wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ang Matapat na si Jenny

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pamagat ng atin kuwento?

a)

Ang Matapat na si Jenny

b)

Matapat na Bata, Si Jenny

c)

Si Jenny, Ang Batang Matapat

2.

Ano ang pangalan ng tatlong batang babae sa kuwento?

a)

Jenny, George, Mika

b)

Molly, Jen, Glo

c)

Monica, Gloria, Jenny

3.

Ano ang espesyal na regalo na natanggap ni Jenny mula sa kaniyang ina?

a)

Papel na manika

b)

Lapis na manika

c)

Pangkulay na manika

4.

Bakit sobra ang pag-iingat ni Jenny sa lapis na manika?

a)

Dahil mahal ng bili dito ng kaniyang ina

b)

Dahil ito ay espesyal na regalo mula sa kaniyang ina

c)

Dahil nuon lamang siya nagkaroon ng lapis na manika

5.

Sino ang inutusan ng guro na kunin ang kaniyang salamin na naiwan sa silid aralan?

a)

Monica

b)

Gloria

c)

Jenny

6.

Ano ang napansin ni Monica ng bumalik na sila sa silid matapos ang kanilang paglalaro?

a)

Naputol ang kaniyang lapis na manika

b)

Nawala ang kaniyang lapis na manika

c)

May nanghiram ng kaniyang lapis na manika

7.

Sino ang itinurro ng kanilang kamag-aral na siyang kumuha ng kapis na manika ni Monica?

a)

Jenny

b)

Monica

c)

Gloria

8.

Bakit hindi agad naamin ni Jenny ang pagkuha niya sa lapis na manika ni Monica?

a)

Dahil natakot siya sa maaaring maging bunga ng kaniyang pag amin sa kaniyang kasalanan

b)

Dahil gusto din niya ang magkaroon ng ganoong lapis

c)

Dahil ayaw na niyang ibalik ang lapis

9.

Ano ang maling nagawa ni Monica sa kuwento?

a)

Ang magdala ng lapis sa paaralan

b)

Ang umiyak dahil sa pagkawala ng kaniyang lapis

c)

Ang magbintang sa iba ng hindi siya sigurado

10.

Ano ang ipinayo sa kanila ng kanilang guro?

a)

Ang pag-amin sa maling nagawa ay isang mabuting ugali

b)

Huwag amin ang maling nagawa

c)

Ilihim na lamang ang iyong maling nagawa

11.

Bakit kinuha ni Jenny ang lapis na manika ni Monica?

a)

Dahil gusto niya ang lapis

b)

Dahil gusto lamang niyang biruin si Monica

c)

Dahil galit siya kay Monica

12.

Ano kaya ang damdamin ni Jenny, matapos niyang ipagtapat ang mali niyang ginawa?

a)

Malungkot, dahil hindi naging kaniyang ang lapis

b)

Masaya, dahil naamin niya ang kaniyang pagkakamali at napatawad siya ng kaniyang mga kaibigan

c)

Nagalit dahil wala siyang bagong lapis na manika

13.

Kung ikaw si Jenny, ibabalik mo rin ba ang lapis at aaminin ang iyong nagawang pagkakamali?

a)

HIndi, dahil wala namang nakakita sa aking ginawa

b)

Oo, dahil mali ang pagkuha ng bagay na hindi sa iyo

c)

Hindi, magkakaroon ako ng bagong lapis

14.

Ano ang aral na natutunan mo sa kuwento?

a)

Huwag magdadala ng bagong lapis sa paaralan

b)

Ipagtapat ang katotohanan anuman ang maging bunga nito

c)

Iwasan ang mga kamag-aral na laging may bagong lapis

15.

Nakita mong pinapagalitan ng iyong ina ang bunso mong kapatid dahil sa basag na bote sa sahig, na iyong natabig ng nagmamadali kang umalis upang isilong ang mga sinampay dahil sa ulan. Ano ang gagawin mo?

a)

Hahayaan ko na lamang na pagalitan ang bunso kong kapatid

b)

Magkukunwaring hindi naririnig ang galit ng iyong ina sa iyong bunsong kapatid

c)

Aamin na ikaw ang nakabasag ng bote dahil sa iyong pagmamadali