NEW
Font size
WorksheetsAng Mataas Na Gamit At Tunguhin Ng Isip At Kilos-loob
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Ibinibigay nito ang katwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahan ang kilos-loob.
Kilos-loob
Isip
Memorya
Imahinasyon
Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan?
mag-isip
makaunawa
maghusga
mangatwiran
Ito ay isa sa kakayahan ng tao na magkaroon ng kaalaman gamit ang kaniyang panlabas at panloob na pandama.
Materyal
Ispiritwal
Pangkaalamang Pakultad
Pagkagustong Pakultad
Ito ay pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod at nakapag-uunawa.
Kamalayan
Memorya
Imahinasyon
Instinct
Ito ay kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan.
Ispiritwal
Memorya
Pakultad
Imahinasyon
Ito ay kakayahang lumikha ng larawan sa kaniyang isip at palawakin ito.
Kamalayan
Imahinasyon
Instinct
Memorya
Ito ay kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi dumaan sa katwiran.
Instinct
Memorya
Materyal
Ispiritwal
Ang kakayahan ng tao at hayop na pumupukaw sa kaalaman.
Pandama
Pagkagusto
Pagkilos
Paggalaw
Ang kakayahang ito ng tao at hayop na pinagmumulan ng pakiramdam at emosyon.
Pagkagusto
Pandama
Paggalaw
Pagkilos
Ayon kay Sto. Tomas ito ay makatuwirang pagkagusto sapagkat ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama.
Isip
Kilos-loob
Kalikasan
Ispiritwal
"Ang katotohanan ay ang tahanan ng mga katoto," ayon kay Fr. Roque Ferriols. Ano ang ibig sabihin nito?
ang katotohanan ay masusumpungan sa tahanan lamang
ang katoto ay mga taong kasamahan sa tahanan
may kasama ako na makakita sa katotohanan
ang katotohanan ay nakikita ng mga tao
Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapuwa?
kakayahang mag-abstraksyon
kamalayan sa sarili
pagmamalasakit
pagmamahal
Ano ang tawag kapag tumutugon ang tao sa obhetibong hinihingi ng sitwasyon?
pagmamahal
paglilingkod
hustisya
respeto
Ito ang tawag sa kalikasan ng tao na kumakatawan sa kaluluwa ng isang tao.
Ispiritwal
Materyal
Katawan
Isip
Ayon kay Max Scheler, ito ang ikatlong katangian ng tao na maramdaman at gawin ang isang bagay dahil sa pagmamahal.
Ens Amans
Kilos-loob
Isip
Instinct
