Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Qualifying Test for Pilot in AP4

Total questions: 25

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ang magkakaibigang Ramcis, Ronell, Susan, Wilma at Walker ay nakatira malapit sa malawak na taniman ng palay. Anong uri ng hanapbuhay ang naangkop sa kanilang lugar?

a)

pangingisda

b)

pagsasaka

c)

pagmimina

d)

pangangaso

2.

Ito ay mga lugar na kilala at angkop sa pagtatanim ng mga gulay, prutas, at mga bulaklak.

a)

Tagaytay at Baguio

b)

Batangas at Mindoro

c)

Paracale at Davao

d)

Quezon at Batanes

3.

Ang mga taga-Marikina ay kilala sa pagiging mahusay sa mga gawaing pangnegosyo. Anong uri ng mga produkto ang kanilang nililikha o ginagawa?

a)

damit at pantalon

b)

alahas at palamuti

c)

alak at de lata

d)

bag at sapatos

4.

Anong produkto o kalakal ang matatagpuan o makukuha sa mga lugar na malapit sa baybaying-dagat?

a)

palay, abaka at mais

b)

hipon, mani at saging

c)

perlas, isda at alimasag

d)

manok, baboy at kalabaw

5.

Ang hagdan-hagdang palayan ay isang pamanang pook. Ito ay matatagpuan Hilagang Luzon. Mahigit 200 taon itong ginawa ng mga Ifugao. Sa paanong paraan nila ito inukit?

a)

kamay

b)

paa

c)

siko

d)

kahoy

6.

Tinagurian siyang National Artist sa larangan ng Arkitektura. Ang mga kahanga-hangang nagawa niya na lubos na nagpamalas ng kaniyang galing at talino ay ang Cultural Center of the Philippines, Philippine Plaza, Catholic Chapel sa Unibersidad ng Pilipinas at ang palasyo ng Sultan ng Brunei Darussalam. Sino siya?

a)

Leandro Locsin

b)

Pedro Paterno

c)

Rene Corcuera

d)

Gregorio Santiago

7.

Ang ikalawang pinakamalaking kapuluang matatagpuan sa rehiyong Timog-Silangang Asya ay ________.

a)

Indonesia

b)

Malaysia

c)

Pilipinas

d)

Thailand

8.

Ang samahang politikal na itinataguyod ng tao at may layuning tugunan ang kanilang mga pangangailangan ay tinatawag na ________.

a)

bansa

b)

teritoryo

c)

soberanya

d)

pamahalaan

9.

Angpangkalahatang kalagayan ng panahon sa isang lugar na may kinalaman sa atmospera, temperatura at iba pang nakaaapekto sa pamumuhay ng mga nialalang dito ay _____.

a)

amihan

b)

bagyo

c)

klima

d)

monsoon

10.

Ang pagsasalarawan ng hugis pang-ibabaw ng isang lugar o rehiyon sa mapa ay tinatawag na _________.

a)

tropikal

b)

arkipelago

c)

populasyon

d)

topograpiya

11.

Ang mapa ng populasyon ay tinatawag ding __________.

a)

climate map

b)

physical map

c)

economic map

d)

demographic map

12.

Batay sa sensus ng 2010, ang rehiyon na may pinakamalaking sukat at may pinakamalaki ring bilang ng naninirahan ay ang ___________.

a)

CAR

b)

NCR

c)

ARMM

d)

CALABARZON

13.

Ito ang ahensiyang naatasan na mangasiwa samga gawaing pambayan at lansangan upang maging mas mabilis ang paglalakbay.

a)

CARP

b)

DPWH

c)

DOTC

d)

NTC

14.

Ito ay sistema ng pangangalakal kung saan iisang korporasyon ang nagtitinda ng isang produkto.

a)

monopolyo

b)

monologo

c)

monopolisa

d)

monarkiya

15.

Ito ay ahensiyang naatasan na mangasiwa sa mga gawaing may kinalaman sa edukasyon sa buong bansa.

a)

DOTC

b)

DOH

c)

DPWH

d)

DEPED

16.

Dito makabibili ng murang gamot sa barangay.

a)

Botika ng Bayan

b)

Drugstore

c)

Sari-sari Store

d)

Tindahang Kooperatiba

17.

Makikita sila sa lansangan at namamah ala ng batas-trapiko para sa mga motorista at mga tumatawid na mga tao at nangangalaga sa kaligtasan ng bawat isa.

a)

bumbero

b)

sundalo

c)

pulis

d)

guro

18.

Ito ay programa sa paaralan upang mapanatiling malusog ang mga mag-aaral.

a)

Feeding Program

b)

Deworming

c)

Pagbabakuna

d)

Fogging

19.

Ano ang tawag sa kapangyarihan ng pangulo na tanggihan ang isang panukalang batas.

a)

Commander-in-Chief

b)

Veto

c)

Humirang

d)

Vote

20.

Alin sa sumusunod ang kabilang sa likas na karapatan?

a)

bumoto

b)

maglaro

c)

mabuhay

d)

mag-aral

21.

Alin sa sumusunod ang tungkulin ng isang mamamayang Pilipino?

a)

Magsimba tuwing Linggo.

b)

Sumunod sa utos ng magulang

c)

Magkaroon ng negosyo sa Pilipinas

d)

Sumunod sa batas at maykapangyarihan

22.

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa __________________________.

a)

Timog Asya

b)

Silangang Asya

c)

Kanlurang Asya

d)

Timog-Silangang Asya

23.

Ang Pilipinas ay kapuluang napapaligiran ng _________.

a)

tao

b)

lupa

c)

tubig

d)

hayop

24.

Sa kabuuan, ang lokasyon o kinalalagyan ng Pilipinas ay masasabing _____________.

a)

buong kalupaan na napapaligiran ng tubig

b)

matubig at watak-watak ang mga isla

c)

maliit na isla ngunit matubig

d)

layo-layo ang mga isla

25.

Bakit marami ang naninirahan sa NCR?

a)

dahil maraming oportunidad o pagkakataon dito upang makapag-aral at kumita

b)

dahil maraming naggagandahang gusali rito

c)

dahil nasa sentro ito ng bansa

d)

dahil makabago ito