrante.
Lumilipat sila ng ibang lugar sapagkat sa kanilang palagay mas maraming oportunidad ang nagbubukas sa lugar na kanilang lilipatan.
Gusto lamang nilang lumayo sa lugar na kanilang pinagmulan upang makalimot sa lahat ng masasamang nangyare/karanasan nila sa kanilang pinagmulan.
Sa loob ng isang bansa, sinasabing isang nagiging suliranin ang pagtaas ng populasyon. Saiyong palagay, paano ito masosolusyunan?
Pagbibigay ng pangunahing kaalaman tungkol sa kahalagahan ng pagpaplano ng pamilya.
Pagpasok ng sa maagang edad/ di tamang panahon sa buhay pag-aasawa ng walang sapat na kahandaan.
Hindi pangingialam sa usaping ito sapagkat wala akong sapat na ideya tungkol sa usaping ito.
Bubuo ng pamilya na siyang pinakamaliit nay unit ng lipunan nang walang pagpaplano at aasa na lamang sa mga magulang kahit na kasal
Global Warming; usaping pangkapaligiran na syang pangunahing suliranin ng mga magsasaka at iba pang indibidwal na kabilang sa agrikultura. Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong upang ibsan ito sa simpleng paraan?
Pagsunog sa mga plastic at halamang tuyo na nawalis sa bakuran ng bahay
Pagbabawas ng paggamit ng dryer at kuryente lalo na kung hindi naman kinakailangan.
Pagtatapon ng basura sa kung saan - saan para walang maging kalat sa kamay o ”bag”
Walang tigil na paggamit ng ilaw sa loob ng tahanan kahit na hindi naman kinakailangan.
Sinasabing kasama sa komposisyon ng gulang ng populasyon ang fertility rate at mortality rate. Paano mo maipagkakaiba ang fertility rate sa mortality rate?
Ang fertility rate ang bilang ng namamatay na batang ipinapanganak samantalang ang mortality rate naman ang katumbas ng buhay ng ipinapanganak.
Fertility rate tumutukoy sa mga ipinapanganak ng mga kababaihan sa loob ng isang taon, mortality rate naman ang bilang ng namamatay na batang ipinanganak.
Fertility rate tumutukoy sa mga ipinapanganak ng mga kababaihan sa loob ng isang taon, mortality rate ang bilang ng nandarayuhan sa loob ng isang taon.
Fertility rate tumutukoy sa mga ipinapanganak ng mga kababaihan sa loob ng isang taon, mortality rate ang bilang ng namamatay na tao sa loob ng isang taon.
Sa paanong paraan nakatutulong ka bilang mag –aaral sa pag - aaral ng kasaysayan ng Asya?
Dito malalaman ang mga katangiang angkin at kasaysayan ng Asya na kaiba sa ibang mga kontinente.
Nagbibigay ito ng mga impormasyong tungkol sa ibang kontinente ng mundo at sa mga nangyayare dito.
Nagbibigay ito ng mga maling impormasyon o datos tungkol sa kasaysayan ng Asya at sa mga katangian nito.
Wala itong naitutulong sapagkat hindi konkreto ang ibang impormasyong napasasaloob sa usaping ito.
